GEELA'S POV:
NAKITA kung paano nagbago si Aubree nitong nakalipas na limang buwan. Nabawasan siya ng timbang marahil sa school at ibang commitments niya. Kinausap ko si Vienna kung paano ko masosorpresa si Bree.
Nakita ko namang nagulat siya ng marealize niyang ako na ang nagpapa-autograph sa kanya.
Actually, 'yung picture niya sa buhangin, naisip ko lang sa kotse kanina 'yon na doon ako magpropose. Ang chaka diba, parang ewan!Habang kumakanta ang banda niya ay pasimple na akong tumakas para sa susunod kong plano. Nandito ako sa room na tinutuluyan ni Sally. Si Vienna nakaisip nito para magkasarilinan kami.
Nasa bedroom ako at hinintay ang go signal nina Sally na lalabas na ako. Nasa salas na pala si Aubree. Kinakabahan kong pinihit ang seradura. Sumilip ako at nakita niya ako. Haaay!!! Kumunot ang noo niya. Lumabas na ako ng tuluyan.
"Hi!" bati ko sa kanya.
Tumayo siya tsaka umiling-iling.
"Haay! Sabi ko na nga ba eh! Pakulo niyo ito no?"
"Hindi ba kami magaling?"
"Sakto lang, nagkataon lang na kilala ko kasi mga style ni Bekbek eh!"
"Sorry, you know naman from the start na hindi ako romantic kaya nahirapan ako mageffort."
"Yaaah....the romantic matters."Magkatapat na kami ngayon at patuloy sa pagkabog ang dibdib ko.
"Kinakabahan ako Aubree," pagtatapat ko sa kanya. She just smiled.
"Namiss kita." sabi niya.
"Puwede ba kitang yakapin?" tanong ko. Hindi siya sumagot then she hugged me instead. Mahigpit kaming nagyakapan at namumuo na ang luha ko sa mata. Lumayo ako. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi."Alam mo ba Geela, hindi naman 'yung mga romantic moments natin ang nagpapasaya sa akin, kundi ikaw. Ikaw lang mismo."
Hinawakan ko ang kamay niya at dinala ko siya sa loob ng kuwarto. Napa 'wow' si Bree ng makita ang pinrepare ko for us. A candle light dinner. Pinaupo ko siya at naiyak na siya ng mabasa niya ang ginawa kong backdrop ng may artwork na WILL YOU MARRY ME? with matching rainbow balloons pa.
"Ssshhh...bakit ka umiiyak?"
"Nakakainis ka kasi! Akala ko wala ni katiting na sweetness at romance sa katawan mo, pero heto - sobrang nata touch ako."
"O sige na, tahan na. Kumain na tayo kasi kanina pa ako nagugutom."
"Eh bakit puro ganyan ka mag-propose? Puro designs and arts? May pasulat sulat ka pa sa picture?"
"May taxi te? Nagmamadali, saglit lang no! Akala mo madali 'to ah. Pero teka, sino 'yung nasa Fb lalaki? Kakalbuhin ko yon!"
"Pinsan ko po 'yon! Pinag rereact lang kita, effective naman diba?"Pinunasan niya ang luha niyang tumulo na. Sinamantala ko na kaya't nilabas ko na yung singsing sa bulsa ng blouse ko. Lumuhod ako sa tapat niya at hinawakan ang dalawang palad niyang nakapatong sa hita niya. I looked into her eyes and smiled.
"Look Aubree, antagal kong inantay ang sandaling ito. Aubree, will you be my forever better half? I promise to take care of you, to bring out the best in you, to give you the best with all of my might. I don't want anybody to claim you, just me. Ako lang Bree, ako lang. At lahat ng ako, lahat ng parte ng katawan ko, sa 'yo na."
Mahinang natawa si Aubree at tinampal ang balikat ko.
"Bree....will you marry me?"
Humikbi pa siya tsaka may kinuha sa bag niya. Nilabas niya ang picture na may sulat ko sa likod ng will you marry rin. Nagsulat siya. Binigay niya sa akin ang picture at binasa ko - "Yes baby, I will marry you and I love you with all of my heart."
BINABASA MO ANG
Cie-Ree-Na (Gxg Completed)
RomanceGxg - Completed March 2015 ~ Aug.15, 2016 Highest Ranking: No.1 girlxgirl July 2018 Three friends with different shares in LOVE Ito ay kuwento ng tatlong magkakaibigan na hindi nila inaasahan na pare~parehong iibig sa kapwa babae. Iba~ibang pagkakat...