Dione’s POV
Nalaglag ako sa sofa kaya nagising ako.
“HIYAAAAH!” tumayo agad akong sa pagaakalang may nakapasok sa bahay namin.
“Malapit na daw sila.” Sabi ni Diane. Nanigas ang buo kong katawan sa narinig ko at parang nauubos unti- unti yung dugo ko. lumabas si Moms mula sa kwarto na nagkakabit ng bracelet.
“Tingnan mo yang damit mo, Dione, gusut- gusot na.” sabi ni Moms. “Halika ka nga’t paplantsahin ko uli.” Hinigit nya ako papasok sa kwarto nila. Hinubad ko ang damit ko, inabot kay Moms at humiga sa kama.
“Moms, si Tyron?” Tanong nya.
“Imuwi na kanina. Ayaw yatang madatnan yung Lola mo’t natakot sa kwento namin ni Diane.” Sabi ni Moms.
“Di- diba s-saglit lang sya dito?” nanginginig kong tanong. Gusto ko na lang sumama kay Ty sa bahay nila.
"Hindi ko alam sa Dads mo eh, ayos lang ba sa’yo ang isang linggo?”
“ISANG LINGGO!?!?” napabangon ako sa pagkakahiga ko. “Moms naman, wag naman ganung katagal. Gawan mo ng paraan!” sabi ko habang hinahampas yung kama.
“Oo, gagawan natin ng paraan, Dione.” Inabot na sakin ni Moms ang damit ko. “Maghilamos ka muna bago mo isuot yan.” Pumasok ako sa banyo at naghilamos. Baka nananaginip parin ako katulad kagabi. Hindi nga ako makatagal ng isang oras na kaharap ng Lola ko, isang linggo pa kaya?
Sabi naman ni Diane, gawin ko lang yung ginawa ko last year. Wag masyadong magsalita at ngumiti lang. Damn it! I can’t do it for days! No, Dino! You can do this. Kung ayaw mong maikulong sa bodega na may ahas o kaya lunukin ng buhay. Ayokoooo! Madami pa akong gustong gawin sa buhay ko. AYOKO TALAGA! Biglang bumukas ang pinto.
“Ba’t ba ang tagal mo? Nandyan na sila. Bilis!” sigaw ni Diane. Pinunasan ko ang mukha ko, sinuot ang damit at uminom ng tubig. Inaayos ni Diane ang buhok ko. “Remember what you did last time, do your part and I’ll do the rest. Now, smile.” I smiled. “You call that a smile!? Don’t show all of your teeth! Hindi dentista si Lola!” inis sa sabi ni ate Diane, “Dione, relax your mouth muscles. Ano ba yan!? Para akong nagtuturo sa nursery.” I’ve tried what Diane said, “Pwede na yan. Let’s go.” Hinigit ako ni Diane at lumabas na kami.
Papasok palang ng pintuan ang nakatungkod na matanda. Nakakapaglakad pa pala ng magisa ‘tong matandang ‘to. Patay tayo dyan! Makakapaglibot libot pa yan sa abahy namin. Badtrip. Baka kung anong ang makita nya dito sa bahay. Nakababa sa kanyang ilong ang latusok nyang salamin na nagpapamukhang nanlilisik ang kanyang mga mata. Mukha naman syang ‘medyo’ masaya sa pagpunta nya. Nilibot ng kanyang mga matay ang pamamahay namin na parang inspector na naghahanap ng mali.
At nakita nya ako…
Umilaw ang salamin nya dahil sa reflection ng liwanag sa loob ng bahay. Nangatog ang mga binti ko. I stepped backwards pero tinulak ako ni Diane ng mas malapit pa sa matanda. Lumapit si Moms at Donna para magmano, si Diane naman bigla akong tinulak papalapit. Shet! Bumibilis tibok ng puso ko. Namamawis ang mga kamay ko.
“Welcome po, Ma.” Bati ni Moms at nagmano sya, gumawa din si Donna at ate Dianne. Paglapit ulit sakin ni Dianne, hinataw nya ako sa pwet.
“Go.” Bulong nya. Dahan dahan akong lumapit sa nakangiting matanda. Sinenyasan naman ako ni Dads na nasa likod ng matanda na ngumiti, kaya ngumiti ako.
“Ma- mali- maligayang pagda- ting po, Lola.” bati ko sa pinakamataas na maabot ng boses ko. Itinaas nya ang salamin nya at nagmano ako. nakangiti pa din sya tapos hinawakan ang buhok ko. napapikit ako.