CIELO'S POV:
NOON, kontrolado ko ang lahat. Ang buhay ko, ang mga taong nakapaligid sa akin, ang sarili kong limitasyon. Pagdating ni Ada, nagulo lahat ng sistema ko. Biglang nagulo, kalat na hindi ko alam kung saan ko pupulutin bawat isa. Pero nakakapagtaka, sa presensya niya parang muli akong nabubuo.
KINABUKASAN, isang nakabibinging kalampag sa pinto ng apartment ni Ada ang gumising sa amin. Sa kanila ako nagpalipas ng magdamag.
"Senorita!!!" sigaw ng hardinero nina Mama. Tumango lamang si Ada ng marahan nang tingnan ko siya na parang sinasabi niyang 'Sige na..'
Binatilyo pa lang si Lance. Sa kanya ako nagsabi kung nasaan ako.
"Bakit?" Tanong ko pag bukas ko ng pinto.
"Nagagalit ang Papa mo ate! Sa'n ka raw nag-punta at hinahanap ka na nila, lalo na ni Sir Greg."
"Sige na Lance, umuna ka na, salamat."Bumalik ako ng kuwarto at nadatnang nakaharap sa bintana si Ada, yakap ng braso ang katawan. Niyakap ko siya mula sa likuran. Masarap sa pakiramdam na kulong ko siya ng ganito. Sinamyo ko ang mabango niyang buhok sabay pisil pisil niya ang palad kong nakaakap sa kanya.
"Ayos lang Cielo kung hindi ka na rito mag aagahan," malumanay niyang sabi. Marunong bang magalit itong mahinhing babae na ito?
Hinalikan ko ng pino ang balikat niya at bumulong ako ng nakapikit. "Ada...hinding-hindi ko pinagsisisihan ang nangyari kahapon."
"Ako rin."
"Huwag mong pababain ang tingin mo sa sarili mo ng dahil doon."
"Hindi dahil ginusto ko 'yon, at kahit maulit pa dahil..."Inalis ko ang pagkaka-akap ko sa kanya at iniharap siya sa akin. Inangat ko ang baba niya at nakikita ko sa mga mata niya ang lalim ng kanyang nararamdaman.
"Dahil ano Ada?"
"Sige na Cielo, hinahanap ka na sa inyo. Hindi na mahalaga kung ano."
"Pero mahalaga sa 'kin, sabihin mo please..."Tumikom ang kanyang bibig at saglit nag-isip. Nilapit niya ang mukha niya sa akin at mabining dinampian ng halik ang labi ko.
"Dahil sa tingin ko ay mahal na kita Cielo. Wala na akong maisip pang maaaring itawag doon, ano pa nga ba?"
Hinaplos ko ang kanyang kaliwang pisngi. "Ada.....hintayin mo lang ako, please."
Tumango lang siya ng paulit-ulit. I kissed her lips once again.
"Just keep your cellphone always on, okay?"
Umuwi ako ng bahay ng parang wala lang. Hindi ko napalusutan ang kasama ko sina Vienna dahil alam ni Mama na apat na araw na silang wala.
"Hija naman," malumanay kuno na simula ng Papa. "Ikakasal ka na, bakit kung saan saan ka pa nagpupunta?"
"Pa please naman, matanda na ako para diktahan, alam ko ginagawa ko."
"Hindi mo alam na isasalba ni Greg ang kompanya."
"Eh bakit ako ang tutubos Papa? For all you know, kasabwat si Greg ng pinsan mong si Leoncio sa pagpapalubog ng pondo."
"Cielo Divina, josmio!!"
"Huwag kang pasisiguro Papa, ako ang pagkatiwalaan mo dahil ako ang anak mo, at ako lang... ang may totoong malasakit sa 'yo. Forget about the wedding Papa. Just give me time."AUBREE'S POV: 4TH NIGHT AT ISLA PUTING UMAGA.
SA unang pagkakataon, nahalikan ako. Sa unang pagkakataon, nagmamahal ako, at nasaktan agad.
After Geela's revelation, it was a relief. May katugunan ang damdamin ko. Pero 'kami' na nga ba? Hindi ko alam, ewan ko..hindi ako sigurado. Iyon na ba 'yon? Do I need to ask her? Or...understood na 'yun?

BINABASA MO ANG
Cie-Ree-Na (Gxg Completed)
RomanceGxg - Completed March 2015 ~ Aug.15, 2016 Highest Ranking: No.1 girlxgirl July 2018 Three friends with different shares in LOVE Ito ay kuwento ng tatlong magkakaibigan na hindi nila inaasahan na pare~parehong iibig sa kapwa babae. Iba~ibang pagkakat...