Chapter 9: Sa iyo'y Sabik

3.3K 130 20
                                    

A/N

ANG tula po ay orihinal kong composition.

Dala ng pusong naiwan,..oh men..na buo ko siya.

**********************************

CIELO'S POV:

NAGISING akong mag-isa sa kama. Pag-mulat ng mata ko ay nabungaran kong kakapasok lang ni Ada at may dalang gatas at tinapay. Napangiti ako ng batiin niya

"Magandang umaga Cielo, dinalhan na kita ng almusal oh, kumain ka na paghilamos mo."
"Ala sais pa lang ha, hindi ka ba nakatulog?" tanong ko sa kanya habang nag-uunat ako.

"Huwag kang mag-alala, masarap ang tulog ko na nakatabi kita. Naalala ko kasi ang aking mga kapatid. Sa iisang kama kasi natutulog."
"Ah... Eh kumain ka na ba?"
"Tapos na ako kanina pa kasabay sina manang."

Tumabi siya sa akin sa kama at hinawakan ang kamay ko. Para akong napaso na hindi ko maintindihan.

"Cielo, nakahanda na ako sa pag-alis ko. Wala naman akong gamit. Maraming salamat sa lahat."
"Pansamantala lang naman, kukunin kita ulit."
"Hindi na, ang iligtas ang buhay ko ay sapat na. Bahala na kung ano ang dadatnan ko sa bahay, mahalaga ay buhay ako. Alam kong nag-aalala na rin ang Inay at..... at ayaw kong makagulo sa pamilya mo. Alam kong estranghero ako rito at hindi mo pa ako lubos na kilala."
"But i know you have a good heart."

Yumuko siya at nabakas ang lungkot. After kong mag-almusal ay gumayak na ako para ihatid si Ada.

"Ada, dito ka muna sa kuwarto ko, may kukunin lang ako sandali."

Sa sandaling nakasama ko si Ada ay napalagay na ang loob ko. Pero kailangan niyang umalis dahil may pamilya rin siya. Nakita ko ang passion niya sa pag-babasa kaya pumunta ako ng library. Lahat ng old books ko na alam ko na ma-eenjoy niya ay tinipon ko. Ultimo mga fairytale books ay kinuha ko. Hindi ko lang man natanong ang mga edad ng mga kapatid niya.

Pagbalik sa room ko ay nakalagay na sa paperbag lahat ng mga libro. Nadatnan kong nakahiga patagilid si Ada. Tinapik ko ang balikat niya.

"Ada..."
"Uhhmmmm....pasensiya na, nakatulog ako."

Wala sa loob kong hinawai ang buhok niya sa mukha paikot sa likod ng tainga niya. "Gusto mo bang umidlip muna?"

Marahan siyang bumangon. "Ay hindi na, naabala na kita."

Bago pa siya nakatayo ay nahawakan ko siya sa braso. "Siyanga pala, heto o," at inabot ko 'yung paper bag.
"Ano ito?"
"Buksan mo," nakangiti kong sagot. Namilog ang mata niya nang buksan niya.

"O! Salamat! Akin lahat ng ito?"
"Oo!" Pinahid ko ang luha niya.
"Ano ba yan?! Bakit ka umiiyak?"

Hindi siya sumagot. She hugged me instead. "Masaya lang ako," sagot niya sabay nilapat sa dibdib niya ang paperbag.

"Sobra ka naman pala matuwa, o siya sige, halika na at ihahatid na kita sa inyo."

Gamit ang kotse ko, may isang oras ang biyahe mula sa lugar namin hanggang sa baranggay nila. Magkadikit ang mga hasyenda na kinabibilangan namin.

Nang mapadaan kami sa tabi ng mga mapunong lugar, nakita ko siyang pumikit ng mariin at yumuko.
Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil. Alam kong isa ito sa mga binabaybay niya para makatakas sa mga humahabol sa kanya noon.

"Okay na Ada, ligtas ka na. Ligtas ka na. Hindi kita papabayaan."

Hindi siya nag-aangat ng ulo nang gumanti siya ng pisil sa kamay ko.
"Don't be afraid."
"Pasensiya na.."
"Sige, pumikit ka lang, maya-maya, nando'n na tayo."

Cie-Ree-Na (Gxg Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon