Chapter XXIX: First Date.

70 5 0
                                        

                Kinakabahan ako. Almost two weeks na kami ni Dino pero first date namin. Niyaya ko sya kagabi, tuwang tuwa naman sya na pumayag. Pero kinakabahan padin ako. Paano pag nahuli kami? Tss. Hindi yun. Sa malayo kami pupunta. Imposibleng meron pang may makakakilala samin.

                Nandito ako sa sala nila Dino, hinihintay sya. Kabadong kabado at di mapakali. Halos lahat na ng pwesto nagawa ko para mapakalma ang sarili ko. Para akong bata na first time sa date. Nawala lahat ng confidence ko sa katawan.

"ang tagal ko ba?" Nagulat ako nung narinig ko ang boses ni Dino.

"ah-hindi naman kaso-" napatingin ako sa kanya at nagulat. Ang cute naman ng nilalang na'to. She was wearing a brown camouflage shorts, white shirt that says, 'GEEK', sneakers and eyeglasses. Kailan naging ganyan manamit si Dino??? Bumalik ako sa ulirat nung pinitik ni Dino ang ilong ko. Nasa unahan ko na pala sya. "nandun ka  lang kanina ah?!"

"sa sobrang ganda ko, natulala ka. Kaya hindi mo ako napansin." Hinawakan nya ang kamay ko. "halika na! Magcocommute lang kaya tayo!" Hinigit nya ako.

"teka lang!" Pigil ko, I swallowed. "iinom muna ako." Tumakbo ako sa kusina nila at uminom. Kailangan kong kumalma. Hingang malalim! Hingang malalim!

"first timer ba!?" Biglang lumitaw si Dino na natawa. "wag kang feelingero, madami ka ng nakadate, kaya halika na." Hinigit nya ulit ako, "don't worry, Ty.." it was a relief to hear her say that. Kahit papaano nabawasan ang kaba ko.

                We arrived at the theme park. After ng mahabang pila sa ticket booth nakapasok nadin kami. Si Dino parang bata na talun ng talon habang naglalakad. I took a picture of her. Pag harap nya, nakita nyang nakatutok ang camera sa kanya kaya ngumiti sya. She looked up at me, and the whole world disappeared. Like there were just us.

"hanggang kailan ka tatayo dyan na parang shunga?" Natatawang tanong ni Dino. I regained myself. "halika na! Hinihintay na tayo ng mga rides!" nauna na syang naglakad. Habang ako, ayun, nganga padin. I shook my head and followed her, taking pictures of her every time.

                Kumain muna kami dahil baka magutom kami sa pila. Eh gutumin pa naman 'tong si Dino.

"wala pa tayong picture dalawa." Biglang sabi ni Dino habang nakain ng hotdog sandwich, "puro ako lang yata ang picture dyan sa camera eh."

"eh sinong gusto mong picture- an ko? Ibang tao? Ibang babae?"

"subukan mo lang." Panakot nya sabay pakita ng kamao. "excuse me, Kuya, pwede pa- picture kami?" sabi ni Dino dun sa dumaang manong na parang tagalinis. She snatched the camera from me and gave it to the man. Pumayag naman si Manong at maya maya pa'y, ang isang picture ay naging dalawang dosena.

"salamat po, Kuya. Sorry sa abala." Sabi ko after kunan kami ng napakaraming picture. Nagpaalam na si Manong at si Dino,  ako naman ang pinagdiskitahan.

"Mahal! Smile!" Bago pa ako makaangal narinig ko na ang *click!* ng camera.

"Dino naman eh." Reklamo ko.

"isa pa, smile!" wala naman akong nagawa kundi magpapicture sa kanya.

                Sumakay na kami ng mga rides. Hindi naman ganun kahaba ang mga pila kaya mukhang madami kaming masasakyan. Sa Anchor's Away, nagvideo kami ni Dino tapos pagbaba namin.. tawa kami ng tawa sa itsura namin. Nawala yung eyeglasses ni Dino nung sumakay kami sa Roller Coaster. Sabi nya ayos lang daw yun, 30 pesos lang daw yun sa palengke at kay Donna daw yun. Madami pa kaming nasakyan at hindi na kami nakapaglunch.

                When we both got very tired, sa Swan na kami sumakay. We're looking at our pictures sa mga rides.

"this is the happiest day of my  life so far!" Sigaw  ni Dino. Pinagtinginan tuloy kami nung ibang nakasakay din sa Swan. "arigato gusaimasu.." she hugged me. Muntik pa akong ma off balance sa Swan namin. I stopped pedalling. I held her hand and kissed her forehead, her nose and her lips.

No Match for a GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon