chapter seven: Shot till You Drop
Heaven's POV
"get in the car heaven"
nagusap sila nung pigsa. hindi ko marinig pinaguusapan nila e basta nakita kong umiiyak yung pigsa at niyakap nitong angel na to.
tama nga siguro tong narinig ko sa kanya..
"damn it. he have a girlfriend"
tumulo luha ko. gusto kong mag taxi pauwi nalang. nasasaktan na ako sa nakikita ko ang tagal nilang magyakapan. iba yung yakap nila sa isat isa. ewan ko ayun nararamdaman ko e.
pinunasan ko yung luha ko kase pasakay na si angel. ang sama ng tingin sa akin nung babaeng yun.. evil smile. her evil smile damn it! ang sarap paupakan!
hindi kami nagpapansinan habang pauwi kami.
"anak! nakauwi na din kayo kamusta byahe? kakalinis ko lang ng mga kwarto niyo pwede na kayo magpahinga muna tapos kain tayo ng hapunan pagluluto ko kayo"
"o sige po mama sally! na miss ko po luto niyo" excited na sabi ni angel.
"pass muna ako ma.. masama po pakiramdam ko e" hinipo ni mama kung may sakit ba ako
"wag ka po mag alala mama sally pagod lang ho siguro ito.. matutulog muna po ako.. nakay angelo po yung mga pasalubong ko po para sa inyo."
angelo's pov
kahit hindi niya sabihin alam kong galit siya sa akin. nagulat ako nang tawagin niya akong angelo.
this is the first time that she called me angelo..
binigay ko na kay mama sally mga pasalubong namin ni heaven sa kanya at itinabi ko na din yung para kay tamtam.
nakatulog din ako kakaintay sa katok ni heaven ay hindi pala siya nakatok.. diredretso lang pala siya..
hayy namimiss ko na siya..
cellphone rings*
sinagot ko na to kaagad.
"hello heaven???.." naalala ko wala pala akong number kay heaven..
"pare! si jc to!.."
tropa ko lang pala.. naka oo tuloy ako na pupunta.. ang hirap kase tumanggi sa mga kolokoy na to.
bago ako umalis pinagmasdan ko muna pintuan ni heaven.. grabe naman talaga matulog to.
andito kami sa bar nila alhanna at aza.. may party dito christmas party december22 na nga pala ngayon!
"And now party people! the moment you've been waiting for SHOT TILL YOU DROP CONTEST!!!"
si alhanna pala nag m.c.
palakpakan lahat. contest ito ng matira matibay sa inuman. dati magkahiwalay labanan ng lalaki at babae ngayon halo na!
"AND OUR GRAND PRIZE FOR THE WINNER CHRISTMAS BONUS TRIP FOR 2 in Europe!" sosyal ngayon ha. kung sa bagay mayayaman naman tong may ari na to.. malamang sagot nila lahat ng gastos.
nagulat ako ang daming kasali 54 sila mas ikinagulat ko nang makita ko si heaven! unang alak nila is tequila hanggang huli tequila nalang pala dati kase ibat ibang brand at style ng pag inom ng alak
madami na ding natumba magpapangalawang bote palang nangalahati na lahat
sa pangatlong bote 4 nalang sila! 2girls and 2boys. si heaven kasali pa! napainom tuloy ako ng napainom nahihilo na nga ako e..
"AND THE WINNER IS HEAVEN!"
sigawan lahat ng tao at may biglang umakyat sa stage at pinagyayakapan si heaven tumayo ako tumakbo papunta dun pero biglang tumalsik yung lalaki..
"bill! ban that perv!" nakatikim yung lalaki sa super punch si aza! kaya siya warden dito e haha.. what a bionic woman daig niya pa si james yung asawa niya haha..
umupo sa bartenders table si heaven..lalapitan ko ba?
"oh pare! kanina kapa nakatulala diyan ha.. shot na!" inabot sa akin yung baso.. takte parang ayoko na uminom nahihilo na ako.. mabilis talaga ako malasing kapag pagod.
"pare, yung nanalo sa shot till you drop diba siya si heaven Degollado? alam ko nabaliw na yan diba dahil sa pagkamatay ng family niya"
"oo pare nirape ata siya ng ilang lalaki.. sabi sa tsismis"
"ang sabi naman nung iba siya mismo ang bumaril sa mga magulang at kapatid niya.."
"baliw na nga ata"
"bali-balita daw wala na siyang pera"
"pero alam mo infairness pare maganda at mukhang fresh pa siya parang gusto kong.."
"mukha parin siyang mayaman sabi din nung iba bayarang babae na siya.. oh ano pare? puntahan mo na"
tatayo na sana si jc pero pinigilan ko ito. hinawakan ko ng mahigpit yung braso niya.
"don't you ever touch her"
"bakit pare? gusto mo ba ikaw makatikim sa kanya? haha! yung mga babaeng katulad niya hindi na pinagtatanggol o ginagalang! kaya bitawan mo ako angelo"
nagpantig talaga tenga ko hindi ko n napigilan sinuntok ko na siy napatayo lahat ng kabarkada ko
"pare ano ba kayo! tigilan nyo na yan!"
nagdatingan yung mga bouncer at lumapit sa amin kasama nila si aza
"what's going on here?!" nakapamewang na sabi ni aza.
"Jc?! pinayagan ko kayong makapasok dito dahil mag papasko na tapos gumagawa nanaman kayo ng gulo??!!!"
"Aza its not us its angelo sinuntok niya ako kita mo oh putok nguso ko." hindi ako tumingin kay aza. pero ramdam kong nakatitig siya sa akin.
"Bill."
"yes boss".
nagulat ako nung dinampot ng mga bouncer sila jc at 3 ko pang barkada. dinala ito sa labas pinasunod ako ni aza.
"hindi kayo makakapasok dito hanggat hindi kayo nagsosorry kay heaven at kay angelo. how dare you say something about heaven you dont even know a single detail about what really happened to her"
pagbalik ko sa loob ng bar nakasalubong ko si alhanna
"hey dinala ko si heaven sa office lasing na e.. maya maya mo muna ihatid pagpahingahin mo muna oh eto susi"
i sat beside heaven.. nakaupo lang
siya tahimik..
"heaven are you ok?" nakailang ulit akong tanong sa kanya hindi niya parin ako pinapansin.
"will you get out" sabay talikod.
"heaven.."
"leave me alone"
"heaven" hinawakan ko yung kamay niya pero tinanggal niya ito.
"I SAID LEAVE ME ALONE!!"
nakita ko s mga mata ni heaven na galit na galit siya sa akin.. nalungkot ako bigla.. ngayon lang ako nakaramdam ng ganito..
umuwi na ako ayaw kase sumama sa akin ni heaven. sila alhanna nalang daw maghahatid kay heaven. hindi na nagtanong sila aza sa akin kung anong nangyari between us.
~~~~~~~~~~
***tobecontinued
dont forget to leave a comment! thanks guys! muah!
#MarcelineTheVampireQueen
BINABASA MO ANG
Her Pink Undies
Teen Fictionwhat would you do if you witnessed your family died in the hands of the man you truly loved? he also tries to kill you with the last bullet on his gun but then He put the gun against his head and pulled the trigger. Do you still want to continue you...