It took me a lot of time and strength to follow her. Gulung gulo na ang isip ko! Bakit nya ako hinalikan? Bakit ganun ang reaksyon nya?
“DINO! WAIT!” sigaw ko habang natakbo. “DINO!!!” Alam kong naririnig nya ako at alam ko ding hindi sya hihinto. Paglabas ko ng school, hinanap ko sya. Lumingon ako sa lahat ng sulok. And it hit me. May dumaan na trike tapos nakita kong nakasakay dun si Dino, nakatingin sya sakin. Sobrang bilis ng pangyayari. Hinabol ko yung trike. “DINO!!! TIGIL! MAMANG TRICYCLE, TIGIL!!!” lalo pang bumilis ang takbo ng trike. “PUCHA! MANONG!!!! TUMIGIL KAAAAA! DINOOO!!!” Hindi ko na maabutan pa yung trike. Anong laban ng mga binti ko sa makina? Hinarang ko yung umaandar na isang trike, “Kuya, habulin mo yung trike! BILIS!” Sabi ko sabay turo dun sa trike na sinasakyan ni Dino.
“eh totoy, may service pa akong susunduin.” Sabi nung trike driver.
“babayaran kita ng doble. Bilisan mo na kuya!” Halatang napilitan si manong pero humarurot nadin sya agad.
Habang nakasakay ako sa trike, kinakabahan ako, natatakot ako at parang wala na ako sa katinuan. Ano bang dahilan ko kung bakit ko sya hinahabol? Hindi. Gusto ko lang malaman kung bakit. Kung bakit nangyari ang mga nangyari!
Malapit na kami sa gate ng Subdivision, nakita ko yung trike na sinasakyan ni Dino kanina kausap yung Security Guard. Bumaba ako sa trike at inabutan ng one hundred pesos yung tricycle driver na naabala ko sabay takbo papunta dun sa may guard house.
“manong, nasaan na yung sakay mong babae kanina?” hingal na hingal kong tanong.
“tumakbo na agad dun sa loob. Hindi pa nga nagbabayad eh!” galit na sabi nung driver.
“magkano po ba?”
“40.” Sagot nung driver, dumukot agad ako sa bulsa ko tapos inabot dun sa driver at nagtatakbo na para sundan si Dino.
Nakita ko na si Dino. I gathered all my strength para habulin sya. 20 feet away, napalingon sya sa likod. It’s too late, abot kamay ko na sya. Hindi ko na sya papakawalan. Napatili si Dino nung nahawakan ko ang likod ng damit nya.
“bitawan mo ko!!!” Sigaw nya. “umalis ka na! Bitaw, Tyron! Umalis ka na!!!” Sigaw nya habang nagpupumiglas. Hinawakan ko sya sa dalawang braso dahil nasusuntok na nya ako.
“tama na’to, Dino! Mahal kita!” I blurted. I felt my world lift a hundred kilograms because I said that. I didn’t realize that I’m holding that word for so long. “kung hindi ako hiniwalayan ni Pepper, hindi ko maiisip sa sarili ko na ikaw pala ang mahal ko hindi sya! Dino, makinig ka, pinili kita.. hindi na ako nakipagbalikan sa kanya dahil mas importante ka saken, dahil mas gusto kita sa buhay ko.. dahil mahal kita.” we stared at each other silently, both gasping for air. After a while, nagpumiglas si Dino, pinunasan ang pawis nya gamit ang backhand nya.
“masyado pang maaga para magsabi ka ng mahal mo ko.” She stated, “you don’t even know me!”
“I know you! Ikaw si Dione na piniling maging si Dino, ikaw ang babaeng nagparamdam sakin na hindi ko kailangan hanapin ang para sakin dahil all along, nandyan ka na!” Hinawakan ko sya sa mga balikat nya.
“stop, Tyron.” Tinanggal nya ang kamay ko tapos umiling, “Hindi mo alam, I’m turning into someone I’m not, you don’t know that.”
“anong ibig mong sabihin!?” I asked.
“madami ka pang hindi alam sakin.”
“edi sabihin mo sakin , wala namang problema dun ah.” Pagpipilit ko sa kanya.
“hindi na pwede, Ty! Hindi na pwede!” sigaw nya.
“bakit ka ba nagkakaganyan? Hindi na kita naiintindihan, Dino!”
