Chapter 49: Surprised

3K 98 2
                                    

VIENNA'S POV:

           "Bekbeeek!!!!" Sigaw sabay yakap sa akin ni Cielo pagbukas niya ng pinto. Dumalaw ako sa kanya sa Maynila two days before ng graduation ni Aubree.

             "Hi! Aray ko naman Indeng! Matunaw ang taba ko sa yakap mo. Magtira ka kay Sally no!"
            "Ha! Ha! Ha!" Sabay kaming tumawa.
            "Pasok, pasok Bekbek. Upo ka, naliligo lang si Ada saglit. Nagluto siya ng kaldereta for lunch! Akala ko ay di ka na tutuloy eh, sasabunutan kita."

           Niligid ko ang ulo ko buong condo niya. "Wow! Ang cute pero cozy ng condo mo ah. Ito pala ang inyong sweet lovenest, hehe!"

          "Ah oo, nabili ko lang two months ago. Diba nakuwento ko sa 'yo? Invite ko kayo sa blessing nito. Nung naayos ko siya, tsaka ko kinuha si Ada.  Kung pag need niyo ng place pag sa Manila kayo, open dito. May isang guest room ako. Nasa special home school study si Ada ngayon para naman sa June, unti-unti, makapag regular class na siya sa College.
Ikaw? Kamusta na? Bakit nga pala napadpad ka bigla? Ayaw mo pang sabihin kahapon?"

            "Eh kasi nga itong si Geela at Aubree, nag-iinarte pa sa kanilang lovelife."
          "Oh bakit? Akala ko, may kasunduan naman sila?"
            "Eh oo nga, kaso itong si Aubree, inatake ng kapilyuhan. Nagpost ba naman ng may kaclose na lalaki sa Fb at may pahoney honey pa."
            "Oh, e ano naman ba 'yon?"
            "Malamang, pakulo lang ng bruha para magreact itong isa."
             "Umepek ba?"
             "Oo, kaya nga ako nandito. Para sabay na kaming uuwi bukas. May event din si Aubree eh."
             "Ano 'yon?"
             "Nag top grosser 'yung last novel niyang sinulat. Yung pinromote pa nung host ko sa party?"
            "Wow! Ang galing talaga ni Aubree sa mga ganyan. So, may awarding?"
              "Oo tsaka book signing. Sa isang resto bar sa bayan gagawin. Tas ang galing nga, ila-launch na rin sa market dito sa NCR by next month."
            "Wow! That needs a celebration."
            "Oo nga eh, advance gift sa graduation niya. Well, sana nga maging maayos sila ni Geela para naman tatlo na tayong happy ending."
             "Eh bakit nagpasundo pa si Geela?"
             "Hindi naman sa nag-pasundo, sinabay ko na rin kasi gusto kong personal na ibigay yung sadya ko sa mga kaibigan ko dito."
             "Ano? Ano'ng ibibigay?"

            Binuksan ko ang bag ko at may kinuha ako sa loob. "Here," abot ko sa kanya.

            Mabilis na pinasadahan ng basa ni Cielo 'yung invitation. Nangilid ang luha niya sa kaliwang mata.

            "Bekbek!!!" niyakap niya ako. "Ang saya saya ko para sa 'yo! Congratulations!!!"
            "Yes! I'm getting married!"
            "Tsk, kelan ba 'to? Baka naman ang mahal ng pamasahe dito ha? Sa'ng bansa ba 'to?"
           "Tangeks! Hindi 'yan sa ibang bansa. Dito lang 'yan sa Quezon City, sa June 26. Mass wedding 'yan. Ikaw? Puwede pa namang mag-paregister."
             "Naku hindi na, moment niyo ito. Tsaka...." biglang humina ang boses ni Cielo. "Hindi pa ako nagpo-propose. Gusto ko munang maging maayos and settled ang schooling ni Ada."

             "Okay, ayoko nga sana isama si Geela sa opisina sa Quezon City. Baka magpalahaw pa 'yon at broken hearted."
             "Ganu'n ba, sabihan mo lang ako kung ano'ng matutulong ko ha. Naka gown ka ba?"
              "Aba oo no! Naidesign ko na kaya 'yon!"
             "Ha! Ha! Ha!" sabay ulit kaming humalakhak. Lumabas si Ada mula sa kuwarto nila.
            "Hi Ada!"
            "Hi!" Lumapit si Ada sa akin at nagbeso kami.
            "Tara na, nakahain na ang tanghalian," akag niya.
            "Wushu!!! Bilib talaga ako sa soon-to-be-wifey mo Cielo. Sobrang suwerte mo, lagi kang pinapakain! Baka in time, humabol ka na sa figure ko ah," biro ni Vienna.
             "Baliw! Tara na nga!"

Cie-Ree-Na (Gxg Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon