Chapter 28: Samahan mo ako

2.7K 107 5
                                    

4th day ISLA PUTING UMAGA: NIGHT TIME

AUBREE'S POV:

        HINDI ako makahinga sa yakap ni Geela. 

         "Gee, mababasa ka," bulong ko. Kahit galing akong tubig ay ramdam ko ang init ng katawan niya. Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya, 

        "Bree, I thought tuluyan ka ng mawawala sa akin."
        "Inisip mong magpapakamatay ako?"
         "Ewan ko..basta nakaramdamam ako ng takot."

         Kumalas ako sa yakap at pinulot ang tsinelas at tshirt ko sa buhangin.

        "Maligo ka na rin Gee, nabasa kita. Tsaka bakit ka ba nandito, gabi na?"
         "K-kanina pa kita hinihintay sa kuwarto."
         "Hindi ka ba hinahanap ni Tweeny?"
         "Hindi..."
         "Magpahinga ka na..." sabi ko sabay lakad ulit papalayo sa kanya. Sinabayan niya ako.

         "Bree, can we talk?"
Tiningnan ko lang siya. "Please Bree?"

        "Ayusin muna natin sarili natin tsaka natin tapusin ang lahat ng 'to."

        Pagdating namin ay umuna na sa kuwarto si Geela. Sa kabilang banyo ako nagshower. Pumasok ako ng kuwarto ng nakabihis na siya pantulog. Nasa'n kaya jowa nitong linta?

        Nagpapatuyo ako ng buhok sa electricfan at pinapakiramdaman ang kilos niya. Nakita ko siyang nagkalikot ng cellphone niya. Kung gusto niya ako kausapin, siya ang mauna.

        Nag sepilyo na ako matapos ang seremonyas ko sa buhok ko. Hindi ako tumabi sa kanya sa kama. Sa may terrace ako tumuloy at sumagap  ng sariwang hangin.

        Nag log in ako sa CUPID'S DEN. Naiinis ako sa admin dahil silang nagdala kay Tweeny dito, alam ko. Naglog in ako at nakita ang isang post 'don ng a certain SEXYNIGHTBIRD.

       "I AM AFRAID TO ADMIT THAT I LOVE HER."

         Napag isip ako sa post na 'yun. I scrolled down at may ilang thread ng usap doon ng dalawang admin.

DESTINY_U: OO nga, for sure mahal ka no'n.
TEARDROPKISS: Sabihin mo girl ng maging masaya ang puso mo. Harapin mo at huwag kang maduwag.

          Ano kaya ibig sabihin ng member na 'to na AFRAID TO ADMIT?Aminin sa sarili niya na mahal niya ang taong 'yun, or takot aminin mismo sa taong 'yun na mahal niya siya?

       "Bree.."
        "Ay kalabaw!" Muntik ko ng mabitawan ang cellphone ko sa gulat.

        "Lalim ng titig mo sa cellphone mo ah, ano'ng meron dyan?"
        "W-wala. Di ka pa sinusundo ni Tweeny? Baka magalit 'yon at wala ka sa tabi niya?"

         I pulled one metal chair at naupo. Niyakap ng braso ko ang katawan ko dahil biglang umihip ang hangain. Umikot si Geela sa likuran ko at binalabal sa akin ang suot niyang jacket.

        "Ikaw na magsuot niyan," bulong niya sabay himas ng palad niya sa magkabila kong braso. Yung pakiramdam na parang pinapakalma niya ako.

         "Salamat," mahina kong sagot. Umupo siya sa tapat ko at parang hindi siya mapakali.

        "Inaantok na 'ko Gee, kaya kung may sasabihin ka, sabihin  mo na."
        "I am afraid to admit that I love you."

        Nagsalubong ang kilay ko. "Ikaw si Nightbird?"
        "Oo, at pumayag ako sa suggestion ng admin na imibitahan siya rito. I am sorry Gee for lying na wala akong alam."
       "Ayos lang, wala kang obligasyong maging honest sa akin. Wala naman tayong malalim na relasyon."
        "Bree...."
        "Mukha namang nag enjoy ka diba? Ano pang kinalaman ko sa inyong dalawa at gusto mo akong kausapin?"
         "Dahil sa puso ko, kailangan kong gawin, hindi ko alam."
         "Kailan ka magiging sigurado?"
         "Bree, inaamin ko, alam kong iimbitahan ng admin si Tweenty pero hindi ko alam kung pano nila napapayag. Noong una, inisip ko, may pag-asa na ako dahil nag effort siya na puntahan ako. Pero hindi gano'n. It was a mutual decision na magsolo muna kami para kung talagang sigurado kami, o ako sa kanya. Pero nakakapagtaka, I felt so plain when she's around. It was nothing, walang spark, walang kaba...unlike..."
        "Unlike what?"
         "Unlike when I am with you..."

Cie-Ree-Na (Gxg Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon