Nasasanay na ako ng onti sa bago kong schedule.. lalo na’t wala na si Pepper. Minsan, nagkakasalubong kami sa hallway pero laging madaming tao kaya hindi ko sya malapitan. Tinetext ko naman sya paminsan minsan, pero hindi sya nagrereply. Siguro, dahil kasama ko padin si Dino hanggang ngayon. Bakit hindi nya maintindihan na hindi naman ako kailangan mamili sa kanila ni Dino?
Padabog na bumukas ang pinto ng room namin kaya napatingin kaming lahat. Si Dino pala. At mukhang badtrip. Magkasalubong ba naman ang kilay tapos parang umuusok ang ilong sa galit, tapos parang nalugi at maya maya lang eh iiyak na. Basta hindi ko maexplain yung itsura nya.
“Oh? Ang aga aga ganyan itsura mo?” tanong ni Nick na may kagat pang pen.
“TY!!!!!!”
“ARAY!” bigla ba naman akong sinabunutan ni Dino. “Dino! Ano ba!? Masakit!” parang matatanggal na ang anit ko eh. Lumapit sya sa pader at pinaghahampas yun. Nilingon namin sya lahat. “Hoy! Ano na naman bang drama mo?” sabi ko tapos binato yung ballpen na hawak ko.
“AAAARRRRRGGGH!!! Gusto ko ng mamatay!” sigaw ni Dino na panay padin ang hampas sa pader. Bigla syang lumapit sakin tapos sinuntok yung table ko tapos pinanlisikan ako ng mata.
“H-hoy! Ba- bakit ba!?”
“TY! YUNG LOLA KOOOOOooo!” sigaw ni Dino.
“A- anong nangyari sa Lola mo?” nagulat ako at parang natakot. Baka kasi natigok na. Ayaw parin magsalita ni Dino, “D- Dino?! Anong nangyari sa Lola mo!?” I demanded. Kinakabahan na kasi ako.
“Ty..” tumungo si Dino at dahan dahang umupo sa upuan nya. “Next month pa sya aalis.” Sabi ni Dino. Lahat kami halos nakahinga ng maluwag. Binatukan ko si Dino.
“Gagi ka! Pinakaba mo ako!” sabi ko.
“Akala ko pa naman kung ano na.” sabi ni Nick. Yung iba naming classmates, puro ‘tss’ ang sinabi at umiiling pa.
“Hindi ba kayo natatakot? Matagal pa syang mag-s-stay dito! Pahihirapan nya akooooo!” sigaw ni Dino. Umiling na lang ako at bumalik sa pagbabasa. Sakto namang pumasok yung senior officers namin. Nagulat kaming lahat. Tumayo at nag- greet sa kanila. Pinaupo nila kami tapos tumayo lang sila sa harap at in- inspection ang paligid.
“Anong meron?” mahinang tanong ni Nick. Kasi pag dumadalaw ang mga seniors namin, laging may kakaibang nangyayari. Napalunok ako. Baka special training na naman ito.
“Good morning, First Years..” bati ni Senior Real. Yung pinakahead sa Seniors. “Dahil first time nyo.. siguro hindi pa kayo nabibigyan ng introduction about sa Criminilogy Week natin.” Kahit gusto naming magbulungan, hindi namin magawa dahil baka parusahan kami at bigyan ng make- up training. Ayoko nga nun. Kahit gustong gusto ko ng magtanong, hindi ko kinaya.
“Ano bang meron dun?” napatingin naman ako sa tabi ko. Bigla ba namang nagsalita si Dino. Halos lahat kami nakatingin sa kanya. Medyo tumawa yung mga Seniors. Aba! Gusto nya bang maparusahan ng wala sa oras?! Naapektuhan na ang utak nito sa mas matagal na pananatili ng Lola nya.
“Next week na yun..” sabi naman ni Senior Martillano. “Schedules will be posted on our bulletin board.”
“Per block ang competition. Kaya kayo, pumili kayo ng magagaling na players sa mga games.. tandaan nyo lahat ng year levels kalaban nyo. Be competitive. Kung sasali kayo sa activities, mas maganda. May mga extra points din yun tapos bawas sa mga demerits.” Paliwanag uli ni Senior Real.
“Kailangan nyo din pumili ng isang muse para sa Freshmen representatives..” napatingin ang lahat kay Dino.
“Oh? Bakit kayo nakatingin sakin!?” gulat na sabi ni Dino, “Di ako mag- m-muse ah!”
