Bonus KILITI Chapter : Confessions

4.8K 161 52
                                    

BALOT'S POV:

          On our third night sa Isla ay naisipan kong gumawa ng bonfire. Nakapalibot kaming pito at ninamnam ang simoy ng hangin.

           "Girls, gusto kong kahit kaunti ay makilala kayo ng bawat isa. Sagutin niyo lang lahat ng tanong ko. Walang KJ ha, lulublob ko kayo sa dagat!"

          "Okay game kami dyan," sagot ni Aubree. Atat lang? Tingnan natin.

           "Oh, unang tanong para kina Sallie: Paano naging sexy ang mga partners ninyo? Unahin na kita Ada ng magsalita ka naman. Puro ka lang ngisi dyan eh."

ADA: Literal naman na sexy si Cielo eh. Literal ding malambing siya sa akin at malambing ang boses niya.

GEELA: Uhhmmm....si Aubree? Sexy ang eyes niya. Haahah!!! Lagi kasing pacute!!!

SALLIE: Oh my! Walang tatalo sa kasexyhan ni Vienna ko. The sexiest, the yummiest and the funniest! Ha! Ha! No..kidding aside, sexy si Bekbek, agree? She is smart and witty, and bubbly! Those make her sexy."

Balot: Second question is "Sing a part of a song for your love. Unahin kita Sallie naman."

SALLIE: "Ako talaga una ha? Teka, iisip muna ako. Hmmmm...sige eto, walang tawanan ha, kanta 'to ni Lionel Richie na The Only One..

'♪ You...turn me inside out and you show me, What life's what about only you. The only one who took my heart away...♪ Love you bek!"

Balot: O kiss naman dyan Bekbek! Sa Lips ah! Oh, ikaw naman Gee, ano'ng kanta mo kay sexy Aub? Kayong parang aso't pusa na magmahalan...

GEELA: "Ahhmmm...sige eto, kanta ni Angela Boffil yata ito eh. Ehem, ehem ;)
♪ ...honestly tell me now, has it shown? How much love has grown? The way I tremble at the sight of you. I want to learn to love you through and through this I beg, You should know by now.. ♪"

Aubree: Grabe, talaga lang hon? Trembling at the sight of me?

Geela: Oo kaya! Di mo ba alam? No'ng nagreunion kayo at unang kita ko palang sa 'yo, nanginig na ako at nabitawan ko 'yung cookies? Na halos malaglag panty ko nung kumanta ka pa sa stage? At di mo ba nahalatang nanginig kamay ko nung iabot mo ang panyo ko sa CR? Syempre di mo alam?

Aubree: Sus!
Geela: Kinilig ka naman?!
Aubree: Natural! Hahaha!!!

Balot: Oh tama na ka cheesy-han nyo. Si Ada naman. Kahit anong kanta puwede.

Ada: "Ahm para kay Cielo....

Langit ang buhay, sa tuwing ika'y hahagkan. Anong ligaya, sa tuwing ika'y mamasdan. Sa piling mo, ang gabi..tila araw. Ikaw ang pangarap, Ikaw Lamang..♫♥ ♪

Balot: Uy Ada! Ang ganda pala ng boses mo? Grabe ha, tumayo balahibo ko.

Cielo: Oh, pang akin lang ang boses niya! Hahaha!!

Balot: Wala na akong sinabi. Oh next, salitan ang sagot ha. Ano ang something unique sa inyo na gusto niyong malaman ng iba? Kahit ano. Mas maganda yung mga personal habbits or whatsoever. Sino gusto magstart? Ikaw Bek?

Vienna: Okay sige. Aaahhh...si Sallie? Ano ba? Wait... Ah alam ko na. Mawala na ang lahat, huwag lang ang mahiwaga niyang eyeliner. Hindi kasi siya nagmemake-up, basta 'yun lang solve na siya.

Sallie: Ah ganon? Bukingan pala 'to?
Vienna: Umayos ka ha, re-wrestlingin kita mamaya pag pangit sinabi mo!

Sallie: Hahahah!!! Okay sige. Si Bek? Hindi siya nakakatulog kapag hindi suot 'yung medyas niyang rainbow na abot hanggang tuhod. Kahit mainit ang panahon, isusuot niya 'yon! Kahit ilang araw walang laba. Hahha!!!

Cie-Ree-Na (Gxg Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon