Wendy's voice echoed around the court. Nagsiliparan ang mga ibon na nakadapo sa mga puno. She narrowed her eyes and looked at me like she's throwing daggers at me.
"Don't tell me, Ty! Don't tell me.. Kung ano man 'tong naiisip ko.. Tell me I'm wrong." She clasped both of my shoulders, digging her nails onto my skin. "Please.." Of course, I made it obvious. I want her to know. Mapagkakatiwalaan naman si Wendy ah. Pero base sa reaction nya, mukhang nagkamali ako. "Magsalita ka!" Sigaw padin ni Wendy. I looked away at the sight of her teary eyes.
"Kung iniisip mo.." Tumungo ako at huminga ng malalim, "..na kami ni Dino.." I can feel that she's holding her breath for this breath-taking information. "Tama ka.. Mahal ko sya.. At mahal nya ako.." I tried my best to sound apologetic. Parang lantang gulay na bumitaw si Wendy sa mga braso ko.
"No.. It can't be.. Tomboy si Dino diba?" She said.
"Pero totoo ang sinasabi ko, Wendy. Alam kong mahirap ipaliwanag.. Alam kong masyadong mabilis pero.. Mahal namin ang isa't isa." Umiling si Wendy.
"Dino's a bitch." Wendy whispered.
"Anong sinabi mo?!" I raised my voice to warn her.
"She's a bitch, Ty! She is! Siguro nagpanggap lang syang tomboy para makuha ka. Siguro nagpanggap lang sya para makuha lahat ng lalaking gusto nya!"
"You, shut up or else--!"
"Bakit yung katulad nya pa, Ty? Bakit sya pa?" She started crying. "Hindi ko alam kung anong meron sya na wala ako!? Matalino ako, maganda, mabait, I can cook.. Ano pa bang kulang, Ty? Bakit hindi ako?"
"You're just as good as any girls, Wendy. But the problem is, you are Wendy and she is Dino. She completes me." I turned around. Pero narinig ko pang umiyak ng malakas si Wendy. Hindi kaya ng konsensya ko. I faced her. "Wendy, please.. Tumigil ka na sa pagiyak. Marami pang lalaki dyan. Lalaking yung deserve mo at para sa'yo at magugustuhan mo.."
"The problem is, paano kung yung gusto mo hindi mo naman deserve?" She looked at me with her pretty wet face, "Ikaw ang gusto ko, Ty.. Can you make yourself deserving for me?" Napatingin ako sa baba.
"Sorry.." And this time, I walked away without turning my back.
*****
Dumating ako sa bahay at may narinig akong nagbubulungan. Sumilip ako at nandun nakaupo sa dining table ang magulang ko.
"Kamusta si Tony?" Tanong ni Papa kay Mama.
"Ayun, nagkulong sa kwarto. Ayaw daw nyang makita si Tyron.." Sagot ni Mama kasunod ang isang mahaba at nakamamatay na katahimikan. Maya maya pa'y may narinig akong umiiyak. I want to punch myself. Napaiyak ko si Mama sa katarantaduhang ginawa ko. Nasaktan ko ang tatlong babaeng napakahalaga sa buhay ko, si Mama, si Ate at lalong lalo na si Dino. "Saan ako nagkulang sa pagpapalaki sa kanya?" Namamaos na tanong ni Mama kay Papa.
"Ssshh. Hindi ikaw ang may kasalanan.. Wag mong sisihin ang sarili mo.." Sabi naman ni Papa. Gusto kong lumapit sa kanila at sabihing wala silang kasalanan. But instead..
I found myself running towards my room.
What a coward, Tyron. Exactly like you always do.
Run.
*****
Siguro tumakbo nako kung hindi hawak ni Dino ang kamay ko and Mama sat on my other side. I'm guarded, in case nga na tumakas ko. Sa totoo lang, naisip ko na yun kagabi, magtatanan na lang kami ni Dino at pupunta kami sa lugar na walang nakakakilala samin. It's a good plan, but definitely I'm not doing that also.
