Hindi ko tinawagan ang pamilya ni Dino nung umalis sya ng Victory Party namin dahil alam kong ayaw ni Dino na gawin ko yun. Hindi ko din sya naabutan kung saan man sya tumakbo. Yung party namin? One word to describe it after Dino left.. DISASTER. Everyone seemed very lazy to move that night. Yung mga Seniors din namin parang naapektuhan nung umalis si Dino. Masyado kasing nagcreate ng kaguluhan yung galit ni Dino. And I should blame myself.
Maaga kami pinauwi than the 12 mid- night end time. Halos lahat kami parang nalugi. Narinig ko pa sa mga ibang lalaki na gusto daw nilang isayaw ni Dino. Naiinis naman ako! Ang lakas ng loob nilang magsalita ng ganun purkit umalis si Dino, nung nandito nga sya halos walang makakilos sa kanila e.
Hindi ako mapakali hanggang sa nakauwi ako sa bahay. Lalong hindi ako makatulog. Malaki din naman kasi ang kasalanan. Masyado akong nagpadala sa itsura nya, e nakakadala naman kasi. I reached for my phone. I dialled her number. And for nth time.. the subscriber cannot be reached, please try again later.. I have no idea kung paano ko sya kakausapin.
Umaga na pala. Wala man lang akong naisip na speech para kay Dino. Pag naiisip ko kasi sya, yung itsura nya ang nakikita ko. Her exact look when she arrived last night. And I’m speechless. Mapuntahan na lang sa bahay nila. Bahala na si Batman kung ano man ang lumabas sa bibig ko. Sana lang talaga, hindi sya ganun kagalit sakin.
“ang aga mo, Kuya.” Sabi ni Mama nung nakita nya ako. Nagkakape sya.
“nakaalis na po si Papa?” tanong ko sabay upo sa tabi nya.
“kakaalis lang.” she looked at me, like she’s examining me. “hindi ka nakatulog, tama ba ako?” tanong ni Mama.
“hindi nga po. Madami lang iniisip.”
“ano bang nangyari sa party nyo kagabi?” kita nyo? Nahulaan agad ni Mama na sa party nagkaproblema.
“si Dino po kasi..” I looked away. Ayokong sabihin kay Mama, pero the way she looked made me want to confess everything. And that’s what I did. I told her what happened last night.
“hindi ko ma- imagine ang batang yun na nakasuot ng gown..”sabi ni Mama. She sipped her coffee. “ganun ba sya kaganda?” nakangiting tanong sakin ni Mama. Tumungo lang ako. Hindi ko din alam ang tamang word to describe her. “alam mo, Kuya.. simpleng bagay lang naman ang dahilan. Siguro nafeel nya na wala syang kasama sa dinami- dami ng tao dun sa party nyo.. may mga ganung bagay kasi kaming – mga babae- na napapansin lalo na sa mga oras na sensitive kami. Lalo na ngayon, nandun padin sa bahay nila ang Lola nya.. dapat kasi dinamayan nyo sya, nahihirapan sya e.” napatingin naman ako kay Mama. Binabawi ko na ang sinabi ko noon na I’m matured enough para hindi baby- hin ni Mama. Simpleng bagay lang pala ang dahilan pero hindi ko naisip yun. Not now that Mama explained it to me. Tumayo agad ako sa pagkakaupo ko at niyakap si Mama.
“thanks a lot, Ma.” Sabi ko. Tinap nya ako sa balikat tapos ngumiti.
Mas malinaw na ang pagiisip ko habang papunta ako kila Dino. Naiintindihan ko na lahat. Siguro hindi din sinabi ni Dino sa pamilya nya ang nangyari kagabi kaya kailangan, hindi ako magpahalata na may problema. I stopped. Kinabahan ako bigla. Nakita ko kasi si Dino na palabas ng bahay nila at may dalang basketball. Naalala ko na naman, the way she looked last night. I shook my head to wash that thought away.
“D- Di-!” natigilan ako nung nakita kong lumabas naman ng apartment si William at papunta sa bahay nila Dino. Nagtago naman agad ako. Nagkasalubong sila ni Dino.
“oh? Ayos ka na ba?” tanong ni William.
“medyo.” Matipid na sabi ni Dino.
“mukhang hindi ka pa okay.” Nang- aasar na sabi ni Dino. Pinoke nya sa braso si Dino. Lalapit na sana ako kaso nakita kong ngumiti si Dino. Ngumiti sya? Nagtago na lang ulit ako. Bakit sya ngumiti sa ganung bagay? Diba masama pa ang loob nya? Tsaka, bakit parang alam ni William ang nangyari? Pagsilip ko ulit, malayo na ang nalalakad nung dalawa. Sinundan ko naman sila.
