Chapter VI: M. U.

121 3 0
                                        

[A/N] Pampadagdag lang po itong chapter na’to. Pero maganda lang din kung babasahin nyo din. Hehehe.

Ang gulo kausap ng mga tao ngayong araw. Nabubwisit na ako ng bahagya. Konti na lang siguro ay mapipika na talaga ako.

“Nick, pre, anong oras ba yung quiz?” tanong ko.

“Magreview ka lang dyan.” Sagot ni Nick na nagkakamot ng ulo habang binabasa yung notes nya. Kanina yan, parang tanga lang. nagreview nga ako kaso wala naman pala kaming quiz kasi kulang pa kami sa lecture.

Tapos kaninang umaga sa bahay..

“Ma! Nasaan po yung black shoes ko?”

“Hiniram pala ng Papa mo yung rubber shoes mo ha.” Sabi ni Mama tapos e iniwan na ako. Parang nasagot nya ang tanong ko ah. Dahil hinanap ko pa ang sapatos ko medyo nalate ako. Dun nagsimulang pumangit ang araw ko.

Nakatambay lang kami ni Dino dito sa school ground. Hinihintay sila Nick at DJ. Inubos ko na yung soda na binili ko at binato sa pinakamalapit na basurahan.

“Saan ba daw nila kukunin yung picture?” tanong ko. yung picture na kinakalat ni Neil na lumabas daw kami ni Dino sa Inn.

“Pupuntahan daw muna nila yung tindahan na naiwanan ng sukli kanina sa soda.” Sagot naman ni Dino sabay inom sa coke in can nya. Anak ng peste! Pati si Dino ang layo ng sagot. Anong connect ng picture sa naiwang sukli!?

“Ang lapit ng sagot mo.” I said sarcastically. “Napakalapit talaga. Nasagot ang tanong ko.” habol ko pa na nagbubunot ng damo sa lupa dahil sa inis.

“Bakit ba?” nagtatakang sabi ni Dino.

“Ang tanong ko kasi saan nila kukunin yung picture, pero ang sagot mo yung naiwang sukli.”

“Ang ibig kong sabihin, pupunta muna sila ng tindahan para kunin yung sukli tsaka sila kukunin yung picture.” Explained Dino.

“Eh hindi naman yun ang tinatanong ko, Dino.”

“Eh hindi ko din naman alam kung saan nila kukunin e.”

“Edi sana sinabi mo nalang na hindi mo alam. Ang dami mo pang sinabi.” Tiningnan ko sya ng masama.

“Sorry naman.” Sabi ni Dino at pinitik ang pisngi ko.

“Ewan ko sa inyo. Magsama sama kayo!” pikon kong sabi. Nasagad na talaga ako. Bakit kasi hindi nalang sagutin yung mismong tanong? Sino ba nagpasimula ng magulong usapan?

Habang nilulunod ni Dino ang sarili nya sa coke. Biglang may dumaan na magandang babae.

“Ganda nun ah.” Sabi ko.

“Gusto mo ng number nya?” biglang singit ni Dino.

“Bakit? Meron ka?”

“Oo. Binigay nya sakin bigla, itext ko daw sya.” Sabi ni Dino.

“Ba’t nya binigay?” I said in interest.

“Ewan ko. Oh eto.” Binigay nya sakin yung phone nya, “Lexy ang pangalan. Ikaw na lang ang magtext, tinatamad ako.” She sounded so bored.

“Ayaw mo dun, p’re? ang ganda nun ah!”

“Ayoko!”

“Edi sakin na lang.” mahina kong sabi. Hinanap ko sa contacts nya at sinave ko naman sa phone ko yung number. Sinave ko lang naman, pero di ko itetext. Defensive ba masyado?

“Tingnan mo yun.” Biglang sabi ni Dino at pinihit ang ulo ko sa direction na gusto nyang tumingin ako. Nakanguso si Dino sa isang babaeng nakatalikod. Ang sexy at ang haba ng legs, ang puti puti pa!

No Match for a GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon