Chapter 42: Balikan natin

2.9K 97 1
                                    


FOUR MONTHS  LATER

CIELO DIVINA'S POV:

             KINAKABAHAN ako ngayon. Makalipas ang apat na buwang pagtikis sa mga magulang ko, masasabi na akong handa na akong harapin sila. Nakipag-sapalaran ako sa Maynila para gumawa ng hakbang on my own to save my family's legacy in our plantation.

           Matapos ang masusing imbestigasyon, sa tulong ni Jude na family friend namin na abogado, tingin ko ay sapat na ang ebidensiya.

             In four months, hindi nawala ang linya naming CIEREENA. They always make me updated sa buhay nila. I need them.. to keep me sane - always.

             Umalwa na ang pakiramdam ko nang malaman kong bumalik sa lugar namin si Ada. Natuloy na raw mag abroad si Jandy at may maliit na silang grocery. Busy rin sina Vienna at Aubree sa kani-kanilang buhay.

            Si Vienna sa kanyang coffee shop at salon. Si Aubree naman ay ikinatuwa ko talaga ang pilit niyang matapos ang kanyang studies. Papasok na ang Oktubre at nasa second sem na siya. Alam kong nandito sa Manila si Sally at Geela. LDR sila ng mga kaibigan ko.

              I was able to make a schedule to meet them dito sa Manila to catch up. Plan ko after to meet my Dad.

          Ding! Dong! Ding Dong!

             Napabalikwas ako sa kitchen nang may mag'doorbell. I am here now sa binili kong condo sa Makati four years ago.

              Hati kami rito ng isa kong kaibigan na nakilalala ko sa Australia. Dito na ang uwian namin pag nasa Manila from Australia. First time kong mag stay dito ngayon. Mahirap kasi mag-isa ka lang pero tiniis ko ang lungkot at pangungulila para sa kapakanan ng pamilya namin.

               Medyo naluha ako pag-bukas ko ng pinto. I saw my parents standing in front oy my doorstep.

            "Ma! Pa!" Nasambit ko sabay sugod ng yakap sa kanila. Napahagod ang Mama ko sa likod ko. "Pasok po kayo."

             Pinaupo ko sila sa sofa. Niligid nila ang tingin sa kabuuan ng condo.

             "Nice interior," sabi ng Papa. "You got my style baby."

            Nanikip ang dibdib ko sa pagkarinig ko ng baby. I missed my Papa. I will always be her princess.

          "Drinks Ma? Pa?"
          "Later hija, kakakain lang namin ng Papa mo," magiliw na sagot ni Mama.
           "Okay, nagluto ako for us sa lunch."

             Tinanggal ni Papa ang salamin niya at saglit nagpunas ng something sa gilid ng mata niya. Luha ba? Hindi ako sigurado.

            "Anak, saan tayo puwede mag-usap?" tanong ng Mama.
             Dinouble lock ko muna ang pinto bago sila ayain sa may dining hall. Hindi ko alam kung paano mag-sisimula hanggang si Mama na ang nag-initiate.

            "Anak, nadampot na si Greg at naisampa na ang kaso. Pasensiya na kung....naging bulag kai ng ama mo."
             "Ma...."
            "Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyari sa 'yong masama ng dahil sa akin anak," sabi ng Papa sa pinaka-mababang boses.
Which is, hindi ako sa sanay dahil lumaki akong lagi siyang nakabulyaw sa akin noon.

            "Sapat na ang mga ebidensiya nakalap anak," sabi ng Mama sabay hawak sa kamay kong ansa ibabaw ng mesa.

            "I am so proud of you sa katapangan mo. Hinimok ko ang Papa mona bigyan ka ng chance sa lahat ng natuklasan mo."
          "Totoo ba'ng binalak ka niyang pag-samantalahan noong kabataan mo?" matigas na tanong ni Papa. Tumango ako at nakita kong kinumuyos nya ang palad nya.

Cie-Ree-Na (Gxg Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon