VIENNA'S POV:AFTER two days ng umalis pa Manila si Cielo, at si Ada sa piling ni Jandy sa bayan nila, inasikaso ko naman ang lovelife ko. Hinayaan ko muna si Ada kung anuman ang desisyon niya. Alam ko namang mas alam nila pareho ang mas makakabuti sa kanila.
On the other hand, sa part ko naman, hinayaan ko lang din si Sally sa mga issues niya sa Quezon. But I missed her so much kaya nag-pasya akong sundan siya.
"Hello...Sally," bungad ko sa cellphone ko when I called her up. "Andito na ko sa may tricycle-an, asa'n ka na?"
"Hi, wait lang Moy, wait lang andiyan na po," sagot niya sa kabilang linya pero nakakatuwang ang linaw linaw ng dating niya."Dito lang ako sa may bakery, antayin kita."
"Okay okay."
"Ilang minutes pa ba?"
"Basta antayin mo ako."Wala naman akong magagawa kundi maghintay. Kumuha ako ng pera sa bag ko kasi parang natakam ako sa ensaymada.
"Pabili nga po ng tatlo," sabi ko sa dalagang tindera. Nagtataka ako kumbakit siya ngumingiti. Maya-maya ay naramdaman ko na lang na may brasong umikot sa beywang ko.
"Huli ka!" sigaw niya. Paglingon ko ay si Sally pala. Napaka aliwalas ng mukha niya at kita kong nagningning ang mata niya.
"Ano ba! May gulat gulat ka pang nalalaman!" Nainis naman ako bigla dahil kinindatan naman niya ang tindera. Inirapan ko siya.
"Asus, hindi mo ba ko namiss?" sabi niya nang tanggalin niya ang akap niya sa beywang ko. Hindi ko siya pinansin. Bumaling ako sa maarteng tindera.
"Magkano Miss?"
"Libre po."
"Bakit?!"
"Hay naku Bekbek, halika na at naghihintay sina Lola!" sabay hatak ni Sally sa pupulsuhan ko."Teka wait, 'yung tinapay, hindi pa bayad!"
"Bayad na 'yan, halika na. Ang inet inet ng araw oh!"Namalayan ko na lang na mabilis niya akong naitulak sa loob ng tricycle. Tsk! Naiinis pa rin ako.
Pinisil ni Sally ang ilong ako ng mariin."Uhhhhhmmmmm....." cute mo!!!"
"He! Cute?! mas cute 'yung tindera!"Hinawakan niya yung dalawa kong pisngi tsaka ngumisi. "Mas cute ka,okay?"
"Sus! Kindat ngisi pa kayong dalawa? Sa harap ko pa ha, konting respeto naman po."
Iiling iling si Sally. "Hay naku, pinsan ko 'yun! Si Leila. Bakery nila 'yun. Tinext ko na siya na parating na ako. Kaya libre na 'yung tinapay. Ano? Okay na po?"
"Ewan ko sa 'yo!"
"Huwag ka na ngang maasar, kaliit na bagay. Sus!"Tumuloy lang ang tricycle sa pagtakbo. Actually, kinakabahan ako. Sabi niya kasi, mami-meet ko raw parents nya.....ulit. After fourteen years, makikita ko sila ulit pati mga pinsan niyang may ari ng tree house.
Since plus size ako, sobrang sakto lang kami ni Sallie sa tricycle. Walang ng space to move."Sorry Sally, mataba ako. Di ka na makagalaw," pagpapaumanhin ko.
Inikot niya ang braso niya sa likuran ko at hinapit ako sa beywang.
"Sus! Ano ka ba babe, okay na okay 'to," sabi niya sabay pisil sa bilbil ko.
"Talaga?"
"Oo naman, ikaw lang eh. Ang lambot kaya," sabi niya sabay paulit ulit na pinisil 'yung bilbil ko.
"Natutuwa ka ba o nang aasar?"
"Hay naku, ikaw talaga. Mga bata pa tayo, ilang ulit ko ng sinabi sa'yo na maganda ka, inside out. Huwag mo ngang isiping kakulangan mo kung mataba ka."
"Oo, hindi ako kulang, kasi nga sobra-sobra."
"Just feel good about yourself. Naalala mo ba 'yung sa treehouse, na sabi ko pag nilait mo sarili mo hahalikan kita?"
BINABASA MO ANG
Cie-Ree-Na (Gxg Completed)
Lãng mạnGxg - Completed March 2015 ~ Aug.15, 2016 Highest Ranking: No.1 girlxgirl July 2018 Three friends with different shares in LOVE Ito ay kuwento ng tatlong magkakaibigan na hindi nila inaasahan na pare~parehong iibig sa kapwa babae. Iba~ibang pagkakat...