Chapter 21: That Kiss

2.9K 125 8
                                    

AUBREE'S POV:

       KINABAHAN ako sa rules ni Geela. Paano nga kung di ako makasagot? Kikiss ko siya sa lips or kikiss niya ko? Aba! Kung siya ba naman ang first kiss ko ay parang puwede na akong mamatay. Joke lang. Never die a virgin, oh my! hehehe!

      Sa akin unang tumapat ang spin. Grabe lang, ako talaga?

       "Hoy! Geela! Ulitin, madaya ka, ako agad? Tsaka baka puwede bang palitan ang rules?"
       "Ano ba gusto mong ipalit? Hindi kiss kundi torrid kiss?" tukso ni Vienna.

        "Excuse me....oo na! Aaminin ko na! Hindi pa ako nahahalikan ng kahit sino, satisfied?"
       "It's just a kiss Bree," suhol pa ni Sally.

        "Pinagtutulungan niyo kong tatlo ha, sige!"
         "O sige na, sige na mahal na prinsesa, change rules, wala na sa lips. Kung saan na lang gusto puwede?"
          "Whatever...O sige na, ano tanong?"

        Saglit na nag-isip si Gee. "Okay, Bree, what is your greatest fear?"
        "Hmmm..hirap naman nyan.."
        "Ano? Countdown begins, one...two..three...."
         "We-we-we-wait!! Sasagot ako, sasagot."

           Saglit akong huminga ng malalim. "Okay, ang greatest fear ko ay....katulad ng iba. Ang tumandang mag-isa ng walang kaagapay sa buhay."

         Tumahimik sila na parang nag-isip. "Oh ano? Tulala kayo no? Kayo ba naisip niyo yon? O sige na, akina, akina yung lotion at ako na magiikot."

      Inikot ko nga at tumapat kay Geela. Oh my, hindi ako prepared sa tanong.

       "Huwag mo hirapan ang tanong Bree, hindi ako papa score sa 'yo, ha!ha!"

       Feeling ko nag blush ako. Loko 'tong si Gee.. 'kala naman nya gustung-gusto ko siyang halikan? (hindi nga ba?)

        "No way...ha! ha! O sige, question. Sigurado ka na bang ang babaeng naiwan mo sa Manila ang gusto mong makasama habambuhay?"

      Hindi nakasagot agad si Geela. Sally began to count    

      "One...two....three...four....five...."

        Tumalon ang puso ko. Hindi na siya sure na si Tweeny ang gusto niya? Bakit siya nahirapan sa isang simpleng tanong na oo o hindi lang ang sagot? Does it mean something? Binasag ni Bekbek ang katahimikan.

      "Time's up! So, pumapag-ibig ka pala Geela ha. Sino 'yang babae na yan? Babae talaga?"
        "Ang sama mo Bree! Binuko mo ako!" Inangilan ako ni Gee, eh 'yun nasa isip ko eh, bakit ba?!

       I just shrugged my shoulder. Ngumisi si Bek-bek habang inis naman si Geela.

       "Oh, sa'n mo gustong halikan si Geela?" Sally asked me. "Rules are rules."

        Kumabog ang puso ko sa isipin na madadampian ng labi ko ang kahit sa anong parte ng katawan ni Gee.
Lumapit ako sa kanya at hinalikan ko ang noo niya. Tapos ay bumalik ako sa puwesto ko at umupo. Nag react si Sally.

      "Hanu baaa 'yaaan.! Ang corny! Sa noo? Parang lola lang!"
       "Tse! Walang paki alamanan, nirereserve ko ang first kiss ko no."

       Inikot naman ni Gee ang lotion, sa akin na naman natapat. "Ano ba 'yan!" reklamo ko.

       "Eh sa 'yo tumuro eh, nakita mo namang anlakas na ng ikot ko."
       "Fine, oh ano tanong?"
       "Kung sakali bang hindi mag work ang sa amin ni girl, are you willing to take a risk with me?"

Cie-Ree-Na (Gxg Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon