Chapter 10: That's Why

3.3K 133 1
                                    

CIELO'S POV:

         ILANG minuto kami parehong nanahimik pagkabasa ko ng tula. Parang tinamaan din ako do'n eh. Sinara ko ang libro at nagulat ako ng bumungad sa akin ang mamasa-masang mata ni Ada.

           "Huy, bakit ka umiiyak?" tanong ko sabay patong ng book sa may side table.

           "Ang galing mong mag-basa, nadala ako sa emosyon ng tula. Nabigkas mo siya ng maayos tsaka parang ramdam na ramdam mo ang sinasabi ng may akda."

          Pinahid ko ang isang butil ng luha sa sulok ng mata niya. "Sus! Parang 'yun lang? Sabagay, nakakadala nga yung mga words ng author. Bakit Ada? Nagmahal ka na ba at naramdaman mo ang tula?"
           "Hindi naman kailangang umibig para hindi mo maramdaman yung nasasaad sa tula."
           "Hmmmm... may punto ka. Oh siya, matulog na tayo. Ano ba ang lakad bukas?"
           "Pupunta kami sa may ilog, may kubo doon ang tiyong, doon tayo magsalu-salo."
            "Bakit?"
            "Kaarawan ni Jojit. Naipangako ko sa kanya iyon noong isang buwan pa. Magpipiknik tayo."
           "Wow! I Like that."
           "Eh....Cielo, nahihiya ako sa yo. Sa lahat. Sa pagligtas mo sa akin, sa pagpapagamot sa akin, sa saglit na pagkupkop, pero  ito lang ang naibahagi ko sa 'yo. Hindi masarap na pagkain, matigas na kama, malamig lang na hangin galing sa bintana..at..."
            "Shhhhhh...tumahimik ka na nga diyan, matulog ka na."
           "Cielo.....maraming salamat sa mga libro. Iingatan kong mga iyon, puwede bang basahan mo ako ulit bukas pagkagising?"
            "Ano ako? Teacher? Puwede ba bedtime stories."

         Makalipas ang ilang minuto ay nahimbing na si Ada sa pagtulog samantalang ako ay hindi pa. Namamahay siguro ako. Oo, nasasanay ako sa marangyang buhay, lahat na sa kin, lahat nakukuha ko. I feel blessed na ang buhay ko ay hindi katulad ni Ada. Kinuha ko ang kamay niya at pinisil pisil. Ada is just twenty two, and yet her hands of a nearly forty lady. Halatang batak sa trabaho.

       May umusbong na awa akong nafeel para sa kanya. She's young and yet she had experienced a lot, plus may dalawa pang umaasa 6 lakas niya, mga kapatid niyang si Irma at Jojit. Ano'ng buhay kaya mayroon si Ada? Sa isang sulok ng puso ko, I wanted to help her, to help her help herself and eventually her loved ones.

     
        Kinabukasan ay maaga ako nagising, akala kong maaga na ang ala sais, pero bumangon akong tapos na sila mag-agahan. Pagkalabas ko sa kusina ay magandang mukha ni Ada ang bumungad sa akin. 

            "Magandang umaga Cielo, halika at mag-almusal ka na."
           "Aw....andami niyang nasa hapag ha...Ready na ba kayo?" tanong ko sabay kuha ng isang pandesal. Kumunot ang noo ni Ada. Parang hindi niya ako naintindihan. 

            "I mean...handa na ba kayo sa piknik?"
           "Aaaah...ay oo, ando'n na nga sila at naliligo. Sabi ko ay ihahanada ko lang ang pananghalian. Sige na, kain na, ito, gatas ng kalabaw, masustansiya yan para sa yo."
          "Ikaw rin, join me kaya?" at minuwestra ko ang kamay kong  umupo rin siya.

           "Hindi na," sagot niya habang unti-unting nilalagyan ng kape ang tasa ko. Ngayon lang may nagsilbi sa akin na hindi katulong o yaya. Kahit magulang ko o nga past boyfriends ko ay never akong ginanito.

            "Ada baka masanay ako sa pagsisilbi mo ha, hindi na ako makauwi?"
            "Kulang pa yan sa buhay na binalik mo sa akin Cielo..." sagot niya at napailing siya ng makita ang pantal ko sa bisig ko. 

           Hinimas niya ito ng marahan at nakaramdam ako ng kakaibang init sa pagdampi ng balat niya sa balat ko.

             "Pasensiya na Cielo, nakalimutan kong pahiran ka sa balat kagabi, sa mga lamok. Andami mo tuloy kagat!"
            "Parang ito lang? Sige na, maligo ka na ako na bahala dito."

Cie-Ree-Na (Gxg Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon