Chapter XII: Keep Out!

96 4 0
                                        

Dione’s POV

       Uh? Ano ba yung maingay? Pinikit ko ang mata ko para matulog ulit. Ang sakit parin ng katawan ko dahil sa traning namin kahapon. Halos maparalyze na ang buong katawan ko.

*BANG! BANG! BANG!*

        Bakit walang sumasagot sa nakatok sa pinto? Sinilip ko yung clock ko sa table. Hala naman! 8 AM palang! Pumasok na siguro ang mga kapatid ko pati si Dads. Eh si Moms at Lola? Bakit hindi nila tingnan kung sino yung istorbong padabog kumatok?

*BANG! BANG! BANG! BANG!*

      Shit! Palakas na ng palakas. Sino ba kasi yun at kung makakatok ay parang sisirain na yung pintuan namin? I reached for my phone. I dialled Tyron’s number..

“Ang aga aga naman, Dino!” naiinis na sabi ni Tyron.

“Di ba ikaw yung nakatok sa bahay namin?” tanong ko.

“Gagi! Nandito ako sa bahay. Ginising mo nga ako tapos sasabihin mong nakatok ako sa bahay nyo?!”

“Eh! Akala ko kasi ikaw.” Sabi ko.

“Badtrip ka naman! Pagod na pagod ako kahapon at sobrang sakit ng katawan ko, tapos gigisingin mo ako kasi akala mo ako yung nakatok sa inyo!? Dino naman!”

"Oh sige. Sige. Istorbo kasi. Pasensya na, Ty.” Sabi ko, “Hehehe. Tulog ka ulit!”

"Bwisit!” he said instead of bye. I ended the call.

*BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!*

       Sinong demonyo kaya ang nakatok sa pintuan ni Hudas? Lagot sya sakin. Makikita nya ang impyerno! Dahan dahan akong tumayo. Ang sakit sakit talaga ng katawan ko. Nakahawak ako sa bewang ko at di ako makalakad ng ayos. Biglang bumukas ang pinto.

“Dione, sagutin mo nga yung pinto.” Sabi ng matanda. Aba! Senyorita ah! Kakagising lang din. Sinimangutan ko lang sya.

*BANG! BANG! BANG!*

“Dalian mo ng bata ka! Galit na yung nakatok!” pinalo pa ako ng tungkod nya. Paika ika pa akong maglakad. Feeling ko makakalas ang mga buto ko sa binti. Pakshet naman! Pwede namang sya ang sumagot at ako pa! kita naman nyang- AY! Hindi pala nya alam na Criminology ang course ko. Ang alam nya kasi Engineering.

       Pasakit ang pagbaba ng hagdan. Kahit tatlong steps lang ‘to. Sobrang pahirap padin! Naman! Nasaan naman kasi si Moms?! Kumapit ako sa sandalan ng sofa para mapabilis ang paglalakad ko. Parang ako pa ang matanda sa bagal kong kumilos.

*BANG! BANG!*

“Eto na po! Saglit lang!” sigaw ko dahil tatlong steps na lang nasa may pintuan nako. Pag lang talaga hindi importante ‘to! Tatamaan sakin kung sino man ang anak ng istorbong nakatok. Binuksan ko ang pinto, sumakit pa ang mga mata ko dahil maliwanag sa labas. Di pa nga ako nakakapaghilamos, nasa mata ko pa ang muta muta ko. Kinusot ko ang mga mata ko para makaadjust sa liwanag.

“Wala kaming tubig.” Sabi ng lalaking nakatayo  sa harap ko at magkasalubong ang kilay.

"Teka! Sino ka ba? Bakit sakin mo sinasabi na wala kayong tubig?” naiinis kong tanong. Baliw ba ‘tong taong ‘to!?

“Sa apartment ako nakatira.” Sagot ng lalaki, “Kaya pwede bang ayusin nyo na yung tubig at sobrang late nako!” galit na sabi nung lalaki.

“Ano ka chix? Hindi mo ako mauuto kasi kilala ko lahat ng nakatira sa apartment namin! Umalis ka na nga!” sabi ko at isasara ko na ang pinto. Bigla nyang tinulak.

No Match for a GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon