GEELA MAINA'S POV:MASAYA ako para kina Vienna at Sally. They had surpassed the challenge being in an LDR. But not me, not us with Aubree. Sally proposed to Vienna and we can't help but to be just happy for them.
May simple engagement party sila two weeks from now kaya napaki-usapan ni Sally na maka-attend muna sana si Cielo sa okasyon before siya bumalik ng Australia. Paano kaya ako? Pupunta ba ako? Sabagay, hindi naman si Aubree ang pupuntahan ko ro'n kundi ang couple.
"Bakit naman hindi ka pupunta?" Malungkot na tanong ni Sally. "Kami naman ang pupuntahan mo do'n? Malay mo naman maayos niyo pang dalawa 'yan? Ano ba kasi ang nangyari?"
Kinuwento ko sa kanilang dalawa.
FLASHBACK ONE MONTH AGO:
I am happy sa relasyon namin ni Aubree. Pinandigan kong totoo ang pagmamahal ko sa kanya kahit malayo kami sa isa't-isa. Noong una, palibhasa ay magaan pa ang klase niya at ako ang busy sa work.
One time we had a conversation over the phone. Medyo galit siya dahil hindi ko nasasagot ang calls and text niya.
Aubree: Hon ano ba, ano bang use ng cellphone? Nag-aalala ko sa 'yo!
Me: Huwag ka ngang sumigaw, over react ka na naman eh! Busy nga ako diba?
Aubree: Ilang buwan ka na ba sa position mo, hindi mo pa rin mamanage? Antay ako ng antay ng reply mo.
Me: Hon, naman, nasa transition period pa kami dahil hindi na kami nadadaanan ni Ma'm Janna sa store. I need to concentrate, kailangan ako rito. Wala ka bang klase?
Aubree: Kasi naman kahit break time, wala kang text.
Me: dahil minsan, wala na nga akong break eh. Alam mo ba 'yun?
Aubree: Hinde, wala ka kasing kinukuwento. Sa gabi, tulog ka na rin agad. May girlfriend pa ba ako?
Me: Haaaay!!! Honey... calm down. Stress na ako, huwag mo ng dagdagan please? Bear with me still, please.
Aubree: Ewan ko....hindi ko na alam...Sige na, bye!
Naintindihan ko naman si Aubree sa parte na 'yon. Tinext ko siya matapos naming mag-usap sa cellphone.
"Aubree mahal kita. Mahal kita oo. Please don't give up on me. Babawi ako mamayang gabi promise. Skype tayo."
Nagreply siya agad. "GAWIN MO."
All caps talaga 'yon ah! Galit pa rin. Nag focus ako sa work. Kinausap kasi ako ni Ma'm Cissy to give extra time dahil nga nasa banda na si Ma'm Janna at hindi na matuunan ang JLC. Mahal ko ang JLC at mahal ko ang trabaho ko. This is my second home.
Pag-uwi ko ng araw na 'yon, sobrang pagod na ako. Alas diyes na 'yun at konti lang ang dinner ko. Personal kasi akong tumutulong magtrain sa mga bagong barista kaya toxic talaga.
Pagtingin ko ng cellphone ko matapos magshower ay walang text si Aubree. Baka tulog na rin 'yon. Hindi kasi ako sanay na wala siyang text - magreply man ako o hindi. Sobrang antok ay hinihila na talaga sa kama. Nagising ako kinabukasn, sabado at off ko.
I dialled Aubree's number agad. Naalala kong sabado ay full load siya kaya hindi niya nasagot ang tawag ko. Umidlip pa rin ako after lunch. Pag gising ko ay andaming missed call from her. Naku! Malamang umuusok na siya sa galit. Nag dial ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/44172373-288-k641191.jpg)
BINABASA MO ANG
Cie-Ree-Na (Gxg Completed)
RomanceGxg - Completed March 2015 ~ Aug.15, 2016 Highest Ranking: No.1 girlxgirl July 2018 Three friends with different shares in LOVE Ito ay kuwento ng tatlong magkakaibigan na hindi nila inaasahan na pare~parehong iibig sa kapwa babae. Iba~ibang pagkakat...