AUBREE'S POV:
ANO ba itong napasukan ko? Haay Geela...bakit hindi kita mahindian? May isang parte ko na gusto ko, may isang parte na umuurong. Pero mahal ko siya.
Nanatili akong nakaupo sa kama at nagpunta na ng CR si Geela."Sunod ka na Babe ha, ang lagkit na kasi ng pakiramdam ko," sabi niya sabay hablot ng towel sa ibabaw ng cabinet.
Ilang minuto akong nag stay sa room habang nasa loob si Geela. Inaantay niya ba talaga ako? Hindi ba masyadong maaga para mag shower kami ng sabay?
"Aubree!!!!" Napapitlag ako when she shouted my name. Para namang dumagundong 'yung kuwarto!
"O-oo andyan na!!!"
Mabilis akong tumalima at inikot ang knob ng pinto. Nasa loob ng shower cubicle si Geela at naaninag ko ang kahubadan niyang natatakpan ng manipis na shower curtain. Narinig kong nilakasan niya ang shower. "Halika na rito babe," mahina niyang utos.
Bigla niyang hinawi ang kurtina at wala sa loob kong natakpan ko ang mata ko. Walang saplot si Geela na basang-basa ng tubig ang buhok at ang katawan. Para siyang isang diyosa at wala akong maipintas sa buo niyang kahubdan.
Girlfriend ko ba talaga ang binibining nasa harap ko? Karapat-dapat ba ako sa tanawing ito? Na ang perpektong kurba ng katawan na sasambahin ng mga kalalakihan? Pero heto ako, akin siya at mahal ako.
"Ha! Ha! Ha! Huy Aubree bakit ka tumalikod at nagtakip ng mata? Patawa ka! Hindi mo ba nagustuhan ang view? Grabe lang ah!"
"Ano ba 'yan, nakahubad ka kasi Geela!"
"Aba siyempre! Naliligo ka ba ng nakadamit? Hello!!!"Pinatay niya ang shower, tinuyo saglit ang buhok atsaka tinapis ang tuwalya sa katawan niya hanggang dibdib. Humakbang siya ng ilang pulgada papalapit sa akin. She held my hand.
"Bree...let's enjoy the moment okay? We may never know what's next in us. Relax ka lang okay?"
Pinadaan nya ang likod ng hintuturo niya sa pisngi ko. Napasinghap ako sa banayad na paghaplos niya.
"Hindi kita pinipilit Aubree. Kung hindi ka komportable, okay lang. Bibilisan ko na lang maligo para makasunod ka, okay?"
I felt the sincerity in her voice. Tatalikod na sana siya nang hinablot ko ang wrist niya.
"Gusto ko Babe, gusto kong makasama kang maligo."
Nagningning ang mata niya sa sinabi ko. "Aubree... okay lang talaga."
"No...I want it. Pero sa isang kondisyon.."
"Haha! Ano naman?"
"Hubaran mo ako."Napalunok siya. "Well...I would love to, all is new to me Aubree, this is a first time...lahat una kasama ka."
Masuyo kong hinawi ang basa niyang buhok, inipon at nilagay sa batok niya. Mula itaas ng dibdib niya at buong leeg ay nakakasilaw sa kaputian. Nakaka-tuksong halikan. If this girl dared to be naked in front of me, bakit ako mahihiya? Sabi niya nga hindi dapat dahil nobya ko naman siya.
"Ang ganda mo," hindi ko napigilang sabihin ng may paghanga.
Malagkit niya akong tinitigan. Parang tumatagos ang sidhi ng pagnanasa sa kanyang mga mata. Ang titig niyang 'yon ang humila sa akin para hapitin siya at ilapat ang labi ko sa labi niya.
Pumailalim ang mga daliri niya sa buhok ko at masuyong gumaganti ng halik sa akin. Kusang humagod ang mga kamay ko sa likod niya, dahilan na malaglag na sa sahig ang tuwalyang kanina'y tumatakip sa perpekto niyang katawan. Lumalim ang paghahalikan namin at ibang-iba na ang init na nararamdaman ko kahit nakabihis pa ako.
BINABASA MO ANG
Cie-Ree-Na (Gxg Completed)
RomanceGxg - Completed March 2015 ~ Aug.15, 2016 Highest Ranking: No.1 girlxgirl July 2018 Three friends with different shares in LOVE Ito ay kuwento ng tatlong magkakaibigan na hindi nila inaasahan na pare~parehong iibig sa kapwa babae. Iba~ibang pagkakat...