AUBREE'S POV:
Ayaw kong bigyan kahulugan ang pagtulong ni Cielo. Para lang naman kasi siyang mentos kahit noon pa man. Matigas, mataray sa panlabas pero malambot ang kalooban. Wala ni isang bahid ng alinlangan sa parte ko na may ibang motibo si Cielo.
"Eh ikaw naman Bek-bek, kamusta ang dating games?" tanong ko.
"Ano'ng dating games?" Tanong ni Cielo.
"Wala na...wala na no!" sagot ni Vienna.
"Hoy! Ano'ng dating games? Nakikipag-eyeball ka Bek?" si Cielo.
"Oo, noon, dati. Hindi na ngayon since dumating si Sally."Napailing si Cielo. "Tsk! Ano ba yan Bekbek? Desperada ka na ba?! Mapa'no ka sa ginagawa mo no?!"
"Naku! Sinabihan ko na 'yan," ayuda ko. "Kung sunu-sino kinikita, wala namang nakakatuluyan."
"Eh pa'no ako magkaka-lovelife kung tutunganga lang ako aber? Sayang ang alindog ko! Minsan, hindi dapat naghihintay lang ng poreber, kailangan kilus-kilos din pag may time. Eh kung pareho pala kayong naghihintay? Pa'no kayo magkakakitaan sa magkabilang panig ng mundo? Diba?"Hindi kami kumibo. "O ta'mo, etong si manang Aubree Mercado, hanggang ngayon, never been touched and kissed, masyadong pihikan at mataas ang standard. Or should I say, wala na ngang standard, lagapak pa rin ang lablayp?"
"Grabe ka Bek," sagot ko. "Eh sa wala talaga at hindi 'yon ang priority ko. Tsaka hindi ako topic dito, ikaw na nakikipag-chat kung kanino na hindi mo alam kung sang lupalop nanggaling. Either lokohin ka lang or perahan, haler!"
"Ang hirap kasi sa inyong dalawa....nangunguna kayo masyado sa mangyayare!"Sumeryoso si Cielo, "Concern lang kami dahil kaibigan ka namin."
"Hindi na nga diba?... Diba.... diba?!"
"O, eh nasan na ba si Sally? Hindi ba't may imbitasyon yun sa Quezon?"
"Maybe next week," sagot ni Vienna. "May inaasikaso daw muna. Tsaka wala ka naman no'n diba?"
"Oo nga pala. Anyway, gals it's getting late. Hindi pa ako tapos mag-empake. Basta yung request ko ha, si Ada. Exit muna ako, kayo na ang bahala. I will call you both kung sino'ng available."
"Sige na," sagot ko. "Kami ng bahala. Just do kung ano'ng dapat para sa family mo."
"Thank you Aubree, Bek..."
"That's what friends are for..." sagot ko.Nauna na si Cielo na umuwi, samantalang naglakad lakad pa kami ni Vienna sa park. Pampa-baba ng kinain.
"Oh bakit, parang may iniisp ka?" tanong niya.
"Bek....."
"Hmmm..?"
"Alam ba ng magulang mo na ...lesbiana ka?"
"Serious mode ka, te?"
"Hindi nga, pa'no mo nahahandle 'yung...acceptance sa sarili mo? Hindi alam ni Cielo na ang mga dinedate mo ay mas lamang ang babae kaysa lalaki. Hala ka.."
"Honestly Beng, hindi ko alam. Basta sa sarili ko, gusto ko si Sallie. Mayro'n sa puso ko na inantay ko siya sa mga taong hindi kami ngakikita. 'Yun lang ang dis-advantage kasi, sa mga nakakadate ko, hinahanap ko ang katauhan ni Sallie sa kanila. Kung lalaki man ang nakakadate ko, wala talaga eh, kahit anong pilit ko."
"Paano kung malaman ng parents mo?"
"Well..I am twenty five. Whatever happens, it's still my heart, it's still my life. Sa pagkakakilala ko sa magulang ko, hindi naman siguro ako itatakwil. Chill lang kumbaga. Bakit mo natanong? Confused ka na ba?"I sighed. Ayoko ng maglihim, baka sakaling ako, matulungan ni Vienna mag analyze ng feelings ko.
"Honestly Bek, oo. Tahimik naman ako, panatag, at peace ang buhay. Pero lintik na, dumating si Geela. Iba ang pakiramdam ko."
"Tumitibok ng mabilis ang puso mo? Minsan hindi makahinga sa presensiya nya? Nangingiti at masaya ka pag kasama siya?"
"Oo eh, naaaliw din naman ako sa inyo ni Cielo pero hindi ganito na katulad ng kay Gee, rumarambol ang katinuan ko. OA man pero 'yun ang effect niya sa akin. Pero, mawawala rin 'to for sure. Lalo na, uuwi na siya sa Maynila."
"Tama 'yan Bree, lalo na hindi ka pa pumapasok sa isang relasyon. Mawawala rin 'yan. Maaaring physical attraction lang 'yan. Pero, ang alam ko ay indefinite pa ang stay niya dito sa Albay ah. Uuwi raw rito ang isang boss nila dahil may conference?"
"Baka mas lalo pa akong mapa-trouble kung eentertainin ko pa ang feelings ko sa babaeng 'yun eh."
"Ikaw ang bahala. Hindi naman na natin siya makikita ulit dahil wala na si Cielo, wala na tayong bonding."
"So. Paano? Ikaw na muna ang bahala kay Ada? Intindihin ko muna ang mga raket ko sa buhay."
"Sure, andito lang ako lagi, alam mo 'yan. Hatid na kita?"
"Pabor. Tipid sa pamasahe."
BINABASA MO ANG
Cie-Ree-Na (Gxg Completed)
RomanceGxg - Completed March 2015 ~ Aug.15, 2016 Highest Ranking: No.1 girlxgirl July 2018 Three friends with different shares in LOVE Ito ay kuwento ng tatlong magkakaibigan na hindi nila inaasahan na pare~parehong iibig sa kapwa babae. Iba~ibang pagkakat...