Chapter 35: Loving ..leaving

2.7K 103 2
                                    


CIELO'S POV:

          NAGING busy ako sa mga issues sa negosyo ng dad. Pumapel ako bilang assistant sa hacienda. But it doesn't mean na nakalimutan ko na ang inspirasyon ko, si Ada. She is doing well sa pag-aaral niya at proud ako sa improvement niya. I thanked Vienna for backing me up. I am so lucky to have her and Aubree as my friends.

          Nandito ako sa opisina sa bahay. Malapit ng matapos ang mga ebidensiyang ilalatag ko sa Papa sa mga kabalastugan ng George Rivas na 'yun. Tsk!

          Isang Linggo na ang nakalipas. Kamusta na kaya yung dalawa kong bruha na kaibigan?

         I dialled Vienna's number.
        "Hello Bek...kamusta tuloy ka ba?"
        "Oo 'Deng, I need to do this. Now or never. Mamayang gabi ang alis ko."
        "Si Ada?"
         "Off niya bukas. Dinelegate ko na yung half ng pag-mamanage ng salon sa kanya. Ikaw ba?"
         "Malapit na Bek, konti na lang."

        Magsasalita pa sana ako ng may kumatok.

         "Sige Bek, laters na lang, bye muna for now."

         Dahan-dahan kong sinara ang laptop ko ng makilala ko ang pumasok. "Hi hon," malapad na ngiti ang nasa labi ni Greg. Hon hon! Oh my!!

         "Greg, sa pagkaka-alam ko ay hindi kita nobyo." Hindi siya umupo sa harap ko bagkus ay umikot sa likod ko. Nilapit niya ang mukha niya sa gilid ng tainga ko at nagtayuan ang balahibo ko.

         "Oo, dahil malapit mo na akong maging a---sa----wa----," may pang iinis at mabagal nyang sagot sa akin. Ipiniling ko palayo ang ulo ko sa mukha niya. The nerve!!!

        "Puwede ba! Kung nabibilog mo ang ulo ng Papa, puwes! Hindi ako! Ibahin mo ako."

          Umikot na siya at umupo sa harap ko. Ginamit niya ang apat niyang daliri sa pagtapik tapik sa ibabaw ng mesa.

         "Iba ka? Sa paanong paraang iba ka?"

          Tinitigan ko siya ng masama. "C'mon, wala akong panahon sa 'yo, umalis ka na kung wala ka namang sadya rito no."

          Ngumisi siya ng nakakaloko.
"Ano honeybeybe? Saan ka iba? Dahil ba sa.....ang gusto mo makasama habambuhay eh 'yung.....kabaro mo rin?"

          Naramdaman kong umakyat ang dugo ko mula talampakan hanggang bumbunan sa sinabi niya. Biglang nag flash ang maamong mukha ni Ada sa isip ko. Nagkunwang wala akong alam.

          "Puwede? Mind your own business?! "

          Nilipat niya ang isang binti niya sa pagkaka dekawatro at umaaktong relax na relax siya. Enjoy na enjoy siya sa pang uuyam sa akin. Puwes, hindi ko siya bibigyan ng satisfaction.

          "Alam mo Cielo, lalo akong nate turn on sa mga pagsusungit mo. Sayang ka naman kung sa isang mababang babae ka lang lalagapak. Hindi ko alam na 'yung Cielong hinangaan ko noon, ay pompiyang pala ang paboritong instrumento."
          "Hindi ka rin bastos no?!"
          "Bastos na kung bastos Cielo," dito tumaas na ang boses niya. Tumayo siya at kinuha ang isang envelope sa bag niya.

          Nilabas niya ang laman no'n at tila tinakasan ako ng dugo sa mukha ng makita ang mga intimate moments namin ni Ada.

          "Look, wala na rin akong oras para makipag laro at makipag habulan sa iyo Ms. Madrigal. Sa nakikita mo, at kung ayaw mong may mangyari sa nobya mong hilaw, umayos ka, naintindihan mo?"
         "Bakit ano'ng gagawin mo ha?"
         "Hindi nagsisinungaling ang mga litratong 'yan Cielo. Maliit lang na halaga ang nakapatong sa ulo ng Ada na 'yan para tumumba. Huwag mo akong subukan, young lady."
         "Lumaban ka ng patas ungas!"

Cie-Ree-Na (Gxg Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon