Tawag ng tawag si Dino kinagabihan. Text ng text pa. Nairita nako masyado kaya pinatay ko. She’s not like that. She’s better than that. Bakit hinahayaan nya lang si William na landiin sya, eh alam naman na may girlfriend yung tao?!?!?! Walangya lalaki yun ah. May girlfriend na’t lahat, lumalandi pa. AT KAY DINO PA! Hinayupak! Isumbong ko kaya yun dun sa Abby na girlfriend nya, kahit kay Wendy pa.
“Kuya..” bumukas ang pinto ng kwarto ko at nakita ko si Mama na nakasilip. Tiningnan ko lang sya. Alam kong napansin na nya na masama ang araw ko. “nasa baba si Dino.. papaakyatin ko ba?” tanong ni Mama.
“pakisabi tulog ako at masakit ang ulo.” Sabi ko sabay talakbong ng kumot.
“may problema ba, Ty?” malambing na tanong ni Mama. Hindi ko sya sinagot. Alam kong nakatayo padin sya sa may doorway. Hinihintay na magsalita ako. After siguro mga ilang minuto, nagsalita si Mama, “inom ka ng Paracetamol para malawa na yang sakit ng ulo mo.” Sabi nya at narinig kong sumara ang pinto.
***
Kinabukasan, wala akong imik. Tingin ng tingin sakin sila Mama, Ate at Papa. Si Tintin lang ang walang pakialam. Sabi pa ni Ate, “anong problema mo?” tiningnan ko lang sya ng masama, “ayie. Love problem.” Tuloy pa nya. Sinaway sya ni Mama kaya natahimik sya. Si Papa naman, walang sinabi. Mas ayos yun kung hindi nila ako papansinin.
Paglabas ko ng bahay, nagulat ako ng makita ko si Dino sa tapat ng gate namin. Naiinis padin ako sa kanya. Galit padin ako kay William.
“Ty!” nakangiti sya nung nakita ako. Lumabas ako ng terrace at daredaretsong naglakad. “snob?” sumabay sya sakin. “Ty! Pansinin mo naman ako.” masayang sabi ni Dino. Akala nya siguro binibiro ko sya na galit ako sa kanya. Kiniliti nya ako sa tagiliran ko pero hindi ko padin sya pinapansin.
Pagdating namin sa school, walang tigil si Dino sa pagkulit sakin. Honestly, gusto ko yung attention na binibigay nya sakin. Parang kasi ngayong araw, ako lang ang mundo nya. Parang sakin lang umiikot ang mundo nya. Suddenly, naiisip ko na naman si William. Pero kung nandito si William, alam kong magiging hangin lang ako kay Dino. Alam nyang nasa paligid ako pero hindi nya napapansin.
“Ty, galit ka ba? O nag gagalit galitan?!” pangasar ni Dino, “hindi kasi bagay sa’yo.” Tiningnan ko lang sya ng masama. Natigil lang sya sa kakakulit nung nagklase kami.
After ng classes namin, pumunta kami sa Office namin para i- submit yung report namin sa nangyaring Community Service kahapon. Dinismiss naman agad kami tapos pinapunta kami sa Head Quarters para kausapin yung mga Seniors. Pag dating namin dun, walang tao. Madilim nga eh. Naisip ko na baka nasa meeting lang yung mga Seniors kaya umupo ako sa isang tabi at naghintay.
“uwi na lang tayo, Ty. Bukas na lang natin asikasuhin ‘to.” sabi ni Dino na bagot na bagot.
“ikaw na lang umuwi.” I said coldly.
“hala! Galit parin si Tyron Lacsa sakin!” natatawang sabi ni Dino, “ang immature po nya.” pang- aasar nya. “wala naman akong ginagawang masama, pero nagalit sya sakin.. bakit kaya?” yung tono nya nang- aasar padin.
“stop it.” I whispered. Actually, effective yung ginagawa nya. Naasar ako. At malapit na akong mapuno.
“siguro gusto lang nya magpalambing sakin kaya nag gagalit- galitan sya..”
“stop, Dino.”
“ang immature naman ng bestfriend ko. lalambingin na nga kita.” lumapit sya sakin.
“I SAID STOP!” napatayo ako. Napuno nako. Halatang nagulat si Dino sa pagsigaw ko. Natigilan syang nakatayo.
“ANO BANG PROBLEMA MO!?!?!” she bursted out loud. “Kahapon, bigla ka na lang umalis ng walang dahilan! Nabasag mo yung pinggan dun sa Atoy’s! Tinatawagan kita ayaw mong sumagot! Ano bang problema mo?!?!” Sigaw nya. Namumula na sya sa pagsigaw nya. Hinawakan ko ang ulo ko. All my anger went in my head. I felt like I’ll explode!
“IKAW ANG PROBLEMA KO, DINO! IKAW!” sigaw ko.
“Anong problema mo sakin!?!? Ayos naman tayo kahapon ah!”
“Kasi nagpapalandi ka kay William!” Kumunot ang noo ni Dino sa sinabi ko, “alam mo nang nilalandi ka nung tao, nagpapalandi ka naman! Alam mong may girlfriend na tao yung si William! Alam mo yun! Pero ayaw mo syang pigilan sa pagiging sweet nya sa’yo!!”
“anong sinasabi mo?” Dino sounded hurt. Hindi ako sumagot. “sa tingin mo ganun akong klaseng tao!? Bestfriend kita, Ty!” nanginginig na ang boses nya, “Dapat ikaw ang kahuli- hulihang tao sa buong mundo na magsasabi sakin nyan. Kilala mo ako! Ganun ba akong klaseng tao ha? Ganun ba ang pagkakakilala mo sakin? Kailan mo pa ako pinagiisipan ng ganyan?” Hindi ako sumagot. Now, I regret saying what I’ve said. Damn myself! “SUMAGOT KAAAA!”
“simula nung nalaman kong nagkakatext kayo ni Willam!” I answered.
“pa- paano? Paano mo nalaman?”
“nakita ko. Tiningnan ko. Nabasa ko lahat.”
“ba- bakit mo gin- nawa?” tanong nya. Yumuko ako. Walang akong maisip isagot. Nablanko ang utak ko.
Bakit ko nga ba ginawa?
Bakit ko nga tiningnan yung mga text?
Kasi, naiinis ako. Kasi, nagseselos ako. Tama. Nagseselos ako.
“naiinsecure ako sa kanya! Napapatawa ka nya! Napapasaya ka nya! At parang mas gusto mo na sya kesa sakin!” yun ang nasagot. Madami pang dahilan. Sobrang dami pa. At isa dun, ay natatakot ako na isang araw magising ako na hindi na sya si Dino na kilala ko. Na hindi na sya si Dino na minahal ko.
“God!” she shouted heads up. “Ty! Di ko akalaing nagiisip ka ng ganyan! Nababaliw ka na ba!?” hindi ako nakasagot. “nagkakausap lang naman kami dahil nag- aalala ako sa’yo! Ayaw mong sabihin sakin ang problema mo! ANG LAHAT! Pati yung nangyari sa inyo ni Pepper ayaw mong ipaalam! Bestfriend mo ako, Ty! Pero ayaw mong sabihin—“
“so, ngayon, ako pa pala ang may kasalanan!? Ako pa pala ang may gawa kung bakit nagseselos ako ngayon!? Sige na! Oo na! Pinoprotektahan lang naman kita. Oo na! Ikaw ang pinagawayan namin ni Pepper kaya kami nagbreak. Nagseselos sya sa’yo! Nalaman mo na, ano? Masaya ka na!?” daredaretso kong sabi. Hindi ko na napigilan ang paglabas ng katotohanan sa bibig ko.
“eh bakit hindi mo agad sinabi sakin!? Edi sana naayos natin ang gulo nyo! Edi sana kayo pa ni Pepper ngayon!” sigaw nya. Ang pula pula na ng mukha nya sa sobrang sigaw at sa sobrang galit nadin siguro.
“paano mo naman nalaman na hindi ako masaya na ikaw ang pinili ko!?” nagulat si Dino sa sinabi ko. Hinawakan ko ang dalawang side ng ulo nya at hinalikan sya sa labi. When, I pulled back. She stared at me wide open. I can’t feel her breath. Maybe she’s holding it.
After some time, yumuko sya. Walang nagsasalita saming dalawa. When she raised her head, nilagay nya bigla yung braso nya sa batok ko, she tiptoed and kissed me. Nagulat ako syempre. I didn’t expect her to do this. Her eyes are closed. I pulled her closer. I wrapped my arms on her waist. I closed my eyes and we started moving. I can feel my heartbeat, it’s so strong and very loud. I never thought she will kiss me like this. Suddenly, we’re like in a hurry. She pulled away just half a centimetre to gasp for air and I easily slid my tongue inside. She moaned. We kissed harder and faster. Sinabunutan nya ako. She bit my lower lip which I found perfectly fine. She tensed. She pulled away immediately. We’re both inhaling so fast.
“hi- hindi, hindi ta- tama ‘t- to..” she whispered under her breath and walk backwards.
“Dino..” I called her. Umiling lang sya at dali daling tumakbo palabas.
