Ara Vienna' S POV:
NAPAG-USAPAN naman namin ni Sally na mag-papadinner kami sa mga friends namin pag-balik niya dito sa Legazpi. Ang alam ko nga ay sa bahay ko lang pero bigla niya akong inimbitahan muna sa 18West. Daanan lang daw namin si Aubree. Pati ang pag-dalo ni Cielo ay nilihim niya rin kaya naman tuwang-tuwa ako.
Mga bente ang umattend ng dinner. Invited ang ilang kaibigan at 'yung iba naming nakilala sa Isla noon. Nag-speech muna ako before magsimula ang program.
"Grabe!!! Hooo!!! Nasurprise ako talaga, thank you Moy!" Bumaling ako ka Sally atska ko sya niyakap saglit.
"Kahit na LDR kami nitong panget na 'to, mahal na mahal ko 'to! Salamat sa pagmamahal!"
Nagpalakpakan ang mga bisita. Nakita kong pinipigil ni Sally ang iyak niya at ang iyak ni Aubree. They are all happy for us at wala na akong mahihiling pa.
Nag-kainan muna kami bago magpa-laro ang host. Classmate din namin ito no'ng highschool, si Nadine. Her service tonight is free dahil regalo na raw niya sa amin ang paghohost niya.
Actually, pangalawang game na no'ng dumating si Geela. Kawawang Geela, kadarating lang, nasabak agad sa isang awkward moment. Wala namang alam si Nadine about Aubree and Gee, sakto lang dahil walang gustong mag volunteer. Nakita kong nanlaki ang mata ni Aubree nang itulak-tulak ni Balot si Gee palapit sa amin sa harap.
Wala na sila at ilang buwang hindi sila nagkita. Kung nag-uusap man sila ay wala na akong ideya.
Nakita kong para silang naglue sa kinatatayuan nila nang maging mag-kaharap na sila. Mga mata lang nila ang nag-uusap. Nag-simulang gumalaw ang mga contestants ng mag cue ng GO si Nadine.Kanya kanya silang punit ng masking tape at isa-isang dinikit sa body parts nilang nagsisimula sa letter P at B. Nakatuon lang ang mata ko kina Geela. Kinikilig ako sa mga simpleng ngiti at sulyap nila sa isa't-isa. Minsan ko pang nakitang nahampas ni Aubree ang braso ni Geela at tumatawa. Sana....sana mag-kabalikan sila.
After five minutes ay pinahinto na sila. We helped Nadine in counting the points each couple had earned. Halos pare-pareho naman sila sa mga parts na dinikit.
"Oh Ikaw Ineng, ano'ng pangalan mo?" Tanong ng host sa pang-apat na mag-kapareha. Sumigaw ang tinanong niya.
"Bernice!!!" Si Bernice ay ang babaeng baklang manikurista sa salon ko.
"Ano mo naman sina Sally at Vienna?"
"Amo ko! Amo ko si Ma'm Bikbik!" Nagtawanan ang lahat dahil sa pag-kakabigkas niya. Bisaya kasi."Bek-bek hindi Bikbik!!! Maryosep!!! Oh ano'ng masasabi mo sa kanilang dalawa?"
"Mabaet! Subrang bait ni Ma'm Bikbik. Masaya ako sa kanilang dalawa! 'Yun lang!!! Aylabyu ma'm Bikbik!!"
"O sige na, sige na!!! Magbilang na nga tayo! Oh sige, iharap mo na' 'yung partner mo tas sabihin mo kung bakit mo dyan dinikit okay?"Valid naman lahat ng parts sa team ni Bernice. Nagtawanan ang lahat ng ang huli niyang tinanggal na tape ay 'yung nasa bandang zipper ng pants ni Faye, 'yung recept na pinalit ko kay Ada.
"Oh yan! Ano 'yan? Ano'ng parte 'yan? Zipper yan?" Mataray na tanong ni Nadine.
"Hindi po yan zipper! Pikengkay 'yan!"
"Ano?!"Inulit ni Bernice ang sagot niya habang bumu-bungisngis.
"Sos! Meron kayong lahat niyan, Pikengkay, Pepe! Hahhahaahha!!!!"
"Naku, umupo na nga kayo!!! So far team ni Bernice ang pinakamataas na points, seventeen!! Okay next, last but not the least, team nina Aubree. Grabe po mga kaibigan... wala akong itulak kabigin sa kasexyhan ng dalawang ito. Pero kanina ko pa nga napapansin, sila 'yung magkapareha na nag-ngingitian pero hindi nag-uusap? Kataka-taka."

BINABASA MO ANG
Cie-Ree-Na (Gxg Completed)
Roman d'amourGxg - Completed March 2015 ~ Aug.15, 2016 Highest Ranking: No.1 girlxgirl July 2018 Three friends with different shares in LOVE Ito ay kuwento ng tatlong magkakaibigan na hindi nila inaasahan na pare~parehong iibig sa kapwa babae. Iba~ibang pagkakat...