Chapter 5: Discovery

4.1K 146 6
                                    

CIELO DIVINA's  POV:

           KINABUKASAN ay naabutan ko si Ada sa kusina. Katulong ni Yaya Sefa.    

            "Good  morning Yaya! Oh, Ada, bakit bumangon ka na? Maayos na ba pakiramdam mo?"     
           "Ah oo. Salamat. Sanay kasi akong bumangon talaga ng maaga kaya tinulungan ko na si Aling Sefa sa pag-hihiwa para sa pag-titipon mamayang hapon," sagot niyang nakayuko.

           Napakilala ko na si Ada kay Yaya kahapon at wala akong nilihim sa nangyari.     

            "Sinabihan ko na ngang magpahinga na lang siya eh," mabining sagot ni Yaya sabay nilagay sa mangkok ang mga hiniwang atay at manok para sa menudo. Nakita kong kumilos si Ada at nagtimpla ng kape. Inabot sa akin

            "Uminom ka muna Cielo para mainitan ang tiyan mo." Ayoko sanang tanggapin dahil first time may nagtimpla sa akin ng kape. Kahit si yaya ay alam niya 'yun, na may timpla akong gusto. Nang moment na 'yun ay hinayaan ko si Ada na gawin yun, at pinagtatakhan ko 'yun. Humigop ako at napansing inaabangan ni Ada ang reaksiyon ko.

            "Mmmmm.... masarap Ada ang timpla mo." She smiled and I don't understand why it warmed my heart. 
           "Para saan ang party yaya? Sino'ng may birthday?" baling ko kay Yaya Sefa na nagpipitpit naman ng bawang sa sangkalan.     
            "Hindi ba nasabi sa 'yo ng Mama mo na darating si Darren galing Australia? My welcoming party para sa 'yo at sa pinsan mong 'yun mamayang gabi?"   
          "What?! Tsk! Ang matalik kong kaaway sa angkan ng Mama!"

           Matapos mag-almusal ay pinag-pahinga kong muli si Ada samantalang ako nama'y pinatawag ng Mama. Nasa hardin kami habang nagdidilig siya ng kanyang mga halaman. 

             "Yes Ma?"  
             "So, tell me hija about this girl you brought last night?" 
             "Do I need to do that? For all I know alam no na."     
             "Yeah, pero gaano katagal?"    
             "As long as I wanted to, just like.... what are you going to do with Darren? Bakit ba nandito na naman 'yung pinsan kong hilaw na 'yon?"     
            "Well, kay Darren, alam mo namang walang kamag-anak dito sa Pilipinas ang batang 'yun. Kay Ada naman, wala sa kin 'yun anak, natutuwa pa nga ako't nag-mature ka na, hindi ka na nakatingin sa sarili mo lamang, sa kapwa mo na ngayon."     
            "Ma?! Anak mo ako, ganu'n na ba talaga ka brat at sama ang trato mo sa akin?"     
            "Anyway, I trust you now you're  twenty five. Alam kong nag-mature ka na kahit papa'no. Lahat ng freedom na ginusto mo ay binigay sa 'yo namin ng Papa mo."    
            "Ma...."    
            "Mamya ay mag-ayos ka, darating ang mga amiga ko at ang mga anak nilang lalaki. You're not getting any younger, kailangan mo ng mamili ng asawa."   
           "Sinasabi ko na nga ba! May hidden agenda na naman kayo ng Papa! Get lost Mama! I am leaving.."    

       
            Bumalik ako ng bahay. I asked Yaya kung nasaan si Ada. Kumuha raw ng basahan at naghahanap ng mapupunasan. Umakyat ako at nahiga sa kama ko. Iniisip ko ang pagrereto ng Mama sa akin. Eh ano kung twenty five na  ako at tumatanda? Proteksiyon lang naman sa kayamanan nila kumbakit nila ako gusto mag-asawa sa mga kakilala nila.        
      Sumagi sa isip ko si Ada. Hindi ko pa siya lubusang nakikilala. Lumabas akong muli para hanapin siya, hanggang matagpuan ko siya sa library.  Tahimik akong pumasok. Nakita ko siyang hawak ang isang lumang libro ng mga fairytales, akin noong nasa kinder ako. Nakita ko siyang hinimas ang cover ng aklat at ngumiti. Para siyang bata.    

           "Ehergm...," at napaigtad siya sa presensiya ko. Binalik niya sa file ang book.   
           "P-pasensiya, pasensiya na, hindi ko sinasadya Cielo, natuwa lamang ako."   
          "No, it's okay, umupo ka," sabi ko at kinuha kong muli ang libro at umupo sa tapat niya. Sinimulan kong buklatin ang mga pahina at unang titulo ang Snow White. 

Cie-Ree-Na (Gxg Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon