Mood: 😵
Hay katamad.
Pero ganoon talaga ang buhay e.
Kailangang magtuloy-tuloy kahit anong gawin.
Kung hihinto ka kase, walang mangyayari sa iyo.
Na kesyo ang gusto ay yung pahinga na lang nang diretso, hindi puwede iyon.
Bawat bagay na ginagawa ay may katumbas na pangangailangan upang ang kalalabasan ay batay sa nais.
Pero hindi ganoong kadali dahil may mga hakbang ang mga ito.
At sa bawat steps ay may katumbas na iba't ibang proseso.
Kaya mas lalong nakakatamad.
Jusko nakakasura lang.
Lalo na kung yung process ba iyon ay napaka-haba o hindi kaya paulit-ulit na ginagawa.
Ayos pa ba iyon?
Kung sa good side, siyempre oo dahil kabisado mo na ang bawat daloy.
Depende na lang kung gusto mo pang dagdagan para madetalye.
Yun nga lang, additional pasakit.
Kung sa bad side, siyempre mayroon din. Isa doon ay nakakasawa na.
Tila ba it feels forced na isasagawa mo ang ganito gaiyan for your own well being.
Para ba talaga sa akin?
Ay alangan! Ikaw kumikilos hindi ba?
Oo may ilang parte na others can also benefit too.
Pero sino ba ang may mas malaking kontribusyon? E di ba ikaw?
As much as you do not want to do it, kailangan mong mag-sakripisyo.
Tila ba isang requirement ang lahat ng ito.
And you know what? I hate having process.
You need to go into this pasikot-sikot before you will make it.
And that is so exhausting, to be honest.
Ang daming pa-aksyon.
Hindi ba puwedeng lahat ng ilalahad ay pang-bilang isa, dalawa, tatlo?
Parang sa mga ready to cook na product ganoon?
Pero mga tao tayo uy! Bakit? I am pertaining to process right?
Di ba mas okay kung konting bumps lang then straightforward para mabilis?
Ay oo nga pala. May tinatawag na long term and short term.
How could I not think of that?
Not every day is always on my way.
Because no matter how you want things to be put in that way, it would be as polished as it is.
Tila ba pang-sapat na like that.
Kaya nga each day, kahit parehs lang naman ang bawat flow, may mabubuong iba pa rin.
Pero paano ba hindi maging diffcult ang isang process?
Organization and management? Time fixation?
Kahit maghanap ka ng mga sources, nakadepende naman sa iyo kung paano mo siya iaadjust.
Huwag na tayong maglokohan.
It is what it is nga hindi ba?
Kahit ang ikli ng salitang process, kapag naranasan mo, babaliktad ang mundo mo.
BINABASA MO ANG
Don't JUDGE Me
NonfiksiAn intrapersonal dialogue communication between me and myself. Just thoughts. Own monologue conversation with oneself.
