“Kuya.. naniniwala ka ba na pwede kayong magkadevelop- an ni Dione?” tanong ni ate Tony habang naglalaro ako sa SF sa computer at sya naman ay nakatutok sa TV.
“Ba’t ganyan tanong mo?” pagtataka ko.
“Kasi naman, kuya.. madami nakong kilala na magbestfriend na girl and boy tapos nagkagustuhan sila sa isa’t isa. Minsan naman, one sided lang, it’s either the girl or the boy lang pero mas pinahahalagahan nila ang friendship kaya tinatago na lang nila.”
“Ate, ibahin mo kami ni Dino. Lalaki ako, lalaki din sya.” Sabi ko. Pinause ko muna yung nilalaro ko at hinarap si ate.
“Diba hindi naman ganun katomboy si Dione? Bi- sexual lang sya. Naguguluhan pa.”
“Eh bakit mo ba biglang natanong?”
"Eh kasi ‘tong pinapanuod ko, ganun ang story.” Pagdadahilan ni ate. Napaisip naman ako bigla ng wala sa oras. “Hindi ka ba nagkakagusto kay Dione?” biglang tanong ni ate.
“Ate naman!” pasigaw kong sabi. Nagulat kasi ako sa sinabi nya, “Parang kapatid lang ang turing ko kay Dino at mukhang wala ng lalagpas dun. Tsaka, ate, may girlfriend ako.”
“Ganyan din ang sinasabi ng karamihan, kapatid lang daw ang turing pero deep inside mahal na pala.” May kakaibang ngiti sa mukha ni ate.
“Hindi mo ako maiintindihan kasi babae ka, lalaki ako.” sabi ko at humarap ulit sa computer.
“Hindi naman pwedeng mawala ang tendency na magustuhan mo si Dione diba?!”
“Gusto ko naman sya eh, kaso hanggang kaibigan lang. Hanggang dun lang talaga.” Sagot ko.
“Okay. Sabi mo eh. Basta ang iniisip ko lang, pag naging babae na si Dione, baka magustuhan mo sya.” Habol pa ni ate. Hindi nako sumagot at nagconcentrate sa kalaban ko. Ay shit! Nabaril ako. Ba naman kasi ‘tong si ate Tony! Kung anu anong topic ang inoopen sakin!
***
Maghapon tuloy na ganun ang nasa isip ko. Pero impossible naman na maging babae si Dino diba!? Tsaka I don’t think magkakagusto ako sa kanya kasi yung tomboy side nya lang ang kilala ko, then, I’m starting to know her girl side dahil nandyan ang Lola nila. Pero panandalian lang yun kasi pag katapos ng one week aalis na ulit ang Lola nila. Diba?!
Kung typical na magbestfriend na girl and boy, kung walang girlfriend/ boyfriend ang isa sa kanila, di magkakatalo talaga. Pero kung parehong walang relationship, dun tayo sasapul. In our case, ako may girlfriend, si Dino naman may Sugar at kung sinu- sinong babaeng gustuhin nya. Kaya imposible talaga!
I reached for my phone and dialled Pepper’s number.. medyo matagal nya bago nasagot.
“Hello, Ty..” bati ni Pepper na mukhang bagong gising. 5 PM na kaya. Bakit tulog pa sya?
“Kakagising mo lang?” tanong ko.
“Uhm.. oo. Natulog kasi ako kaninang tanghali.” Paliwanag nya. I heard a series of moan and sshh.
“Pepper?” I recalled.
“Uh- Yes! Bakit?” she said suddenly alert.
“Sunduin kita mamaya for dinner.” Sabi ko.
“Huh? Ah- sure. Sige.” Nagmamadaling sagot ni Pepper tapos may naririnig akong mga gumagalaw at iba pang tunog, “Pepper? Is everything okay?”
“Yes! Oo naman. I have to go, Ty. See you later.” Bigla na nyang binaba. Napakunot naman ang noo ko.
Papunta nako sa dorm nila Pepper. Sobrang layo nito sa bahay namin. Nakatatlong sakay pa ako bago makapunta dito. Sinaludohan ko yung dumaan na bantay ng dorm tapos daredaretsong pumasok. Paakyat nako ng may narinig akong mga pamilyar na boses. Nakita ko ang dalawang dorm mates ni Pepper na pababa ng hagdanan.
