AUBREE'S POV:Pinark ko sa gilid ng bar ang kotse. Pagpatay ko ng makina ay tinawagan ko agad sina Cielo at Vienna na nakarating na 'ko. Nauna pa rin ako sa kanila dahil dumaan muna sila sa Ministop para bumili ng maiinom dahil nauuhaw na raw si Vienna.
"Naku Geeh, mauuna na tayo pumasok sa loob. Ihatid kita sa may magandang puwesto, padating na rin sila," sabi ko sabay dukwang ng mga gamit ko sa passenger seat.
"Okay lang, I can manage, don't worry," sagot niya at sinukbit na rin ang bag sa balikat niya. Nakakainis ang bango niya. Kinuha ko ang gitara ko sa likod at pumasok na sa loob. Saktong nasalubong namin ang isa sa bandmate ko, si Graciel, bassist namin.
"Uy! Kanina ka pa hinihintay ni Manager Toti, umuusok na naman ang ilong, akala late ka na naman," sabi niya at napatingin kay Geela.
"Ang aga ko ah, huwag nga siya! Si Geela nga pala, ano, aah...kaibigan, kasamahan nina Vienna, ah Gee, si Graciel," pakilala ko at nag-kamay sila.
"Okay sige, pasok na kayo, andyan din 'yung tropa ni Vincent, bili lang akong yosi."
Pagpasok namin ay mapapansin din ang ilang kalalakihang sumunod ng tingin sa amin. Malamang nagandahan sa kasama ko. Hinatid ko si Geela sa isang corner ng bar kung saan paboritong spot din nina Vienna. Medyo kinakabahan ako para mamaya dahil bukod kay Vienna lang na audience ko dati, dumagdag na si Geela, Sally, Ada, at Cielo.
Hinila ko ang isang upuan at pinaupo si Gee. "Oh, dito ka muna, medyo mausok kasi sa area malapit sa stage." She just nodded at mahinhin siyang umupo.
"Puntahan mo na ang mga kabanda mo, huwag mo na akong alalahanin."
"Hindi, mamaya pa naman, malelate daw kasi yung unang set, eh, pangalawa pa kami. So, ano gusto mong orderin?"May dumaang waiter kaya tinawag ko agad para sa menu. Maagap niyang hinawakan ang fore-arm ko, "Huwag na Bree, mamaya na lang, okay lang talaga."
Tila may umandar na kuryente mula sa daliri niya papunta sa kamay ko at lumukob ang init agad. Plus the fact na tinawag niya akong Bree - parang ang sarap pakinggan.
"Oh sige, para sabay-sabay na kayong umorder mamaya, damihan mo ha, ng magkalaman ka naman," biro ko.
"Payat ba ako? Sabagay, nastress kasi ako sa event ni Ma'm...este ni Vienna."
"So...do you smoke? I mean, bibili ako."
Umismid siya. "Sa lahat ng ayoko ang sigarilyo."
"Ay, pareho tayo."
I have the urge to talk and talk and talk. Gustung-gusto ko ang malambing niyang boses. Ganito pa rin kaya ang boses niya kapag nagagalit?
"So...bakit hindi mo kasama ang boyfriend mo rito sa Cebu?" tanong ko at umaasa ako sa isang sagot na ikalulundag ng puso ko. Sa nangyayari sa akin ngayon ay para bang hindi ko na kilala ang sarili ko.
"Wala akong boyfriend, twenty three lang naman ako kaya enjoy-enjoy muna."
"Pero...hindi ka naman NBSB?"
"Hmmmm....ganu'n nga, hahaha! Eh ikaw? Bakit single ka rin?"
"Paano mo naman nalaman?"
"Eh di dapat kasama mo rin siya lagi? Wala kang kasama sa reunion niyo, sa parlor at dito sa bar?"
"LDR kami, long distance you know," pagsisinungaling ko. Ewan ko ba, parang nahiya akong sabihin na NBSB din ako. :)
"How can partners manage the long distance affair, ang hirap ng malayo, hindi mo nahahawakan tas issue pa ang trust diba?"
BINABASA MO ANG
Cie-Ree-Na (Gxg Completed)
RomanceGxg - Completed March 2015 ~ Aug.15, 2016 Highest Ranking: No.1 girlxgirl July 2018 Three friends with different shares in LOVE Ito ay kuwento ng tatlong magkakaibigan na hindi nila inaasahan na pare~parehong iibig sa kapwa babae. Iba~ibang pagkakat...