Chapter 22: Day 2: Chance

3.1K 109 0
                                    

ISLA PUTING UMAGA DAY 2

(

BEK-BEK) ARA VIENNA'S POV:

TANGHALI akong nagising. Nasa labas na at naglalaro na ng volleyball ang ilan sa beach. Hindi kasi natuloy kahapon. Masama ang pakiramdam ni Sallie bago matulog kaya nauna na siyang mag-pahinga.

Nagchat pa kami ng admin na si DESTINY_U at nagkamustahan. Matagal bago ako nakatulog dahil naiisip ko 'yung truth or dare no'ng hapon.

Aubree asked me kung kailan ako hihinto mag-hintay na mahalin din ako ng mahal ko. Well, I know tanong din 'yna ng marami. Ano nga ba ang sagot? May tamang sagot ba? Ako ba ang tipong martir at matiyagang mag-hintay or kung ayaw mo huwag mo?

Kung pagbabasehan ko si Sally puwede mong sabihing pa fall siya. Na sinasabi niya na may camera lang at sakyan namin ang 'Show' ng admin? Pero heto naman akong sunud-sunuran sa kanya? Sa kabilang banda, nung tinanong naman niya ako kung tatanggapin ko siya sakaling hindi na "palabas' ang pinakikita niya, ay umoo agad ako. It puzzled me really.

Ano ba talaga ang intensiyon niya? Ang hirap kasing basahin ng kilos niya kung saan totoo o hindi. Pero kung pagbabasehan ko ang mga ninanakaw niyang halik, na ginagantihan ko naman, oo medyo, nararamdaman ko din siya, pero may doubt. Haaay! Ayoko na ngang isipin!

Bumangon ako at nagpunta ng CR. Nando'n na kasi ang mga peronals namin ni Sally. Pag pihit ko sa may lababo, nagulat ako ng may nakadikit na post-it sa baso ko. Binasa ko. "Moy-moy ko! Tusp! Kiss kita, pero mag toothbrush ka muna. Wait kita sa beach after breakfast, Lazy girl!"

Sumikdo ang puso ko, ano na naman kayang trip nitong babaitang 'to? Pero kinikilig ako, buwisit talaga 'tong si Sallie. Bumaba ako at nag almusal, nado'n nga sila at naglalaro. Pag tingin ko sa wallclock, alas diyes na pala. Nilipgit ko sa lababo ang tasang ginamit ko at kubyertos. Aktong bubuksan ko na ang gripo ng sawayin ako ni Manang Adela.

"Ako na diyan, Vienna," namemorya agad ni Manang mga pangalan namin. "Sumali ka na sa mga housemates mo."

Maya-maya ay nasa kitchen na rin si Balot.

"Hi Vienna, how's yout sleep?"

"Okay naman," sagot ko. Ang sabi ni Geela sa akin, hindi raw niya feel si Balot dahil butch na nag ta-try iclose lahat ng housemates. Kulang na lang sabihin niyang epal. But I found her nice and sincere.

"Musta bonding niyong apat kahapon? Nakita ko kayo sa room nina Geela, hindi na kayo lumabas, dinner na."

"Ah...wala, nag larong bata lang kami."

"Cards?"

"No, spin the bottle, truth or dare, just like old teen-age games, alam mo na," sagot ko sabay ngiti.

"Hmmmm... may natutunan ka naman kay Sallie? For sure, sa ma love-love matters yun diba? Yung mga tanong?"

" Sakto lang, may nalaman konti pero mas naguluhan ako eh."

Nagpa-alam ako kay Manang at sabay lumabas ng bahay.

"Ewan ko ba, ayoko na lang sipin Balot eh."

She tapped my shoulder. "Okay lang yan Vienna, it's just too early to say. Ang pagmmamahal, kusang umuusbong 'yan, pag hinog sa pilit naman, mahirap. Malulungkot ka lang. Just give her more time, and yourself a time. I believe, sa mga kinikilos niyo, mukhang bago pa lang kayo nakakadiscover sa mga damdamin niyo. Just enjoy okay? Minsan lang to, pag labas ng bahay na 'to, real world ulit."

Cie-Ree-Na (Gxg Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon