Chapter 4: ADA

4.1K 144 1
                                    


picture po ni Ada 'yon. :)

==================

CIELO'S POV:  

        DAGLI  akong lumabas ng sasakyan. Nakita ko ang isang babaeng nakahandusay sa kalsada at putlang-putla, at maraming pasa.

     Saang lugar ba galing ito at biglang sumulpot? Hindi ko naman siya nahagip.Naalala ko ang mga scam sa Maynila. Kung saan biglang may tatawid, kunway naagrabyado at huhuthutan ka ng huhuthutan sa pera.   

      Napaluhod ako sa kalye at automatikong kinawit ko ang kamay ko sa batok niya. Sobrang kaba ko. Hindi sa itusra ng babaeng 'to na sa tantiya ko'y bata lang sa "kin ng dalawang taon, ang mang-gagantso.

     Tinapik-tapik ko ang pisngi niya. Pinulsuhan. "Miss....Miss...okay ka lang?"   
           "Oooohhh..." ungol niya na bakas ang sakit at hapdi ng katawan. 

           "M---maawa ka, t-tulungan mo ako.." lupaypay niyang wika atsaka tuluyang napapikit.

           Luminga-linga ako sa paligid. Ang daan na ito patungong mansion ay hindi natural na daanan ng tao.Paano ba ako makakahingi ng tulong? Biglang umambon. Nag-aral ako ng karate at regular ang work out ko, alam kong kaya ko siya.  

     Sa sobrang gaan ng katawan ng babaeng ito ay nagawa kong alalayan siya hanggang  maisakay ko sa passenger seat ng kotse.  Sinalat ko ang leeg niya at nanlalamig na siya. Tsk! 

           Kinuha ko ang cellphone sa bag at nag-dial. "H-Hello! Oh My thank God you picked up. Asa'n ka?" tanong ko kay Auntie Phia. Isa siyang doktor. Habang kausap siya ay panay ang lingon ko sa babaeng katabi ko. Puno ng awa ang nasa dibdib ko. Parang walang puso ang gumawa nito.

           Mabilis akong nakarating sa klinika ng Tita ko. Matapos niyang tingnan ay ang reseta siya ng gamot. 

            "She's in a state of temporary shock, Cielo. Mayamaya'y magiging okay rin siya. Nabigyan na natin siya ng first aid sa mga sugat at pasa niya. I packed also the other vitamins that she needs, kulang na kulang siya sa nutrisyon."    

             "Salamat tita, hay naku ano ba itong nangyari sa kanya? May karahasan na ba sa baryo natin?" tanong ko at napabaling ako sa babae.   
              "Tahimik naman dito, maaaring nanggaling siya sa ibang baryo."  
            "Dapat pala tayong mag-padagdag ng securities kung gayon?"   
           "Hindi naman siguro, maayos naman dito sa atin. Teka, ano'ng plano mo sa babaeng 'yan?" I sighed.

          Ano nga ba'ng dapat kong gawin? Napatingin ulit ako sa nakahigang babae. Ni isang identification ay wala itong dala. Parang may kung anong kurot sa puso ko ng makita ko ang nanghihina niyang kalagayan.   

            "Maybe she can stay at my place for a while? Ako na magsasara ng clinic mo Tita. Tutal sabi mo ay in thirty minutes ay magigising na siya."              "Okay, paki-lock na lang at hinihintya na ako ng uncle mo, be safe okay? Nice to see you again, Cielo," sabi ni tita sabay tapik sa balikat ko.     

         Habang inaantay siyang magising ay nakaidlip na rin ako sa sofa. Matapos ang pagdating mula Australia ay derecho na ako sa reunion, wala pa akong literal na pahinga. May lagpas treinta minutos nga akong nakatulog dahil pag-gising ko ay ako ang nagulat. Pag-mulat ko ay napabalikwas ako sa pagkakahiga. 
Nakaupo sa paanan ko ang babaeng pasyente, nakangiti.  

          "Sosmaryojosefa! Kanina ka pa diyan? Nakakagulat ka naman!" 
        "Hindi siya kumibo at ngumiti siyang muli. 
         "S-salamat sa 'yo, binibini. Napakabuti mo." 

     Alam kong ang pag-tulong ko ang tukoy niya.

            "Utang ko sa 'yo ang aking buhay." 
            "Wala 'yon, kahit kanino naman ay gagawin ko 'yon, ang makatulong kung kailangan." Sinapo ko ang noo niya. "May sinat ka pa, mabuti pa ay iuwi na kita."    
           "Wala na akong uuwian, maawa kang tulungan ako." 
            "Okay sige, doon ka muna sa amin."   
            "Maraming salamat," sabi niya at nakita ko ang pabagsak niyang luha.    
           "Mabuti pa'y halika na bago pa man dumilim."Inalalayan ko siyang tumayo at payapa kaming nakarating ng bahay. May event na pinuntahan ang Mama at Papa kaya sa guest room ko muna siya pinatuloy.Ako na ang bahalang magpaliwanag sa magulang ko.     

            Hinatid ko siya sa banyo ng silid. "Ay siya nga pala, ano'ng pangalan mo? Hindi muna kita inabala sa iyong pagpapahinga kanina."     
           "Ada, Ada ang pangalan ko."    
           "Ada...nice name. Ako si Cielo Divina Madrigal." 
            "Madrigal? Ang mag-ari ng isang manggahan sa San Mateo? Mababait ang iyong mga magulang."   
            "Kilala mo sila? Taga-saan ka ba?"    
           "San Joaquin."    
           "San Joaquin? Aba! Limang kilometro ang layo noon dito, paano ka napadpad dito? At ang ayos, mo, paanong..."

          Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng bigla niya akong niyakap at umiyak. Hinagod ko ang kanyang likod. Ayokong nakakakita ng umiiyak, nadudurog ang puso ko. Kahit sa mga pelikula ay madali akong madala.     

           "Sige magpahinga ka na, bukas na lang tayo mag-usap. At teka, Ada..'yon ba ang tunay mong pangalan?"     
         "Esmeralda, Esmeralda Garrido. Iyon ang aking tunay na pangalan."

ADA'S POV:   

        OO, paano nga akong napadpad sa baryo ng San Pablo? Walang dalang anuman sa katawan ay pinilit kong makatakas sa kamay ng tatlong kalalakihan.Wala akong sinisigaw kundi "Tulong! Tulong! Maawa kayo sa akin!"  

         Hinablot ng isang lalaki ang aking kamiseta at sinampal. Napaluha ako sa sakit. Kahit anong sakit ng katawan ay kaya kong tiisin, pero hindi ko matanggapna pinabayaan ako ng aking ama sa kamay ng aking madrasta, abusuhin at ibugaw sa mga pinagkakautangan niya sa sugal.     

      Nakatakbo ako sa gitna ng kakahuyan. Nagpumiglas ako sa alalahaning ako ay gahasain. 

          "Sige takbo pa! Yung malayo! Akala mo ay makakatakas ka? Takbo! hahaha! "

          Sumagot ang isang kasama niyang lalaki."Kabisado namin ang lugar at hindi ka makakalayo! Buwahahaha!!!"

          Kasabay ng paghalakhak niya ay nagpa-putok siya ng baril sa ere. "Eeiii!" Napatili ako at patuloy sa pagtakbo. Hindi ko sila nililingon hanggang makita ko ang maliit na ilog at tumalon ako. Hindi ko alam saan nanggaling ang lakas kong lumangoy hanggang makaabot sa pampang. Hapo man ang katawan at mahapdi dahil sa mga natapakan kong batuhan, matinik na mga sanga, at pasa sa mga suntok nila, ay pinilit kong bumangon..at mabuhay.   

       Nagpatuloy ako sa paglalakad, nanghihina man ang mga tuhod, nginig ang kawatan,  ay pinilit kong bukas ang aking mata at diwa. Pagewang gewang akong nag-lalakad nang makapanalangin ako...

          "Diyos ko po, iligtas ninyo ang buhay ko. Pangakong sinuman ang tutulong saakin ay pagsisilbihan ko habang ako'y nabubuhay."   

         Nakahiga ako ngayon sa kama. Hindi man sanay ang pagal na katawan, ay nakaramdam ako ng ginhawa. Naalala ko kumpano ako nakalabas ng kakahuyan at masilaw sa ilaw ng sasakyan ni Cielo at tuluyang nabuwal. Si Cielo, siya ang tumulong sa' kin, utang ko sa kanya ang aking  buhay.


**********************

Shan

Cie-Ree-Na (Gxg Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon