Chapter 2: Treehouse

6.7K 190 3
                                    

VIENNA DIMAGIBA

          HABANG busy ang iba sa pag-pili ng kanya-kanyang table ay inayos ko naman ang mga souvenirs sa isang corner. Dinaanan kong muli ang table nina Cielo at Aubree.

          "Ayos ka lang?" ngising tanong ni Bree.
         "Why not?" patay-mali kong sagot. Alam kong ang tanong niya ay patungkol kay Sally. Sa kanya ko lang kasi naikuwento ang "Something" sa amin noong chidlhood namin.

          Close kaming tatlo noon pero more on si Aubree ang nakakausap ko. Lagi kasing de-sundo si Cielo kaya hindi nakakatambay pag-uwian. Boarder namin noon si Sally, eleven years old ako, 12 siya noon. Palibhasa'y nag-iisang anak ako kaya sunod lahat ng layaw ko. Pinayagan ako ni Daddy na magbakasyon sa probinsiya ni Sally sa Quezon, kasama ng aking yaya Dianna.

Fifteen years ago...

            "Bekbek, sana magustuhan mo rito sa amin. Itu-tour kita," excited na sabi ni Sally habang palabas kami ng bahay niya. Kagigising lang namin galing siyesta.

           "Ha!Ha! Oo naman! Basta ikaw kasama ko, solb!"

         Pumunta kami sa likod bahay nila kung saan pinakita niya ang mga tanim niyang bulaklak. "Wow! Ang ganda, colorful!"

         Pumitas siya ng isang pulang santan at nilagay sa likod ng tainga ko.

          "Oh see, you're so beautiful," nakangiting sabi ni Sally.
         "You always tell me that Sally."
          "Ang alin?" tanong niya habang nilo-nilock niya ang chain ng santan na ginawa niyang pulseras.

          "Na maganda ako," sagot ko naman habang sinusuri kung paano niya ilagay sa pupulsuhan ko ang ginawang bracelet yari sa santan. Sally sighed.

          "Maganda ka Bekbek,okay? Sino bang nagsasabing di ka maganda? Sasapakin ko?"
          "Feeling ko lang..."
          "Kasi mataba ka?" tanong niyang nakaismid sa akin. Pumitas siya ng isa pang santan na kulay dilaw naman.
         "Oo", sagot ko habang observe ko naman ang ginagawa niya. She's making a chain again out of that santan, but it was longer than the other.
         "Ano naman 'yan?" tanong ko ulit. Bago siya sumagot ay pinatong niya ang ginawa niya sa ulo ko.
          "It's a crown my princess," sagot niya sabay yukod. I smiled.

          Sally is always making me feel comfortable and beautiful, kahit plus size ang timbang ko. Plus size na pag nag-gain pa ako ng timbang ay nawawalan ako ng leeg. Pinasok niya ang buhok ko sa likod ng tainga.

          "See, with that crown, naka-add sa ganda mo."
          "Sally, you don't have to do this para palubagin ang kalooban ko dahil friend mo ako."
          "Don't be silly my princess! You are beautiful, mabilog ka lang. Nakita mo na ba kung gaano ka, ka- cute?"
          "Oo cute, pero hindi ako maganda. I am not attractive! Kaya walang nag-kakacrush sa 'kin!"
          "Of course you are! Sino pa bang maniniwalang maganda ka kundi sarili mo lang muna? Tsaka may nagkaka-crush sa 'yo, akala mo lang wala."
          "Wala naman talaga, dahil mataba ako! Ang nagiging crush ay yung maganda at sexy."

          Sally looked into my eyes atsaka inayos ang korona-koronahan ko sa ulo. "Tandaan mo' to Vienna, hindi lahat ng ganda ay sa sexy at puti lang. Alam mo bang gusto ko ang pilik-mata mo? Mahaba at mapilantik. Gusto ko ang pisngi mo, sakto lang sa umbok. Gusto ko ang....lips mo, makipot at pink na pink. Gusto ko ang malambot at tuwid mong buhok, gusto ko ang ilong mong katamtaman ang laki at tangos. Maganda ka Vienna, maganda ka."

          Pumitas siyang muli ng isang dilaw na santan. Hindi niya iyon ginawang bracelet o korona. Ibinulsa lang niya sa likod ng shorts niya at inaya ako papuntang batis. Mag-kahawak kami ng kamay habang papunta doon. May ipapakita raw siya sa kin.Habang nag-lalakad ay tuloy pa rin ang litnaya niya sa akin.

Cie-Ree-Na (Gxg Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon