My days got even harder. And harder. Mas nagiging close na sila ni William, minsan nga pag nasa bahay ako nila, dadating si William para magtanong ng kung anu an okay Dino. Minsan nanghihiram din sya ng mga DVDs at kung anu anong bagay. Naiisip ko tuloy gumagawa lang ng paraan si William para makalapit kay Dino.
Hindi.
May girlfriend si William.
Baka malanding lalaki sya?
Putek! Ngayon ko lang naisip na baka nilalandi ni William si Dino! Bakit ngayon lang!? Eh anong nangyayari ka Dino? Nagpapalandi naman sya!? Bwisit! Babatukan ko talaga yung si Dino! Nagvibrate yung phone ko.
Dino Calling…
“oh?”
“di ako papasok.” Masaya nyang sabi.
“hulaan ko, nagsakit sakitan ka tapos naniwala parents mo..” sabi ko.
“ungguy! Hindi. Good news. Hindi. VERY GOOD GOOD NEWS!!!!!!” feeling ko nagtatatalon sya kung nasaan man sya.
“ano bang meron at ang saya saya mo?”
“UUWI NA—uuwi na si Lola.” bigla nyang hininaan yung boses nya. “Ty! Uuwi na si Lola! As in ngayon na! Nagbabalot na sya ng mga gamit nya.”
“good news nga yan! Eh bakit hindi ka papasok?”
“pagood girl lang ako, sasama ako maghatid.” Sabi ni Dino.
“grabe, Ty! Ang tagal kong hinintay ‘to! uuwi na ang halimaw! Uuwi na sya! Uuwi na---“ natigil sya bigla tapos may narinig akong ibang boses. Parang boses yata ni Ate Diane.
“mamaya ka na magsaya dyan, kakausapin ka daw ni Lola.” narinig kong sabi ni Ate Diane.
“sige. Susunod nako.”sabi ni Dino. “Ty, tawagan na lang kita mamaya. Daan ka sa bahay after class ha? Bye!” Hindi na ako nakapagbabye. I- end call na nya agad.
“tss. Si Dino talaga.” I whispered to myself.
Mabuti naman at aalis na ang Lola nya. Babalik na ulit sa dati si Dino. Babalik si Dino na Dino na nakilala ko noon. Babalik na sakin si Dino.
***
Sa sobrang saya ni Dino ngayong araw. Nilibre nya ako ng kahit anong gusto ko. Kung saan saan kami kumain at kung anu ano ang ginawa namin. Lahat ng yun sya ang gumastos.
“isa itong kaganapan na dapat i- celebrate!” sabi ni Dino.
Kinuwento din sakin ni Dino yung sinabi sa kanya ng Lola nya na ayusin ang pag- aaral at wag muna daw magbboyfriend.
“opo. Pagbubutihin ko po lahat basta wag na po kayong babalik dito.” Sagot ni Dino pero buti naman daw hindi narinig ng Lola nya. Pinalo lang daw sya ni Tita Fe.
Kinabukasan, sinundo ako ni Dino sa bahay para maglaroo ng basketball. Alam nyo yung feeling na may inexppect mo na yung pagbabalik ni Dino sa dati, damit lalaki at kilos lalaki, tapos hindi nangyari? Wasak.
Kung paano magdamit si Dino nung nandito yung Lola nya, ganun padin sya magdamit ngayon. Hindi ba sya sabik magsuot nung dati ng sinusuot? Nakikipagusap sya kay Mama nung pagbaba ko. Nung nakita ako ni Dino, kumaway sya sakin.
Teka nga. Kumaway?
Hindi naman sya kumakaway dati. Lumapit ako sa kanya at niready yung kamao ko sa fist bump pero hindi nya nakita dahil tumingin na sya kay Mama. Ano bang nangyayari?
![](https://img.wattpad.com/cover/5014331-288-k197246.jpg)