Anak, please hide

210 2 9
                                    

"Dad please pumayag kana po. I promise hindi kami makakagulo sa mga plano niyo."

hindi parin tumitigil si alhanna sa pag-pilit sa kanyang ama. Mukha rin naman na hindi susuko sa pagkumbinsi.

Hawak-hawak ni alhanna ang kanang braso ng kanyang ama.

"Alhanna please magpahinga na kayo. Inaalala ka lang ng daddy mo baka mapahamak kayo ron"

Sabi ng kanyang mommy aloha at

Bumitaw si alhanna sa kanyang daddy.

"Inaalala? Kailan pa? Mas inaalala pa niya ang kabilang family niya kesa sa atin-sa akin. Kaya i don't think na inaalala niya na baka mapahamak ako"

Nagulat ang lahat sa sinabi ni alhanna at lalo silang nagulat ng sampalin siya muli ng kanyang daddy napalakas ang sampal nito kase napatumba siya.

Agad agad siyang inalalayan ni aza.

"You are grounded."

Galit na sabi ng kanyang daddy.

"Tsss what's new?"

Nakangising sabi ni alhanna habang masama ang titig sa kanyang ama.

bumaba na ang iba upang puliduhin ang kanilang plano.

"Ano ka ba naman hanna hindi mo na dapat sinagot ang daddy mo ng ganon"

Tinulungan ni aza na makatayo si alhanna at nagpunta sila sa comfort room para magamot ang pumutok na labi ni alhanna.

"I hate him"

Galit na sabi ni alhanna habang may pumatak na luha.

"Tama naman ako diba? tama talaga ako. hindi talaga ako nagkakamali."

inis na sabi ni alhanna.

"hanz, syempre nasaktan din si ninong no ikaw ba naman pagkalandakan mo na mas importante pa yung kabilang pamilya niya kesa sa inyo.. sa harap ng lahat ah?"

paliwanag ni aza.

"teka nga! kanino kaba kampi?!"

inis na sabi ni alhanna.

"hay nako SBF! tumigil ka nga diyan huwag mo ako idamay sa inis mo ha!"

natigilan naman si alhanna at nag sorry kaagad kay aza.

ilang minuto rin silang hindi nagsalita.

"Do you think we need to.."

Hindi tinuloy ni aza ang kanyang sinasabi dahil na gets na siya kaagad ni alhanna.

"dating gawi ulit? hay.. sige bahala nalang basta kailangan natin makatulong"

sabay buntong hinga nila.

--------------------

PRINCE DEON'S POV

"WHY?!"

Naiiyak na sabi ni mommy. May kausap siya sa telepono.

Kahit na nakasarado ang pintuan rinig na rinig ko si mommy na umiiyak at galit na galit sa kausap niya.

"WHERE IS HE?! WHAT HAVE YOU DONE?!"

medyo napalayo ako sa pintuan dahil naramdaman kong papalabas na si mommy sinisigaw niya ang pangalan ko.

"DEON! DEON!"

Pagkabukas ng pintuan bigla akong niyakap ng mommy ko ng sobrang higpit at hinawakan ang dalawa kong pisngi.

Her Pink UndiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon