Chapter 27: One fixed, one Broken

2.8K 108 0
                                    

ISLA PUTING UMAGA: DAYTIME OF DAY 4

ARA VIENNA'S POV:

     AS of now, masaya ako sa kung ano'ng mayro'n kami ni Sally. Tinupad niya ang pangako niyang ibibigay ang respeto na nararapat para sa akin. Nanghihinayang man (dahil gusto ko na siyang manyakin, hehe!) ay walang halik na naganap kagabi. Magkayakap lang kaming natulog. No more, no less.

     Bandang madaling araw ay nauhaw ako kaya bumaba ako. Nagulat pa ako ng makita ko na naman si Geela sa dining at nauna sa akin. Nagkakape siya katabi ulit ang isang maliit na bote na hindi ko mawari kung ano.

     "Huy!" Bati ko. "Aga mo na naman?"

     Humigop siya ng kape bago sumagot. "Yah, oo nga eh."
     "Kamusta tulog? Natulog ka nga ba?"
     "Not really. Iniisip ko si Aubree."
     "Care to share?"
     "She has feelings for me."
     "Isn't it obvious?"
     "Hindi ko ineentertain. Especially Tweeny is here. I want to be with Bree. Bree makes me smile, she can make me laugh. She can make me feel I am special and I am truly being me when we are together. Iniisip ko, baka nga lang sabik ako sa atensiyon na inaamot ko kay Tweeny."

     "Na nakuha mo sa kanya?"
      "Para kasing, hindi ko madistinguish kung ano rin ba 'yung nararamdaman kong ito para kay Aubree."
      "Gee, di mo kailangang mag over analyze. Just listen to your heart. Be with Tweeny today, the whole day then pakiramdam mo ang feelings mo. Kunwari walang Aubree."
       "Okay, I will take your advice."
       "Pa'no? Inaantok pa ako eh, nauhaw lang ako. Tsaka 'yang mahiwagang bote na 'yan, uma-umaga na lang mula second day natin, bitbit mo."
      "Wala ito."

       Bumalik ako ng kuwarto..... bumalik na nakapaloob sa yakap ni Sally. Eight A.M. na kami nagising.

       "Good morning Moymoy!" bati niya sabay halik sacheeks. Nakakatawa, yung hindi pa siya nagsasabi na gusto niya ako ligawan ay panay ang halik nya. Ngayon naman namimiss ko 'yon, he!he!he! Humalik din ako sa cheek niya,

       "Maganda ka pa sa umaga!" balik bati ko sa kanya.

         "Ano agenda natin ngayon?" tanong ko. "Last day natin to enjoy, bukas ng hapon ang alis natin eh."
       "Ah ganun ba? Puwede bang yakapin ka na lang maghapon?"
       "OA mo ah! Hala, tayo na dyan!" at tinapik ko ang matambok nyang butt.

       Nagkasabay pa kaming bumaba ni Aubree. Sa hapag ay parang sinunod nga ni Gee ang payo ko. Hindi sila naghihiwalay ni Tweeny. Masakit din sa akin na makita si Bree na nasasaktan dahil sa presensya nilang dalawa.

       Matapos mag agahan ay kanya-kanya ulit ang mga housemates ng enjoyment. May nag jetski, volleyball at ang ilan ay boardgames.

       "Ikaw Bree? Wanna swim? Di pa kita nakikitang lumangoy uli?" Bating tanong ko sa kanya.

      "Sa gym na lang muna maya-maya, tas sa music room."
       "Sayang ang panahon, masarap ang dagat."
       "Ok sige na nga, sunod ako mamaya."

      Nag shower na kami ni Sally bago lumusong ng dagat. Lulusong na sana ako ng pigilan ako ni Sally sa braso.

      "Bek sandali.."
      "O?"
       "Lika muna.." Naglakad kami hanggang napunta kami ulit sa tapat ng puno kung saan inukit niya ang pangalan naming dalawa.

      "Ano'ng ginagawa natin dito?" tanong ko.

      "May sasabihin ako," seryosong sabi niya. Naku, huwag naman sanang bawiin nya ang panliligaw na balak niya sa akin.

    "Ano? Kinakabahan naman ako dyan Sally."

       Hinawakan niya ang dalawa kong pisngi. "Ara Vienna Dimagiba, gusto ko sanang..." Nakita kong namumula si Sally, hindi dahil sa sinag ng araw pero narinig ko ding nangatal ang boses niya.

Cie-Ree-Na (Gxg Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon