I’m resting at my bed, staring at the blank ceiling of my room. Pagkatapos akong i- interrogate ng mga Seniors namin, lalo akong naging uncomfortable with Dino. Unti- unti ng bumabalik ang lahat sa dati. Nakikipagusap nadin si Dino saming lahat. Natutuwa ako at the same time I felt really.. awkward. Mukhang hindi naman nabasa ni Dino yung article about sa kanya dun sa school paper kasi nakita kong tinapon nya sa basurahan. I get up, reached for the school paper on the floor beside my bed. I stared at the picture of me holding Dino’s hand. Sariwa padin sa isip ko ang nangyari nung gabing yun.
“hay..” humiga ulit ako sa kama still eyeing our picture. “a dream girl or not?” ganun ba talaga ang tingin ng mga tao kay Dino? Bakit parang gusto nila na babae si Dino? Eh ako? Sino bang gusto ko? si Dino? Or si Dione? Hindi ko na alam kung ano ba ‘tong nararamdaman ko. My feelings are trying to betray me. I snapped out by the ring of my phone. Tumayo agad ako para tingnan kung sino ang nagtext.
Fr: Dino
Mind a walk?
It’s already past nine. Nagyayaya pa sya? Baka naman kanina pa’to!? LR lang ako. Wala pa naman akong load. Lumabas ako ng kwarto at dali daling bumaba. Nakita ko pang nanunuod ng Muling Buksan Ang Psuo sila ate Tony, Mama at Tintin.
“saan ka pupunta, kuya?” tanong ni ate nung binuksan ko ang pinto para lumabas.
“papaload lang.” sagot ko. Lumabas nako at sinara ang pinto. “SHIT!” nadulas ako ng onti. Nagulat kasi ako sa taong nakaupo sa upuan sa terrace namin. Nagulat din sya nung nakita ako, “Di- no? anong ginagawa mo dito?” napahawak ako sa board ng pinto dahil biglang parang magkakaron ako ng heart attack. Nakita ko na naman ang Dino nung party namin. Bumilis tibok ng puso ko. Bakit ba hindi ko maalis sa isip ko yung itsura nya nun?
“nagtext ako sa’yo ah.” Tumayo si Dino at lumapit sakin.
“uh.. ah.. oo. kakarecieve ko lang nga e. LR yata ako.” sabi ko.
“hindi ka LR, ungguy.” Natatawang sabi ni Dino, “kakatext ko lang talaga sa’yo.”
“gabi na ah.”
“wala lang. Wala kasi ako magawa sa bahay.. tsaka nandun—“
“saan mo ba gustong pumunta?” Pinutol ko sya. Tungkol na naman ‘to sa Lola nya e. Nagsimula nakong maglakad palabas ng terrace, sumunod naman si Dino.
“kahit saan. Basta gusto ko munang maglakad..” may huli syang sinabi pero sobrang hina, hindi ko narinig.
“ano?” I demanded.
“ang bingi mo. Nagugutom ako, bili tayo ng chichirya.” Naunang maglakad si Dino. Phew. Kailangan kalimutan ko muna si Dione.
“si Dino ang kasama mo, Ty.. si Dino yan. Si Dino.” I whispered to myself.
“hoy baliw. Halika na.”
Bumili nga kami ng junk foods pati root beer. Alam nyo yung feeling na kakakilala mo pala sa isang tao tapos nahihiya ka sa kanya at parang kinikilala nyo palang nag isa’t isa? Ganun ang feeling ko. I want to scold myself for feeling this way. Bestfriend ko kaya ‘tong kasama ko! Ano ba ‘tong nararamdaman ko?
“hay. 7 make- up trainings!? Ang dami nun.” Sabi ni Dino pagkalabas namin ng convenience store.
“dinamay mo pa kasi ako.” I said.
“ayaw mo ba akong kasama?”
“gusto syempre. Pero hindi sa hirap!” I joked.
“grabe! Akala ko pa naman sa hirap at sa ginhawa, kasama kita..” nagdadramang sagot ni Dino.
