Chapter 33: LQ na?

2.6K 90 2
                                    

AUBREE'S POV:

            BACK to normal life after the vacation. Sino bang mag aakala na nabago ang buhay ko matapos no'n?

           Masaya akong bumangon ngayong araw. Una, dahil naaprove ang manuscript ko na sinabi ko sa sarili kong huling nobela ko na.
Gusto ko naman mapatunayan kay Geela na kaya ko ring magka direksiyon ang buhay ko. Although, nasa sistema ko na ang pag-susulat at ang pagbabanda, I need to find a permament job.

           Ano ba tinapos ko? Actually, kumuha ako ng Business Management. Ang kaso, isang sem na lang ay hindi ko natapos dahil nag paraya ako sa brother kong sumunod sa akin na makagradaute ng engineering. Siguro nga, isang sem na lang, kaya na sigurong bunuin ng ipon ko 'yun.

          So, today, ano ba ang plano ko? Ah..... pupunta ako sa publishing house para itanong ang sahod ko. Tapos, aayusin ko lahat ng documents para maka enroll. Haaay, kailangang ba dumating si Gee sa buhay ko para maisip ko ang lahat ng pagbabagong ito?

           Speaking of Gee, itetext ko ba siya ngayong umaga? Tatawagan? Email? Ano ba kami? Umamin kaming gusto namin ang isa't isa pero hindi pa kami? Ano ba ang dapat kong gawin? Aaaahhh...sumasakit ang ulo ko.

             Habang nag aalmusal ay nagbrowse ako ng FB. Gee just accepted my friend request. Wala namang masyadong makikita sa wall niya kundi mga quotes.

           Scroll down...scroll down. Parang binunggo ang puso ko nang makita ang picture nila ni Tweeny sa isang party. I sighed. Tapos naman na sila sabi ko sa sarili ko. I need to be confident if I want to win her.
Oo, kung aaligid pa rin si Tweeny sa pagitan namin, hindi ako uurong. May laban ako, alam ko.

           After breakfast ay naligo at nag ayos na ako. Thirty minutes away din ang Readcastle Pusblishing mula sa bahay namin. Habang nagbibihis ay tinawag ako ng sister kong bunso na si Alhaira. 

            "Ate..telepono." Wala akong inaasahang tawag dahil nakatext ko naman ang editor ko.
           "Sino raw?"
           "Maimai daw."
            "Ha? Wala akong kilalang Maimai."
          "Hay naku ate, sagutin mo na lang, maliligo na ako."

          Lumabas ko ng salas at sinagot ang telepono.

           "Hello...sino 'to?" sabi ko agad.
           "Hello..." sagot niya. Pumitlag ang puso ko ng mahimigan ang boses niya, ni Geela.
          "Oh....hi! Bakit Maimai?"
          "Second name ko Maina right?"
          "Petname mo?"
          "Yep."
          "Main-main na lang para as in Mine na akin puwede ba?"
           "Doesn't matter."

Silence.

           "Low bat ka ba?" tanong niya. Shocks, nagcha-charge nga pala ako after ko maligo.

             "Ahh... hindi kanina. Ngayon oo, nakasaksak empty eh."
           "Bakit hindi mo ako tinext?"

So...magtetext nga pala ako dapat,
haay!

           "Aaah...e...oo nga, tetext na dapat kita kaya lang nahihiya ako."
          "Bakit naman?"
          "Eh...baka...busy ka?"
          "Hay naku! Aubree ano ba, alam mo bang miss na miss na kita?"

             Uy! Nacorner yata ako ro'n ah, unexpected revelation. I covered the mouth piece ng telepono.

          "Namiss din kita Gee.."
          "Saan ka ba today?"
          "Wala ka bang pasok?"
          "Nasa shop ako now."
           "Ah okay sige, magkita na lang tayo after your work. Text kita kasi may mga pupuntahan pa ako."
           "Sana kasama kita ngayon."

Cie-Ree-Na (Gxg Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon