Ocean Park

125 4 4
                                    

HER PINK UNDIES

chapter 40: Ocean Park

"Uhm sigurado ho ba kayo tatlo lang po tayo?"

Tanong ni sir chief kay freya.

Smile lang ang sagot ni freya kay sir chief.

"Sir chief ano ho bang totoo niyo pangalan?"

tanong ni freya habang nag susuklay.

"Uhm julius ho mam"

"Naku sir julius huwag na mag-ho pinapatanda niyo naman ako eh"

Natatawang sabi ni freya.

Sumenyas sa kanya si albert na ready na ang sasakyan.

silang tatlo lang ang pupunta sa minahan.

"louie, kapag dumating ang daddy sherwin mo papuntahin mo kaagad sa opisina ni eduard ha? Huwag mong kakalimutan"

"E ninong paano po kung nagtanong kung bakit?"

"Hindi na magtatanong yon gets na niya yon oh kayo na bahala diyan ha? Walang lalabas"

Bilin ni albert at umalis na ang sasakyan.

"Julius, okey lang ang kabahan"

Naka-ngiting sabi ni freya.

"Medyo kinakabahan nga ako kasi hindi na basta-basta itong kakaharapin natin ngayon"

Huminga ng malalim si julius.

"Sigurado ba kayo na nasa minahan sila? Baka naman pinapaikot lang tayo? Papasok ba tayo sa loob ng minahan?"

Natawa ng kaunti si albert.

"Chill ka lang diyan sir chief walang kakain sa atin sa loob ng minahan.. tayo ang lalamon sa kanila kapag hindi nila ibinigay yung tatlo"

Ipinaliwanag ni albert na minsan na nilang nakasagupa ang may-ari ng minahan na si Suma.

"So talagang sindikato sila.. kayo rin?"

Nag-katinginan sila albert at freya at sabay tumawa. Nag-smile nalang si julius pero hindi niya pa rin gets.

"Sa mundo natin julius dalawang klase ng tao lang ang mayroon tayo The Good and Evil"

Hindi pa rin ma-gets ni julius ang pinupunto ni freya.

"So? Kayo yung Good?"

Smile lang ulit ang sagot ni freya.

Tumigil na ang sasakyan ibig sabihin nasa minahan na sila.

Naunang bumaba si albert kasunod si julius at huli si freya. Naglakad sila papasok sa minahan.

Basta ang dapat lang tandaan ni julius eh huwag siyang mag-sasalita.

Bago pa sila tuluyang makapasok sa minahan humarap muna si freya kay julius at ngumiti na labas ang ngipin.

Nagpapaalala ito na kailangan niya lang maki jamming kapag nagtatawanan sila pero huwag na huwag siyang magsasalita o magkukumento.

Malawak ang minahan..

Nakapwesto ang minahan sa gitna ng pier parang dalawang baseball field ang lawak nito.

"Goodmorning po mam"

Bati ng isang guwardiya kay freya at binuksan ang pintuan.

May sumalubong sa kanilang tatlo na isang babae.

Her Pink UndiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon