Dino’s POV
I’m scolding myself for doing that stupid thing! Why’d you kiss Tyron? Bakit bumigay ka agad!? Tanga! Leche! Tragis ka, Dino! Ang bading mo! Kaya nga ayaw mong maging babae diba? Kasi madali silang madala ng mga emotions nila. Laging puso ang pinapairal nila, and now you’re proving to yourself that you’re a girl. Walastek naman, Dino! Bakit di mo nilabanan? Bakit?
Dahan dahang bumukas ang pinto ng kwarto namin, nakatayo si Diane sa may pintuan na nakacross arms. Inayos ko naman ang mukha ko.
“oh, bakit?” Pagtataray ko sa kanya.
“nakwento nila sakin ang nangyari kanina.” Sabi ni Diane at sumunod ang mahabang buntong hininga.
“so, anong meron?” Sabi ko. Lumapit sya at umupo sa kama nya na katabi lang ng kama ko.
“Dione..” Tumingin ako sa kanya, kakaiba yung pagtawag nya sakin. “ayos ka lang ba?”
“ba- bakit mo tina- tinanong?” Nabigla kong sabi.
“I’m just concerned. Alam mo na, sobrang close nyo ni Ty, kahit samin ang bait bait nya.. bestfriend mo kasi sya, Dione.”
“hindi ko na sya bestfriend, balimbing sya, Diane. Alam naman nya ang sitwasyon ko, bakit nagawa nya pang sabihing mahal nya ako?”
“ano bang mali dun?” I tensed. Hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong nya. “kasi ba mahal ka nya kahit ganyan ka? Diba mas maganda nga yun kasi despite that you belong to third sex nakuha ka pa din nyang mahalin? Hindi mo ba nakikita na totoo yung nararamdaman nya?” Sunod sunod na pagpaparealize sakin ni Diane.
“alam ko naman yun eh. Pero, meron kayong hindi naiintindihan.. ako kasi.. uh..”
“ano yun, Dione?” Lumapit pa si Diane sakin. I swallowed. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ‘to. Isa itong bagay na matagal ng gumugulo sa isipan ko at matagal ko nadin iniisip.
“alam mo kasi, Diane..” nakikita kong gustong gustong malaman ni Diane ang sasabihin ko, “I’m not attracted to.. uh.. girls anymore.. more likely, you know..
“BABAE KA NA!?” Tinakpan ko ang bibig nya.
“SSHHH! Diane naman! Hindi sa ganun!” Tinanggal ni Diane ang kamay ko.
“parang ganun kasi ang ibig mong sabihin, di ka na nagkakagusto sa babae, syempre sa lalaki ka na naattract. That means di ka na bisexual!”
“eh kasi naman, confused pa ako. I can’t even tell if ano ba talaga.”
“how’d you started thinking that way?” Diane asked.
“do you know, uhm.. William, yung tenant sa apartment?” She nodded, ”he made me realize that I’m worth being a girl. Kahit alam naman nyang ganito ako, babae padin ang turing nya sakin and..” I cleared my throat, “it just happens that nagugustuhan ko yung turing nya sakin.. nagugustuhan kong babae parin ako sa paningin nya kahit anong mangyari.”
“ibig sabihin.. may gusto ka kay William, ganun?” Concluded Diane.
“hindi! Hindi sa ganun! May girlfriend kaya yung tao!” pagdedepensa ko.
“hindi ka ba pwedeng magkagusto sa lalaking may girlfriend, ang masama dun kung agawin mo si William dun sa girlfriend nya.” Diane answered.
“wala akong balak, at medyo complicated ang lahat. Kanina, nagkasagutan kami ni Ty, sabi nya sakin nagpapalandi daw ako kay William kahit alam kong may girlfriend yung tao. Ang hindi nya naiintindihan, nabibigay ni William yung atensyon na hindi nya mabigay. Hindi naman sa nagpapalandi ako dun sa tao pero kasi.. kasi.. masaya ako na ganun ako ituring ni William and I want Tyron to treat me the same way.” I blurted out. I didn’t even know where those words come from. Feeling ko hindi ako yung nagsasalita. Napatungo ako sa sobrang hiya. Di muna umimik si Diane. Gusto kong magalit sa kanya kasi narinig nya lahat ang sinabi ko. Gusto kong sumigaw kasi sa lahat ng tao sa kapatid ko pa nasabi. At natutuwa ako kasi we’re having this girl talk time.
