Chapter 51: Epilogue ~ Jump High

4K 126 21
                                    

CIELO'S POV:

       TANGHALI na rin akong nagising. Bumangon ako at sumilip sa bintana. Nakita kong magka-hawak ng kamay na naglalakad sina Aubree at Geela. Natutuwa ako para sa kanila. Actually, para sa aming tatlo. Maganda rito sa isla, nakakarelax. Thanks to Balot.

      Dito pala sa isla umusbong ang lovelife nina Aubree at Bekbek. Ayos sa pakiramdam na makarating dito na kasama ang mga kaibigan ko.

      Bumalik ako sa kama at pinagmasdan ang natutulog na si Ada. Ang mahal kong si Ada. Sinong mag-aakala na kami rin pala. Hinaplos ko ang pisngi niya matapos ay kiniliti ang tainga niya.

       "Ada...gising na. Maganda ang dagat. Ando'n na sina Aubree. Suot mo 'yung bathing suit na binili ko ah."
      "Uhmmmm...." ungot niya. Unti-unti niyang minulat ang mata niya. "Good morning!" bati niya sabay ngiti.
      "Goodmorning," sagot ko. "Kain na tayo, malamang nasa kusina na si Bekbek."
      "Ikaw talaga, lagi mong binibiro si Bekbek."
       "Sanay na 'yon sa kin."
       "Kapag sumexy pa sa 'yo yun sige ka."
       "In your dreams baby. Anyway, nagustuhuan mo ba dito?"
       "O naman. Masarap mamuhay dito, malayo sa gulo sa bayan."
      "Hayaan mo, dadalhin din kita sa resort namin sa Batangas kapag okay na ulit schedule natin. For the meantime, tumayo ka na diyan."

     Sabay kaming bumaba at tama nga akong kumakain na sina Bekbek.
      "Good morniiiing girls!!!" masayang bati ko sa dalawa.
       "'Morning!" sagot ni Bekbek. "Hindi na namin kayo ginising ah, kanya-kanya muna tayo, ha!ha!"
      "Si Balot?"

       Sinubuan ng hotdog ni Bekbek si Sally bago sumagot. Sweet lang ah. "Bumaba na kanina eh. Nung nakita sa beach sina Geela, umakyat, kinuha yung camera niya. Mambibiktima na naman mamaya ng stolen shots. Ay naku, kakalbuhin ko siya talaga kapag pinagkukuhanan niya anggulo ng taba ko, promise!"
        "Ha! Ha! Ha! Goodluck!"

        Matapos kumain ay kami na ni Ada ang nagkusang magligpit at maghugas. Umakyat na sina Bekbek at susunod na raw kina Aubree sa dagat.
Pinagmamasdan ko si Ada habang naghuhugas. How come this girl was given to me to love?
        "Ada.... "
        "Hmmmm?"
        "Pagdating sa Maynila ay hindi na kita hahayaang kumilos. Hayaan mo na 'yung maid natin. I want you to concentrate on your studies."
       "Ayos lang naman, sanay na ako tsaka ang paglilinis na lang nga ng bahay ang ehersisyo ko."
        I smiled at her. "Bakit mo ba ako mahal?" I asked. Tumigil siya sa paghuhugas at humarap sa akin. She smiled.
        "Alam mo Cielo, lagi kang uhaw sa mga matatamis na salita galing sa akin ano? Basta naramdaman ko na lang 'yon. Hanggang ngayon eto oh," kinuha niya ang kamay ko at dinala sa dibdib niya.
        "Malakas ang tibok ng puso ko sa tuwing mag-kasama tayo. Kulang na nga lang imbis na dug-dug-dug ang tunog niya, eh...Cielo -Cielo- Cielo.."
      Mabilis kong hinalikan ang labi niya. "I love you....." sabi ko.
       "Mahal kitang lalo Cielo."
        "Oooohy! Oy! Oy! Oy! Oy! Lovebirds!" sabay kaming napalingon. Si Balot. Nakasabit na sa leeg niya ang camera.
        "Aga-aga niyong nag-tutukaan diyan, bilisan niyo at magpicture na tayo sa labas."
           Bumungisngis lang kami ni Ada, caught in the act pala kami, hihi!

ARA VIENNA'S POV:

       Umakyat na kami ni Salliy sa taas para maghanda sa swimming. Niyakap ko mula sa likuran si Sally habang nakaharap sa tokador.
        "Uhmmm...ano 'yang lambing na 'yan?" tanong niya sa akin.
        "Uhmm...wala naman," sabi ko pagkahalik sa balikat niya. "Naalala ko lang 'yung nakaraang taon na ninanakawan mo ako ng halik dahil you want to give Balot the show, coz' of the camera."
        "Ha! Ha! Ha! Ha!"
        "Bakit ka tumatawa?"

Cie-Ree-Na (Gxg Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon