Chapter II: More than a Guy. The only son?

161 4 0
                                        

“Magandang umaga po!” Bati ko pagpasok ko sa bahay nila Dino. Yung bahay nila walang second floor pero sobrang laki at lawak. Pwede ka yatang magsoccer dito e. Nadatnan ko silang nag- aalmusal.

“Dione!” Sigaw ni ate Diane. Sya yung panganay. 21 years old na sya. “Sinusundo ka na ng boyfriend mo!” Nagtawanan sila. Nasabi ko ba sa inyo na puro sila babae? Yes. Apat silang magkakapatid na babae. Lumabas naman ng kwarto si Danica na nagsusuklay ng buhok, she’s the youngest, 9 years old na yata sya.

“Hi, kuya Tyron!” Bati nya.

“Hello.” Sabi ko naman.

“Sabay ka na samin kumain.” Yaya ni Tito Dong, ang Padre de Pamilya, a civil engineer. Nakakaamoy ako ng tofu.

“Wag mo po, Tito. Kakakain ko lang din po sa bahay.” Tanggi ko.

“Gusto mong mag tea?” Tanong naman ni Tita Fe, just a housewife like my mom. Mag amiga sila e. Nagmamanage sya ng apartment business nila na nakatayo lang two blocks away sa bahay nila.

"Kuya Ty, tikman mo ‘tong bagong imbensyon ni Moms, sweetened okra.” Sabi ni Donna, 3rd daughter next to Dino. 14 years old na sya.

“Wag na po.” I insisted. Lumapit naman si Tita Fe na may dalang baso na may dilaw na tubig.

“Guavano juice ‘to. Magaling mag eliminate ng cancer cells. Inumin mo.” Nilagay ni Tita ang baso sa kamay ko. Napalunok ako, “Sige. Masarap yan.”

“S- salamat po.” Nakalimutan kong sabihin, vegetarian ang buong pamilya ni Dino except sa kanya, sya kasi ang batas e. Haha.

“Ang aga- aga, eh papatayin nyo si Ty.” Biglang lumabas ng kwarto si Dino na nagsusuot ng polo. Thanks for saving me, Dino.

“Eto naman! Nakakagamot nga ‘to e.” Ang cute mag baby talk ni Tita Fe. Kaya ininom ko rin yung juice. Bleh! YUCK! Ang slimy! Pero ngumiti padin ako na parang nasasarapan. Tuwang tuwa si Tita.”Anong lasa?” Tanong ni Tita, tumingin ako kay Dino at tumango sya.

“Hindi po masarap.” Sabi ko.

“Oo nga e. Ako nga din hindi nasasarapan.” Sang ayon ni Tita.

“I- try nyo po kayang haluan ng honey or calamansi juice?” I suggested.

“Mukhang pwede yun ah. Sige itatry ko. Salamat sa honesty mo.” Sabi ni Tita at bumalik na sa lamesa.

“Ang galing ni kuya Ty nu!?” Puri ni Danica. Nilagyan ni Dino ng gatas yung Koko Krunch nya. Kunsintido kasi ng daddy nya dahil kita nyo naman, walang anak na lalaki, imbis nga na magalit na tomboy si Dino, tuwang- tuwa pa.

“Dads, gagabihin po ako. Kasama ko si Tyron.” Paalam ni Dino.

“May date kayo?” Tanong ni ate Diane.

“Date mo mukha mo!” Sagot ni Dino kay ate Diane, “May school work po kasi kami, Dads.” Tuloy ni Dino. Ang galing din gumawa ng palusot ah. School work pala ah. Biglang binato ni Tito Dong ang susi tapos nagshoot sa bowl ng Koko Krunch ni Dino. Nagtalsikan ang gatas sa mukha ni Dino pero mukhang tuwang- tuwa pa sya. Tumawa kaming lahat. Kinamay ni Dino ang pagkuha sa susi. “Talaga, Dads? Pwede kong gamitin?” Nanlaki ang mga mata ni Dino sa tuwa.

“Alam ko namang dyan pupunta ang pagpapaalam mo e.” Sabi ni Tito. “Basta dapat kasama si Tyron.”

“OH YES!!!!!!” Niyakap ni Dino si Tito.

“Tyron, alam mo nang gagawin mo.” Sabi ni Tito sakin.

“Opo, Tito. Ako na pong bahala.”

“Ikadena nyo na yang dalawa.” Singit ni ate Diane. Napatingin ako sa kanya, kaya ganyan yang si ate Diane kase gusto nyang maging babae si Dino. Parang may sama yata sya ng loob sa mga tomboy e. Ewan!

No Match for a GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon