Baby

384 9 2
                                    

Chapter 30

Joanne's POV

"Tsk! Grabe naman ang traffic!"

Inis na sabi ni kuya james at pinalo niya ang kanyang manibela.

"Baka po may shooting diyan kuya o kaya naman po may nag banggaan o kaya naman po may nahuli yung mga pulis diyan o pwede din pong nakaharang yung mga bus lalo na po yung mga dyip na walang sawang maghintay ng pasahero.. lagi sila nakahilera sa gilid kasabay ang mga FX.."

Sabi ko habang nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng kotse ni kuya james pinagmamasdan ko lang yung mga taong naglalakad habang nakatigil ang mga sasakyan.

Dumadami na din ang mga batang nasa lansangan sa baba ng lrt puro mga bata na nasa edad 4 pataas na grabe na suminghot ng rugby.

Yung iba nakasarado ang kamay at nakatapat ito sa kanilang ilong yung iba naman nasa plastik.

Pinagmamasdan ko ang pag-lobo ng plastik habang sinisinghot ito ng isang batang babae nasa edad na katorse siguro at may hawak na natutulog sanggol na naka balunbon sa maduming tela. Mukhang anak niya ito.

Maya maya'y tumayo ito at nagsimulang sumakay sa isang dyip na naka tigil. Sa may sahig ng dyip siya umupo.

Pagkalipas ng ilang segundo bumaba na ito at humarap sa mga tao na nasa loob ng dyip.

Pinag tututuro niya ang mga ito at saka siya umalis yung lalaking naka motor sa tabi nung dyip natatawa.

Ganyan naman ang buhay nila sasabit sa dyip at manlilimos.

Kakaunti nalang ang mga batang nagtitinda ng sigarilyo o ng basahan.

"Really? Ganon lang pala minsan ang cause ng traffic.. now i know. Thank you Joanna!"

Masayang sabi ni kuya yuan. Tinawag niya akong Joanna hindi niya pa rin alam ang tunay kong pangalan o ang aking tunay na pagkatao.

Speaking of tunay na pagkatao ko.. parang na mimiss ko ding magbenta ng basahan

Kamusta na kaya sila tatay? Yung kasama ko minsan magbenta ng basahan si tatay at yung anak niyang dose anyos na babae lagi silang magkasama magbenta kase inaalalayan ni maki si tatay kimpy bulag kase ito.

"Hay..."

Hindi ko namalayang napalakas pala yung buntong hininga ko.

Napatingin silang dalawa sa akin.

"Ahh ehh kuya.. sorry po hindi naman po ako naiinip may naisip lang po ako.."

Wala naman silang sinagot si kuya james parang nainis pero hindi naman siguro sa akin kase naiinis talaga siya dahil sa trapik si kuya yuan naman nag smile lang sa akin. At bakit parang nag blush ako sa smile niya?!

Nako joanne ha! Kay ate davi yan! May kuya red kana!

Ay! Mali..

Kuya red? Si red?

Baka pag gising niya mag ka amnesia siya kase ganun naman yon diba yung mga gumigising sa pagka comatose nag kaka amnesia? Nag kaka amnesia nga ba? Kase Baka makalimutan niyang mahal niya ako..

Sayang hindi ko pa sa kanya nasasabi na mahal ko na din siya.

"Hala ka! Anu ba naman yang pinag iiisip mo Joanne!"

Hinilamos ko ang kanang kamay ko sa mukha ko at sinabutan ang aking sarili. Nawawala na naman ako sa sarili ko kaya eto nakatingin na naman ang dalawang poging ito sa akin.

Derecho lang ang pupuntahan namin sa makati kase nakatayo ang EBH pero bakit lumiko kami? Ahh shortcut siguro..

Teka..

Her Pink UndiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon