Chapter V: Haters. Fools. Idiots.

131 5 1
                                        

Dumating kami sa school nila Dino, DJ at Nick. Pinagtitinginan at pinagbubulungan kami. Pero wala naman akong nakita na sakin lang nakatingin. Kaya hindi ako siguro kasali. Baka isa kila Nick at DJ. Pero mukhang napapansin din nila na pinagtitingan nga kami. Pero si Dino daredaretso lang sa paglalakad na parang walang pakialam sa paligid. Kinulbit ko si Dino.

"Hoy Dino! Napansin mo?" Tanong ko.

"Kanina pa, sa entrance pa lang." sagot nya, "Bayaan mo sila." Nauna na syang naglakad samin na nakapamulsa. Tapos habol ang mga student ng tingin kay Dino. Si Dino pala ang tinitingnan nila. Ano kayang nangyari?

"Hi ladies!" Bati ko sa mga Tourism students na dumaan sa harapan namin.

"Hi!" Nakangiting sagot nung isa.

"Pwede bang magtanong?" Sabi ko.

"Free ako mamayang 6pm. And I like movies." Said the girl from my right. Napangiti na lang ako. Iniisip nya ba na yayayain ko syang makipagdate!? They all giggled. Yun nga siguro ang iniisip nila. What the.

"Di ako pwede ng 6 e." Palusot ko. "Pero tanong ko lang, may happening ba dito?"

"Ahh.." nagtinginan yung tatlo.

"So, meron nga?" Sabi ni Nick.

"Hindi namin alam kung dapat nyong malaman e." sagot nung nagakala na magtatanong ako ng date.

"Madami na ngang may alam e. Bakit kami hindi pwede?" tanong ni DJ.

"Tungkol kasi kay.." nilapit ko yung tenga ko dun sa babae, "Dino" bulong nya.

"Ha? Anong meron kay Dino?" natinginan uli sila.

"Pinagkakalat kasi ni Neil na nagpapanggap lang daw na tomboy si Dino para ma- sex ang mga boys sa Department nyo." Bulong naman nung isa.

"ANO!?!?!?!?" sigaw naming tatlo nila Nick at DJ.

"Please. SSHH. Wag kayong maingay na samin nanggaling ha?" pakiusap nung mga babae.

Neil was Sugar's ex- boyfriend. Bitter sya kay Dino dahil pinagpalit sya sa tomboy. Si Neil na yata ang kilala kong pinakamaimpluwensyang tao dito sa buong campus.

"Saan naman nya napulot yun!?" tanong ni DJ.

"May ebidensya daw, nakita daw si Dino at isang taga department nyo na lumabas ng Sogo, sabi daw nila ikaw daw yun, Tyron." Tuloy ng mga babae.

"Pta!" napasigaw kami lahat.

"Hindi ko nga mahipuan yung tomboy na yun e!" sabi ko sabay takbo.

"Ty! Hintay!" sumunod na din yung dalawa.

Gagong Neil yun ah! Sinali pa ako sa pakulo nya. Siguradong hindi pa alam 'to ni Dino, at siguradong pag nalaman nya, gyera!

"DINO!" sigaw ko pagkabukas ko na pintuan ng room namin. Nakita ko syang binababa ang phone nya.

"Dino! Narinig mo na ba!?" tumakbo yung dalawa palapit kay Dino. Hindi sumagot si Dino at nagbukas lang ng libro. Lumapit ako.

"Alam mo na no?" mahina kong sabi.

"Sugar just called." She said.

"Tapos?"

"Wag na nating patulan." Kalmadong sabi ni Dino.

"Yun na yun?" protesta ni DJ.

"Dinudumihan nila ang pagkababai mo." Sabi ni Nick.

"Wala ako nun." Said Dino. She's not even affected. "Kung makareact kayo dyan akala mo mga babae kayo. Bayaan mo na nga lang sila." Tuloy pa nya. Umupo ako sa kabilang chair. "Rumors are created by haters, spread by fools and accepted by idiots." Sabi ko. Nilipat ang page. Baliktad naman ang hawak nya ng libro e. Inayos ko at parang nagulat si Dino. "I'm not an idiot. Bakit ko papatulan ang mga ganung sabi- sabi kung hindi naman totoo." Sabi pa nya.

No Match for a GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon