Chapter 20: GEELA'S Rules

3K 115 4
                                    

GEELA'S POV:

WOW! May POV na rin ako sa wakas. Makikilala niyo rin ako kahit papa'no.

See my pics? Ako yan nung nagtetraining ako as barista sa JLC CAFE..

****************************
          Simple lang naman ako, katulad niyo rin na may simpleng pangarap, nag mahalin ng taong gusto natin.
I belong to a family na hindi naman gano'n ka uptight ang bonding at convictions. They let me to live my life the way I have wanted to. They brought me up to alwayas be responsible for my actions.

          Kaya ng iuwi ko si Tweeny sa bahay at amining M.U. kami, naku, parang wala lang. Tingin nila ay hindi ako seryoso, pero oo, seryoso ako. Attracted ako sa babae noon pa man.

            Tweeny bacame my close friend in college. Sa kanya ko unang naramdaman na may need sa aking lagi siyang kasama dahil masaya ako.
But don't get me wrong, hindi naman niya ako pinaasa. Mutual naman na hindi muna magcommit sa isa't-isa
pero mahirap yun eh. Wala kang laban, wala kang karapatan sa lahat dahil hindi kayo.

          Until one day, nagbago siya. MU, kaya marami pa rin siyang ka fling. Comparison arose among her girls.
Wala raw sa hitsura ko ang pagiging desperada. Pero ginusto ko 'to eh.
NBSB din ako, walang alam sa dapat at hindi dapat sa relasyon.

         Marami siyang hinahanap sa akin na hindi ako pero willing akong magbago para sa kanya. Hanggang nasabi na naman ang salitang "IT'S NOT YOU, IT'S ME."

             Binuhos ko sa trabaho ang oras ko dahil nagtampo ako sa kanya.
Kaya ng pinadala ako ni Ma'm Janna sa Legazpi para sa isang branch ng JLC Cafe ay pumayag na ako. Do'n ko nakilala sa isang event si Ma'm Vienna. Do'n ko rin unang nakilala si Aubree. ;)

          I was caught by her sweet smile, soothing voice and simplicity. Pero siyempre hindi ko pinahalata. May Tweeny na ako at di ko pa sure noon kung tanggap nila ang bi na katulad ko. I am lucky dahil hindi sila judgmental. Especially when I knew about Sally and Vienna. Sabi ko, ay "I Belong" naman pala.

           I got back to Manila for a while, I talked to Tweeny and her decision is final. I am not sweet daw, showy and romantic. Masakit 'yun dahil yun pala ang batayan niya? Pero sige, para sa kanya, hindi ako susukong lumaban din sa mga babae niya.

           I agreed with her to have space between us. Sabi ko babalikan ko siya after a month to show that I am the one who deserves her heart. Here, bumalik ako sa Legazpi for my work. I met again Vienna, Sally, Aubree, Cielo and Ada. Sila na ang circle ko. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman na may tama sa akin si Aubree.

           Kumpara sa akin, mas aware ako sa sexuality ko kaysa sa kanya at alam kong confused pa siya. Hindi naman siya mahirap iwasan pero nagtatagpo talaga ang landas namin.
Sumama ako sa imbitasyon niya sa bakasyon nila ni Vienna. Inisip ko lang mag-saya muna. Wala naman talaga sa plano ko ang paghingi ng favor sa kanya. Selfish ako oo, na isiping maaaring siyang mafall sa akin and yet, ang hiniling ko ay para sa akin, para mahook ko si Tweeny pabalik ng Manila.

             Pero iba ang nangyari. Unang araw pa lang namin sa isla ay ganito na ang komprontasyon namin. Kahit sa sarili ko ay nagtataka ako why I am beginning to care? Bakit ako nakakafeel na ayokong may ibang tumitingin sa kanya? Am I too demanding nga ba? Isang dahilan kumbakit ako inayawan ni Tweeny?

Oh....ano ba ang dapat kong gawin?

******************

          Nakonsensiya naman ako kaya I tried na medyo mag mellow. Besides, I found Bree cute and irresistable. Gustung-gusto ko ang mga mata niya tuwing nalilito siya. Mahaba ang pasensiya niya. That's why naisip ko ang spin the bottle, parang way ko na rin ito para makilala ko pa siya.

Cie-Ree-Na (Gxg Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon