M A R C E L I N E ' S N O T E:
Sorry sa Typo errors ha! i eedit ko nalang! hihihi sana nagustuhan niyo ang HPU25 at mga susunod na chapters.Wala pa naman akong balak tapusin ito may mangyayari pang hindi niyo magugustuhan or magugustuhan nung iba! hehe ayun medyo spoiler ako dun!
balik tayo sa Point Of View ;)
CHAPTER 26
JOANNE'S POV
Pangatlong araw na hindi kami nag-uusap lahat sa totoo lang kami ni tamaika ang hindi pinapansin ng superbiology friends ni ate heaven ;( anu bang dapat kong gawin? pati si tamtam nadamay sa kasalanan ko. nakakabingi ang katahimikan. Nakakabingi ang mga tunog ng aming kutsara at tinidor parang naririnig ko na nga yung pag-nguya, pag-lunok at pag-inom nila ng tubig.
Kailangan kong humingi ng sorry at kailangan kong magsabi ng totoo para hindi na madamay si tamtam..
anu ba yan paano ko uumpisahan? ngayon na ba? habang kami ay nakain? o mamaya nalang bago matulog? susko! ano bang nararapat kong gawin. natatakot ako..
pero bakit ba ako pinagtanggol ni tamtam? nagsinungaling pa siya para lang maipagtanggol ako.. pagkatapos hindi ko manlang siya sinusuklian.. patuloy ko pa din nilalandi si kuya red. ay! hindi! hindi paglalandi ang tamang salita.
"oh! i almost forgot james called hinahanap ka niya aza"
sa wakas at may nagsalita na din. Si ate Davi. James? yun yung Husband ni ate Aza diba? akalain mo nga naman may Asawa na siya hindi halata..
"Shhhhhhhhiiiiiiii....." nilapad ni ate aza ang kanyang kaliwang palad sa noo niya mukhang may nakalimutan siya.. shit ata sasabihin niya eh.. nakatingin lang ako sa kanya at pinapanuod ko ang expression ng kanyang mukha..
"Don't even think about it. we're still eating" pagpigil ni ate alhanna sa sasabihin ni ate aza. tama nga ako shit nga.. medyo na kengkoyan ako sa kanila si ate davi natawa ng onti.. buti naman at medyo gumagaan na ang aura ng aming hapag kainan.
maya-maya'y dumating ang isang makisig na lalaki tama lang ang tangkad nito maputi at matangos ang ilong medyo singkit nakapam pormal siyang suot coat and tie ito! nakapag plantsa na ako ng ganung damit dati. Eksaktong eksakto sa kanya yung coat! hindi naman siya ganung kapayat o kataba sakto lang.. pero mas bagay sa kanya kapag naka V neck siyang T-shirt lalo na kapag kulay puti or gray.. lumalabas ang kinis ng kanyang mukha.. napaka linis kase niya sa katawan eh mana daw yun sa daddy gelo niya.
madalas kaseng suotin ni kuya james yun kapag nasa STUD siya o nagkakataon lang na sa tuwing pumupunta kami nila ate heaven sa STUD yun yung suot niya.
"Where is she?!" naka kunot noo na sabi ni kuya james.
walang nagsasalita sa amin. umalis na si yaya juanita nung nahatid na si kuya james sa dinning area. pagkatapos ng 3 segundo. Nabilang ko talaga hehe
Tumayo na si ate aza
"BF, Im so sorry! i forgot.." sabi ni ate aza habang siya ay naka pa meywang pa..
"sorry? forgot? again?!" naiinis na sabi ni kuya james.
"Yes, again" ang taray lang ni ate aza ha? naisip ko parang siya yung may kasalanan pero parang pinamumukha niya kay kuya james na hindi niya kasalanang makalimutan yung nakalimutan niya.
"oh ngayon uunahan mo nanaman ako sa galit para.." tama ang iniisip ko! haha! inuunahan niya si kuya james na magalit.
hindi natapos ang sinasabi ni kuya james at hinila siya ni ate aza papunta sa sala.. hindi na namin marinig ang pag uusap nila.
BINABASA MO ANG
Her Pink Undies
Teen Fictionwhat would you do if you witnessed your family died in the hands of the man you truly loved? he also tries to kill you with the last bullet on his gun but then He put the gun against his head and pulled the trigger. Do you still want to continue you...