Chapter 36: Away from me

2.7K 101 7
                                    


VIENNA'S POV: 

            MATAPOS ang bakasyon naminsa ISLA PUTING UMAGA, bumalik kaming baon ang lahat ng mga memories. We have gained friends, and became in love. Sino'ng mag aakalang sabay sabay kaming tatlo na magkaka lovelife? At heto nga, sumusuong na kami sa pag lagpas sa mga conflicts ng relasyon. Iba iba nga lang kami n pinagdadaanan. 

          Hindi muna ako pumasok ng umaga sa salon ko. Ginugol ko muna ang oras ko sa pang aaway sa girlfriend kong si Sally. Nagpapalitan kami ng messages sa email. 

         "Ano mahal kong girlfriend? Kumusta pagliliwaliw?"
         "Moy! Hindi ako nagliliwaliw." 
         "Magkikita pa ba tayo? ;(" 
         "Bakit hindi?" 
         "Hunch."
         "Mali ang hunch mo." 
         "Hindi ka nagtext or tumawag man lang." 
         "Sorry Moy, gotta go." 
         "Ulitin mo pang iwan akong nakahang Sahara Luna! Ibibitin kita patiwarik!" 
         "Nakupo  huwag! Mahal kita. Bye muna Bek, promise will call you tonight. Tsup!" 

           Palagbag kong hinagis ang cp ko sa kama. 'Yun ang naabutan ng Mama ko pagpasok niya ng kuwarto ko. 

           "Ano ba 'yan anak? Walang kalaban laban yung cp mo, binabato mo?" 

         Nilapag niya sa kama ko ang juice at pizza na ginawa nila ng pinsan ko. 
   
         "Si Sally kasi nakakapikon!" 

          Yes, inamin ko na sa Mama ko na may relasyon kami ni Sallie. Noon pa man daw ay pasnin na niyang iba ako. Hinayaan nya lang daw akong umamin pero buong puso niya pa rin akong tinanggap. Enjoyin ko lang daw at lilipas din ang nararamdaman ko. Para kay mom, hindi ako seryso. Pakiramdam niya, isa pa rin akong bata na nageexperiment sa buhay. Kainis!  Hinayaan niya ako dahil nawitness niya raw ang ningning sa mga mata ko at d maipaliwang na saya sa aura ko. 

         "Bakit ba anak? Nakausap mo na ba?" 
         "Ayaw ako bigyan ng definite na dahilan bakit siya umalis. At kung magtext parang laging nagmamadali." 
        "Baka naman importante? O kaya baka sinisingit lang niya ang text or cellphone pag puwede. Hayaan mo muna anak." 
         "O sige na Ma, huwag niyo na ako pansinin." 

          Umupo ang Mama sa tabi ko at hinagod ang likod ko.

           "Anak, pumasok ka sa isang relasyon. Relasyon kasi dalawa kayo. Hindi 'yung laging ikaw lang ng ikaw ang iintindihin. Compromise if you wanna make it work. Just giver her time. At kung sisitahin mo siya, yung maayos. 'Yung maeencourage siyang magpaliwanag at hindi yung bubungangaan mo siya. I am sure, ayaw mo rin gawin niya 'yan sa 'yo? Be mature enough. Hindi kita hinadlangan sa pasya mo tungkol sa inyong dalawa.  Naniniwala ako na kaya mong harapin lahat ng konsengkuwensiya.  At sana anak, alam mo nga na ang pinasok mo, dahil hindi madali. Hindi madali." 
          "Ma, dami mong hugot no?" 
           "Ay naku Bekbek! Tatawa-tawa ka ngayon, malao't di'y malalaman mong totoo an sinasabi ko. Maiwan na nga kita diyan," tsaka tumayo si mom at palabas na siya ng room ko nang humabol pa siya ng sasabihin.
         "Tumawag si Cielo, return call ka raw." 

       Sinantabi ko muna ang inis ko kay Sallie. I called up Cielo ans agreed to meet at JLC Cafe. 

          "Ano'ng atin? Tanong ko pag upo niya sa tabi ko. 
         "Mag da drop din si Bree dito," sagot niya sabay lagay ng bag niya sa lap niya. Mukhang malalim ang iniisip niya ah.

          "Ano'ng problema?"  Huminga siya ng malalim atska napaiyak ng mahina. Hindi ko kilala si Cielo na ganito kung hindi mabigat ang dalahin niya. Cielo always shows her strong personality pero bakit kaya? 
 
          "Bek, ikaw na ang bahala kay Ada. Aalis muna ako sa makalawa at hindi ko pa alam kailan ako makakabalik." 
          "What?!!" Medyo napalakas ang boses ko.
          "Bakit? Anyare?" 
          "Tsk! Persistent' yung hayop ng Greg na 'yon. Desperate monster. Nalaman ng magulang ko ang tungkol sa amin." 
          "Oh my!" 
          "Ang hirap Bek, ang hirap. 'Yung natagpuan mo yung taong magpapasaya sa 'yo pero may mga hadlang." 
         "Ano gagawin mo ngayon? Ano na ba update sa mga misyon mo?" 
         "I talked to my father. He doesn't believe me. I need one person to prove everything. Nakipag kasundo ako na hihiwalayan ko si Ada pero hindi ako magpapakasal sa Greg na 'yun."
        "Eh kung pilitin ka?" 
        "Over my dead body!" 
        "Saan ka pupunta?" 
        "Sa Manila. Pupuntahan ko 'yung dating accountant ni Papa. Alam kong maraming alam 'yun." 
         "Are you safe?"
        "Oo, bibigyan ako ng security ni Mama ng hindi alam ni Papa." 
        "Kaya pa?" 
        "Oo Bek kaya ko. Ang hindi ko makaya ay ang mahiwalay kay Ada at kung amy mangyari sa kanyang masama. Natatakot ako. Please help her Bek. Wala na akong oras." 
         "Kayo pa ba?" 
         "Gusto kong sabihing oo pero alam kong alam niya na ang pag alis ko ang katapusan naming dalawa." 
          "Oh...." 

Cie-Ree-Na (Gxg Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon