\Naglalaro kami ni Dino ng Wii sa bahay nila. Nakaka20 games na kami, di pa ako nananalo kahit isa. Wii Master kasi ‘tong si Dino. Palibhasa, wala kaming Wii sa bahay kaya hindi ako magaling e. May narinig akong tunog ng sasakyan na tumigil sa harap ng bahay nila Dino. Nilingon ko saglit tapos bumalik na sa game. Maya maya, biglag may nag- doorbell.
“Moms! May tao po!” sigaw ni Dino habang tutok padin sa paglalaro.
“May juice dun mga anak.” Sabi naman ni Tita Fe na papunta na sa labas para tingnan kung sino yung tao.
“Tumal mo, Ty!” sabi ni Dino at umupo sa sofa. Talo na naman ako for the 21th time.
“Eh paano naman kasi, ikaw ang Valedictorian sa mga laro. Ayoko na nga!” sabi ko at nilapag ang control sa lamesa.
“Ikaw naman ang kulelat.” Tukso ni Dino. Umupo ako sa tabi nya at pinikit ang mga mata ko. medyo nagluluha na sa tagal naming naglaro.
“Ty! Dione! Patulong naman oh!” sigaw ni Tita Fe mula sa labas. Tumakbo naman ako agad sa labas. Ang lokong si Dino hindi sumunod. May nakita akong balikbayan box. Ngumiti si Tita Fe sakin pagkalapit ako.
“Wow!” yun na lang nasabi ko.
“Nagpadala na naman ang Ninang ni Dino.” Sabi ni Tita Fe, “Pakitulungan nga ako, Tyron.” Tinaas ko yung sleeves ng shirt ko tapos dahan dahanng binuhat katulong si Tita Fe.
“Moms, ano yan?” tanong ni Danica na nainom ng juice. Ang creepy ng kulay nung juice. Mukhang masusuka ako.
“Padala ng Ninang mo, Dione!” sabi ni Tita. Binaba na namin sa sala yung balikbayan box. Biglang lumabas si ate Dianne mula sa CR at lumapiy na may hawak pang suklay.
"May padala na naman?” sabi ni ate Dianne. “Kakapadala lang last month ah.”
“Christmas na kasi.” Sagot naman ni Tita.
“Moms, that’s still a month away.” Sabi ni Dino na naglalaro ulit.
“Buti nga at nagpapadala eh. Tawagin nyo na si Donna para mabuksan na natin. Excited na kasi ako.” Sabi ni Tita habang hinahaplos haplos ang box. Tinawag ni Danica si Donna.
“Hindi po ba natin hihintayin si Dads?” tanong ni Dino.
“Alam namam nyang dadating ‘to. Mauna na tayong magbukas.” Sabi naman ni Tita.
“Ate Dione, baka puro sa’yo ang laman yan. Ninang mo kasi e.” sabi ni Donna nung dumating.
“Edi maganda.” Pagmamayabang ni Dino. Pinatay na nya yung TV at lumapit samin. Tumayo lang ako malapit sa pintuan.
Binuksan na ni Tita ang box. May tinanggal syang manipis na papel na parang may nakasulat pero hindi ko nabasa dahil ang bilis tanggalin ni Tita.
“First layer, kay Diane.” Inihagis ni Tita ang mga damit, bag, belt, perfume yat yung nakabox at accessories kay ate Dianne. Ang galing nga ni Tita dahil kahit hindi sya nakatingin kay ate Diane, saktong sa pwesto talaga napupunta. Matapos ang batuhan, “Second layer, Dione.” May tinanggal na namang manipis na papel, separator siguro yun. Tumayo si Dino at inilahad ang kamay na parang excited sa ibabato sa kanya. Binato na ni Tita ang mga damit at kung anu- ano kay Dino.
“Wait!” Sabi ni Dino. Ibinuka nya ang isang damit. Isang blue and orange na sun dress. “Are you kidding me!?” gulat na gulat na tanong ni Dino. Agad namang tiningnan ang lahat ng damit na para kay Dino. Yung nakuha ni ate Diane, another sun dress na red and white, tapos yung kay Donna, skirt and sleeveless button down tapos yung kay Tita, black blouse. Biglang pinatunog naman ni Danica yung mga kwintas at daggling earring. Napahalaklak ako ng sobrang lakas.
