CIELO'S POV:
AFTER kong makakalap ng ilang ebidensiya laban sa corruption ng pinsan ko sa company ni Papa, nauna na akong umuwi ng Pilipinas. Deep within me, namiss ko ang presence ni Ada sa tabi ko. May mga gabing hinahanap ko ang malambot niyang katawan sa tabi ko. Namiss ko rin ang makukulit niyang kapatid.
Pinili ko munang sa salon ni Vienna dumeretso dahil naupdate naman ako sa schedules ni Ada araw-araw. Pagkaparada sa parking ng salon ni Vienna ay kumakabog ang dibdib ko sa excitement ---- na makita ang magandang mata ni Ada. Oo, naaaliw lang ako. Walang ibig sabihin 'yon.
Alam ni Vienna ang dating ko ngayon pero hindi niya alam na sa kanya ako dederetso. Sa dami ng customers niya sa salon ay hindi niya napansin ang presence ko. Tinawag ko lang siya ng makabalik na siya sa counter niya.
"Uuuuy..." bati niya sa akin sabay yakap. Bakit dito ka pumunta? Kala ko mamaya pang dinner?"
"Ahm....okay lang, wala naman akong gagawin sa bahay," sagot ko. Ang totoo ay namiss ko si Ada. Alam kong off niya today sa tutorial niya at dito siya sa salon ni Bek nakaduty. Nahalata siguro niya na hinahanap ko si Ada sa loob.
"Bumili si Ada ng banana cue, meryenda. Kasama si Jandy, 'yung kaibigan niya."
Di ko pinakitang medyo nainis ako. "Bakit hindi mo sinasabi sa akin na nagkikita sila?"
"Ha? Ang alin? About his friend? Kahapon lang sumulpot 'yun dito. Tsaka eh ano naman? Wala namang ginagawang masama yung tao. Si Jandy na nga ang nag-hahatid sundo sa tao, at least safe siya diba?"
"Kahit na, hindi natin kilala yun!"
"Hindi natin kilala pero kilala ni Ada. Okay ka lang? Bakit ka ba nagagalit?"
Sasagot pa sana ako ng biglang may yumakap mula sa likuran ko. Ang pamliyar na amoy na nanunuot sa ilong ko, si Ada. Pinihit niya ako paharap sa kanya. Walang sabi sabing niyakap niya ulit ako. Ang inis ko kanina ay biglang natunaw at natakpan ng panlalambot ng tuhod sa lambot ng kanyang yakap. Napahagod ang kamay ko sa likuran niya.
Ambango ng kanyang buhok. Tsaka ko lang napansin si Jandy na nakatayo sa may entrance ng salon. Nang makita kong nakatingin siya sa aming dalawa ay lalo kong hinigpitan ang yakap kay Ada. Nang mag-kalas kami ng yakap ay nakita kong nangilid ang luha nya.
"Grabe ka naman, isang linggo lang ako nawala, namiss mo agad ko," tukso ko sabay pahid ng hintuturo ko sa isang butil ng luha sa sulok ng mata niya. Ada just smiled. The innocent smile I couldn't trade of. Inangat niya ang kamay niya.
"Banana cue?" Tumango ako at nilipat ang tingin ko kay Jandy sa may pinto.
"Ay! Si Jandy nga pala," sabi ni Ada at lumapit siya sa amin at bumati.
"Hi! Kamusta, mabuti at maayos ang pagdating mo ulit dito," magalang na bati ni Jandy. Maayos naman siyang tao tingin ko pero may inis akong nararamdaman sa kanya. Ni hindi ko nga alam saan galing ang inis na iyon. Isang tipid na ngiti lang ang ginanti ko sa kanya tsaka bumaling ulit kay Ada.
"No thanks, hindi naman ako magtatagal. Gusto ko lang....makita kayong lahat bago ako umuwi. Mind if I invite all of you in a.. snack?"
Naalala kong baka hindi na naman ako naintindihan ni Ada, inggles kasi. Sinalo ako ni Vienna.
"Naku Ciel, dami kong customers oh, mam'yang dinner na lang. You can take Ada here, and Jandy?" bumaling siya kay Jandy.
Nag-alangan ako bigla. Ayokong makasama si Jandy, hindi ako interasado. Pasalamat na lang ako nung sumagot si Jandy.
"Pasensiya na, hindi na ako makakasama, dumaan lang naman talaga ako para kay Ada."
"Ada?" sa tono na parang tinatanong ko siya kung papayag siyang sumama sa akin.
"Sige...ngayon na ba?" tanong niya at lumingon siya kay Jandy sa likod niya.
"Sige Ada, ayos lang ako. Babalik na lang ako mamaya sa bahay niyo," sagot ni Jandy.
BINABASA MO ANG
Cie-Ree-Na (Gxg Completed)
RomanceGxg - Completed March 2015 ~ Aug.15, 2016 Highest Ranking: No.1 girlxgirl July 2018 Three friends with different shares in LOVE Ito ay kuwento ng tatlong magkakaibigan na hindi nila inaasahan na pare~parehong iibig sa kapwa babae. Iba~ibang pagkakat...
