CIEREENA

12.1K 264 5
                                    

  Cielo Divina

        MATAPOS ang limang taong pamamalagi sa Australia ay muli akong babalik sa bayan ko sa Daraga, Albay. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako mamalagi rito, depende sa utos ng Papa kong feeling kong nagkukunwaring may sakit, umuwi lang ako.

       Habang nakatanaw ako sa labas ng bintana ng kotse, pauwi sa aming mansiyon, napansin kong wala namang masyadong nabago sa aming bayan. Maunlad naman na ito bago pa man ako umalis patungong Australia. Pagkagraduate ko, doon na ako sa Tito ko nagtraining sa Hotel na pag-aari niya, ako bilang general manager.

        "Manong Estong, matagal pa ho ba tayo? Sakit na ng ulo ko, jetlag po," tanong ko sa may edad na driver namin. Driver namin hindi pa ako buhay, naninilbihan na sa amin.
        "Ahay! Hindi ka pa rin nagbabago Indeng! Mainipin ka pa rin."
       "Manong! Huwag niyo na nga ho akong tawaging Indeng. Bente singko anyos na po ako, di na ako bata!"

         Indeng, dahil ang buong pangalan ko ay Cielo Divina. Pauso ng mga katandaan ang magpalayaw noon sa baryo namin.  Hindi ko na pinigilan si Manong Estong na dalhin ang mga bagahe ko sa likod ng kotse paghinto sa tapat ng gate namin.

          Hinanap ko agad ang papa sa hardin at alam kong doon ito naglalagi ganitong alas nueve ng umaga. Pag-kakita sa 'kin ay tumayo siya at niyakap ako.

           "Hija! Ang akala ko'y mamaya pang alastres ang uwi mo? Sinorpresa mo ako!"
         "Huwag kang pasaway Papa! Alam mong umaga ang uwi ko. Ang Mama?" 
        "Sa'n ba ang kaharian niya kundi sa kusina?"

        Nagyakap kami ng mahigpit. "Magpahinga ka ng maaga, alam kong may lunch out kayo ng mga friends mo mamaya."

          Lagi kaming nag-uusap ng Mama kaya hindi na kami ganun ka excite dahil updated naman kami sa isa't isa.

         Pag-pasok ko ng kuwarto ko ay wala namang nabago, hindi nagalaw.
Tinabi ko muna ang mga maleta ko at nahiga sa kama. Pag-pikit ko ay lungkot ang bumalot sa kin dahil sa kabiguang aking naalala.

         Nag-flash sa memory ang insidente kung paano ako pagalitan ng aking papa isang buwan matapos ang graduation.

        "Kababae mong tao! Hindi ka nahiya!" bulyaw ni Papa habang hinihila ako papasok ng salas mula sa main door. I was so embarrased dahil reunion sa side ni Papa 'yon. "Papa! Hindi mo man lang ba antayin na makapasok ako ng kuwarto bago mo ako pagalitan? Nakakahiya!"

           "Nakakahiya? Ngayon ka pa nahiya? Eh yung makipaglaplapan ka sa anak ng isang magsasaka natin sa likod bahay nila? Hindi ka nahiya?!"
          "Pa! Grow up! I am just having fun ano ba?!"
         "Ano ka ba? Pinag-aral kita sa sikat na unibersidad sa Maynila hindi para maging kaladkarin!"

         Pag-pasok ng kuwarto ko ay pabalya niya akong naitulak sa kama ko. "I am warning you little child...Pagkagraduate mo ay papadala kita sa Melbourne do'n sa tito mo ng magtino ka! Papatayin mo ako ng maaga, marami pang nangangailangan ng serbisyo ko sa plantahan."

          "Alam ko na po ang litanya niyong yan!"

 
         Mula ng trese ako, oo, wala akong ginawa kundi perwisyo sa magulang ko. Hindi ko alam pero wala akong gusto kundi saya lang, happy go lucky. Sinisisi ko ang Mama dahil naging spoiled ako sa kanya, I wasn't given any responsibilty that can mold me as a person. Wala akong kaalam-alam sa mundo, bukod sa puno ako ng materyal na bagay at sunod lahat ng kapritso. Ni hindi ko alam kung paano ba maging ako. I was lost. Pero kahit ganito ako, there's just one person that can keep my sanity intact. Si Aburee. ....

AUBREE MERCADO

          "HELLO!" Sigaw ko sa kabilang linya. Kausap ko si Cielo.
        "Hello ka din, bruha ka Bibeng!"
        "Sapakin kita pagbaba mo diyan. Bumaba ka na nga rito Indeng!"
        "Baliw!'
        "Bruha!"

Cie-Ree-Na (Gxg Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon