After naming ihatid si Danica at Donna. Pumasok nadin kami. Pagkatigil na pagkatigil ng sasakyan. “A-YA-YAY!” Sigaw ni Dino na nakahawak sa mukha.
“Oh?”
“Nakalimutan ko yung research ko sa bahay.” Sabi ni Dino, “Pa photo copy ko yung iyo.” Sabay ngiti.
“Ewan sa’yo!” Sigaw ko at lumabas na. Alam ko namang pumaparaan lang yan si Dino.
Pag baba ko ng sasakyan, nakita kong papalapit si Sugar. She has very long black hair, she looked radiant with her skin under the sun, maliit na ilong pero matangos, almond brown eyes at perfect curves in the lips. So far, sya palang ang nakikita kong pinakamaganda sa buong campus. Bumaba si Dino ng sasakyan. Sugar is a Tourism student. She has long skinny legs. Kapag sinabing legs, WOW LEGS talaga!
She kissed Dino in her cheek. Did I mention that Sugar is Dino’s girlfriend? Yes. She’s her GF. Kahit medyo weird tingnan dahil mas matangkad si Sugar. Pandakekok kasi ‘tong si Dino e. Tibang- tiba nga sya e. Bago pa lang naman sila, less than a month pa lang kaya pwedeng sulutin. Hehehe.
Ganito sila nagsimula, Tourism Week, si Sugar ang winner ng pageant tapos nilapitan ni Dino tapos in less than a week, biglang sinabi sakin ni Dino na sila na daw. Imagine? Ang bilis. Ang sabi sakin ni Dino, may trauma daw si Sugar sa mga lalaki dahil lahat ng naging boyfriend nya ang gusto lang sa kanya ay ikama sya. Yun lang. Parang ginagawa lang syang trophy.
May prinsipyo kasi sa buhay si Sugar, gusto nya ng matino at disiplinadong lalaki. Pero mukhang wala syang nahanap kaya babae ang nakita nya. Actually, hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Sugar. Nasisira kasi ang image nya dahil may syota syang tomboy.
Isang araw, sabi sakin ni Dino, hindi naman daw sila seryoso sa isa’t isa. Para may masabi lang at para daw tingnan ng mga lalaki si Dino as role model, na gayahin kung ano sya. Kaya yun. Ewan ko ba sa sira ulong yun kung bakit sya napapayag ni Sugar na gamitin for her purpose. Iba na talaga ng takbo ng isip ng mga kabataan ngayon.
Another thing, madami ding nagkakandarapang babae kay Dino, kahit mga lalaki meron din. Pwede sya sa lahat ng gender. Araw- araw syang pinagkukumpulan ng mga babae tuwing break time, uwian at sa lahat ng oras na free si Dino. For your info, gustong gusto naman ni Dino na pinagkakaguluhan. Daig pa kaming mga TOTOONG LALAKI. Madalas nya akong yabangan, tama ba naman yun!?
Naghiwalay na sila dahil magkaiba kami ng building. “Di daw sya sasama mamaya.” Sabi ni Dino.
“Bakit daw?”
“May date daw sya dun sa kababata nya.” Masayang sagot ni Dino.
“Lalaki daw?” Tiningnan nya ako ng masama dahil sa tanong ko. Iniisip siguro nito na ginagaso ka sya kasi hindi sya lalaki. “Nagtatanong lang, p’re. No offense.”
“Syempre lalaki, date nga e.”
“Ayos lang sa’yo?”
“Syempre! Bakit naman hindi aayos?”
“Eh kasi, alam mo na.”
“Anong alam mo na!?” Inis na sabi ni Dino.
“Init ng ulo mo agad!? Meron ka no?”
“Ipahid ko kaya sa mukha mo, di ka titigil?”
“Bossy ah. Meron ka nga! Wag kang mag- alala, titingnan ko kung may stain ka.” Pinakita nya sakin ang kamao nya. Akala naman nya natatakot ako sa maliit nyang kamao. She’s always like that.
Alas- singko pa lang pero medyo madilim na. tamang- tama! Kinawayan ako ni Pepper. It’s my turn to introduce my own girlfriend. Syempre, hindi pwedeng si Dino lang ang meron. She’s not as pretty as Sugar pero she is pretty, medium cut hair na may highlights na violet. Under her eye glasses are the most beautiful eyes I’ve ever seen with long lashes. And a dimple under her eyes, and when she smiled she looked like a cat. Actually, sya yung babaeng naghahanap kay Dino nung first day namin. Lagi akong pumapangalawa kay Dino sa mga chix e. Hassle!
![](https://img.wattpad.com/cover/5014331-288-k197246.jpg)